17

246 11 251
                                    



"Gago ka ba? Hindi ka nag iisip" inis na sabi ni Kate sa akin. Nailing nalang din ako. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa 'yon.


"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya.


"Tanginamo," inis na sabi niya at tumayo. "Tanginamo lang, 'yun na 'yon" sabi niya at nailing. "Ayos ka pa ba, Haielle? Nasa matinong pag-iisip ka pa ba?"


Hindi ko din alam.


"Habang maaga pa Haielle, itama mo na. 'Wag mo na patagalin dahil kapag nalaman 'yan ni Pay ewan ko nalang" sabi niya at agad na naglakad palabas at iniwan akong nakaupo mag isa. Naglakad na din agad ako palabas.


"Seb," bungad sa akin ni Cash nang masalubong ko siya sa hallway. Mukha siyang masaya.


"Oh," sabi ko nalang at ngumiti.


"Uwi ka na?" nakangiting tanong niya sa akin. "Sabay na tayo ha," sabi niya at agad na hinatak ako.


"Seb?"


"Oh?" agad niyang sagot.


"May sinasabi ba si Pay sa'yo?" biglang tanong ko. "About sa lovelife niya?"


Ngumuso siya at umiling, "Wala pa naman" mabilis niyang sagot. "Bakit? Ano meron sa inyo?" pagsususpetsya niya agad. Hindi talaga sinasabi ni Pay.


"Wala," sabi ko nalang at tumawa.


"Mabuti," sabi ni Cash at tumingin sa akin. Mabuti? "Kilala ko si Pay, wala sa vocabulary niya ang magseryoso sa lovelife, aral ang inaatupag no'n" sabi niya pa.


"Ano ibig mo sabihin?"


"What I mean is, wala siyang balak na maglovelife" sabi niya at nailing. "Flirty lang siya," nailing pa na sabi nito. "Pero kapag nagkagusto siya sa isang tao, loyal to the highest level. All in 'yon magmahal" nakangiting sabi niya.


Natigil kami sa paglalakad ng magring ang phone ni Cash nakita ko sa caller's Id ang pangalan ni Neo. Tinatawagan siya ni Neo? Nagtaka ako ng bigla niya 'yung kinansela at agad na binalik sa bulsa niya.


"Ba't hindi mo sinagot?" tanong ko.


Umiling siya, "Wala ako sa mood na makipag usap sa phone" simpleng sagot niya at nginitian ako. 'Yung smile niya ay hawig ng Pay. "At baka magalit sa akin si Alon" sabi niya pa at nailing.


"Kamusta na kayo ng seaman mo?" tanong ko sa kanya.


"Ayos lang naman," simpleng sagot niya. "Tara bili muna tayo ng tinapay" sabi niya at hinatak ako palapit sa isang bakery. "Wow," manghang sabi niya nang makita ang mga tinapay.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon