9

273 13 47
                                    



"May tubig ka ba d'yan?" tanong sa akin ni Neo.


Agad ko namang kinuha ang bag ko kung saan nakalagay ang tumbler at agad itong inabot sa kanya. Kinuha niya 'yon agad pero tinignan niya muna 'yun at tumingin uli sa akin.


"Wala naman siguro 'tong lason 'no?" mapaghinalang tanong niya.


"Tanga," sabi ko naman at nailing. "Ba't ko naman lalagyan ng lason 'yung sarili kong tubig? Ano ako tanga?"


"Nagtatanong lang," sagot niya nama at agad na itong binuksan. Akala ko ay iinumin niya na 'yon pero tumingin ulot siya sa akin. "Gayuma? Baka may gayuma 'to," sabi niya.


"Kung ayaw mo uminon 'edi 'wag," sabi ko at agad na nag-akmang agawin ang tumbler ko pero agad niya din iyong nilayo sa akin. "Akin na 'yan," sabi ko.


"Bakit kukunin mo? Hindi pa nga ako nakakainom," reklamo niya habang inilalayo pa din sa akin ang tumbler ko.


"Chur! Sinio! Anong kaharutan 'yan?!"


Agad naman akong napaayos ng upo ng marinig ang sigaw ni Sir, ganoon rin ang ginawa ni Neo.


"Ano?" tanong ni Sir ng makalapit siya sa amin. "Masaya kayo?" taas kilay niyang tanong habang nakapamewang. Agad naman akong 'yumuko dahil sa kahihiyan.


"Masaya po ako, sir" sagot ni Neo dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ikaw po, mukhang hindi ah" sabi pa nito. "Mukha ka pong stress," sabi pa nito habang tumatango tango.


"Paano mo nasabi na stress ako?"


"Napapanot na po kasi kayo," diretsong sagot niya. "Pero mas bagay po sa inyo 'yan," sabi niya pa at nagthumbs-up. "Kamukha niyo po si Derek Ramsey" sabi niya pa at kinindatan si Prof.


"Napakabolero mo, Neocole" naiiling na sabi ni Sir. "Plus 5," sabi niya at agad na naglakad paalis. "Okay, before we leave, magpray muna tayo and ask for His guidance" pag-aanunsyo pa ni Sir. Tumingin ako kay Neo na ngayon ay umiinom na ng tubig.


"Neo, mamaya ka na uminom nang tubig at baka pati 'yang tumbler mo na pink ay isaksak ko san gala ngala-ngala mo" pagbabanta ni Sir.


"Copy!" sigaw ni Neo at agad na nagthumbs-up. Humarap sa akin si Neo at agad na inabot ang tumbler ko. "Salamat," sabi niya at muling tumingin kay Sir.


"Okay, let's bow our heads and close our eyes for our prayer"


Agad naman akong yumuko at pumikit. Nagtaka ako ng biglang kunin ni Neo ang kamay ko at agad itong pinagsakop dahilan para mapamulat ako. Napatingin ako sa kanya at nakapikit naman siya habang nakayuko.


Hindi naman ito ang unang beses na may lalaking humawak sa kamay ko pero hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Ang init ng mukha ko at rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Napakagat ako sa labi ko at agad na pumikit at magconcentrate sa pagpi-pray.


Hindi ko alam pero hindi ako makapagcocentrate ng dahil sa mainit na kamay ni Neo na nakahawak sa kamay ko. Nakakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko na ngayon ko lang naranasan.


Nang matapos ang prayer ay agad din na hinigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tumingin agad ako sa ibang direksyon para maitago sa kanya ang mukha kong alam ko na pulang pula na ngayon.


"Haielle," pagtawag sa akin ni Neo.


"Ano?" tanong ko naman, hindi pa din siya nililingon.


"Suot mo na ulit 'yang earphone," sabi niya. Agad ko namang inilagay sa tenga ko ang earphones, hindi ko na din siya narinig na magsalita. Maya-maya pa ay agad na narinig ko ang unang line nang kanta ng upbeat na kantang pamilyar din sa akin.


So baby keep my heart beat-be-beat beat beating
She's the reason I keep believing, that were going
To die like this you know, oh oh oh


Tumingin ako kay Neo na nakatingin na pala sa akin dahilan para mapalunok ako.


"Ang ganda nang kanta 'no?" nakangiting tanong niya at umupo nang maayos habang mahinang nag-he-headbang. "Ano? Ganda 'no? Heartbeat title niyan."


"Ah, oo" sabi ko naman. Sa totoo lang ay hindi ako gaanong mahilig sa mga boyband music na especially from US pero hindi ko alam at ang ganda ng beat ng kantang 'to. Mabilis na natapos 'yung kanta at agad din namang tumugtog ang susunod na kanta.


"Pakinggan mo, maganda 'yan" sabi niya habang nakangiti. Tumango nalang ako at pinakinggan 'yung kanta.


"'Yan na 'yung chorus," parang excited na sabi ni Neo.


Nagtaka ako ng bigla niya akong ituro. "And maybe girl you rock my world and turn it upside down or inside out" pagkanta niya habang hawak ang kanyang phone at iniimagine na mic iyon.


"Feeling just fine, like we should alright. Rolling out of bed and do it all again"
pagkanta niya pa habang lowkey na nag-iinterpretative dance. "Grabe my shoes and walk right out the door. Girl I couldn't ask for more."


Hindi ko alam kung sa akin lang or ano pero nacu-cute-tan ako sa boses ni Neo lalo pa at ang entertaining niya panoorin dahil sa mga gestures and facial expressions niya.


"Ang ganda di'ba," sabi niya pa.


"Ang ganda din ng boses mo," komento ko.


"Ano ka ba, 'wag mo ako purihin masyado baka habang buhay kitang kantahan" natatawang sabi niya. Alam ko na biro 'yon pero may parte sa puso ko na hinihiling na sana maging totoo 'yon.


"Ito na, favorite part ko" sabi niya pa.


"Gravity keeps happening to disappear when you are near"
sabi niya at habang nakaturo sa akin. "You seem to be what's making me...miss a beat"


He made my heart miss a beat. Patuloy pa rin siya sa pagkanta at mukhang feel na feel ang kanta. This person is something else and I'm not sure of what I'm feeling anymore.


"Paborito ko na 'to," mahinang bulong ko.


"Uy," sabi niya at nag-thumbs up. "Same," sabi niya at agad na nakipag-high five sa akin. "Gusto ko tast mo," sabi niya pa at ngumiti.


"Ano bang title ng kanta?" tanong ko.


"Um, bagay na meron tayo" sabi niya at kinindatan ako.


"Ano?" nagtatakang tanong ko. English 'yung kanta tapos Tagalog 'yung title? "Ano nga?" muling tanong ko.


"Chemistry," sabi niya at ngumisi dahilan para mapangiti ako. "..as a friend" dagdag niya at agad na sumandal sa backrest. "Feeling ko ang saya mom aging kaibigan, Haielle" sabi niya pa bago tuluyang pumikit.


"Ah, oo nga" naiilang na sabi ko at tumingin sa ibang direksyon. "Kaibigan," sabi ko at ngumuso. Naging tahimik na ako buong biyahe, ewan ko ba at nawalan ako bigla ng gana. Hindi din naman gaanong malayo 'yung Calatrava mula sa Odiongan kaya nakarating din kami agad doon.


"Okay, pagkababa niyo ay make a line base sa course niyo ha. Humiwalay muna kayo sa jowa niyo at ang sakit niya sa mata" sabi pa nito at agad nang bumaba. Kinuha ko na naman agad ang bag ko at ganon din ang ginawa ni Neo na mukhang nahihilo hilo pa at mukha din siyang inaantok.


Magkasunod kaming naglakad palabas ng bus at agad na hinanap ang mga blockmates ko.


"Bes!" sigaw ni Kate na kakababa lang din mula sa kabilang bus. Agad kaming pumila sa designated line para sa amin.


"Grabe, ang linis dito ano?" tanong sa akin ni Kate habang nakatingin sa paligid.


"Bawal dito magkalat, kapag nagkalat ka malaki ang multa" sagot naman ni Lindon, isa sa mga blockmates namin.


"Dapat i-practice 'yan sa buong Tablas 'no or 'di kaya sa buong Pilipinas" suhestiyon naman ni Kate.


"Kapal ng mukha mo, lagi ka ngang nag-iipit ng mga plastic sa santan 'e" pagkontra ko at umirap. "Practice mo muna 'yang sinasabi mo," sabi ko pa.


"Napakasungit naman," reklamo naman ni Kate at umirap. "Oh, bes tingnan mo 'yon oh." Agad naman akong tumingin sa direksyon kung saan siya tumuro at nakita doon si Neo. May babaeng nakakapit sa braso ni Neo.


"Si Jianne na naman," sabi pa ni Kate. "Patay na patay 'yan kay Neo ano?"


Tumatawa pa silang dalawa habang nag-uusap. Sanaol masaya. Nakikita ko na paminsanan pang hinahaplos ni Neo ang buhok nung si Jianne na mukhang kinilig din dahil hindi maalis ang ngiti sa labi niya.


"Sabi sa'yo 'e, playboy 'yang si Neo." Sabi niya pa at umiling. "Mabait siya at pafall" sabi pa nito at inakbayan ako. "'Wag kang magpabiktima" pagpapaalala niya pa.


"Anong playboy at pafall?" biglang singit ni Lindon na halatang natatawa. Tumingin siya sa direksyon kung nasaan sina Nae at 'yung si Jianne. "Si Neo?" tanong niya pa.


Ngumuso si Kate, "Oo" mabilis nitong sagot. "Tignan mo, kung hindi siya pafall ba't nakikipagclose siya kay Jianne kahit alam niyang patay na patay sa kanya 'yung babaeng 'yon?" taas kilay na tanong ni Kate at bigla nalang natawa ng malakas si Lindon.


"Anong joke?" taas kilay kong tanong.


"Siraulo kayo ano?" natatawang tanong nito. "Napakama-issue niyong dalawa" sabi pa nito at nailing.


"Anong issue, tange hindi issue 'yon legit 'yon 'no" depensa ni Kate.


"Hoy, paanong magiging pafall si Neo at paano magiging patay na patay si Jianne kay Neo 'e magpinsan sila?" sabi pa nito at nailing. "Napakamapanghusga niyo talaga nako."


"Pinsan?" magkasalubong na kilay kong tanong.


"Oo, magpinsan as in cousins. Mga siraulo kayo" sabi pa nito at nailing.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon