16

266 13 167
                                    



"Ano?!" tanong sa akin ni Kate na ngayon ay nakatakip sa bibig niya at gulat na gulat sa ibinalita ko. Nandito kami ngayon sa room, kami lang ang nandito dahil wala naman kaming klase kaya naisipan namin na tumambay muna dito.

"'Wag ka nga oa," sabi ko at ngumiti. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Bakit?"

"Congrats," bulong niya habang yakap yakap ako. Humiwalay siya at bumalik sa upuan niya. "Masaya ka 'no?" natatawang sabi niya habang naiiling.

"Sobra," sagot ko naman.

"Anyway," sabi niya at bahagyang itinagilid ang kanyang ulo. "Alam na ba ng mga sebbies mo 'to? Alam na ba nilang kayo na ni Pay?"

Agad akong napabuntong hininga. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila.Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'e" pagdadahilan ko at marahang minasahe ang sintindo ko. "Sasabihin ko pa ba?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan," sagot niya at pinagkrus ang mga braso. "Haielle, kaibigan mo sila 'e. Kailangan mo din sabihin" sabi nito at nginitian ako.

"Sabagay"

"Isa pa, kapatid ni Cash si Pay. Kailangan niya malaman 'yon" sabi pa niya at mahinang nailing. "Mas maganda na sayo mismo manggaling kesa malaman pa nila sa iba."

Nagbuntong hininga ako, "Tama ka." May point siya, kailangan ko din talagang ipaalam sa kanila. "Halika, kain na muna tayo sa labas" pagyayaya ko sa kanya.

"Libre mo?" tanong niya mabilis akong tumango at naglakad na kami palabas. May point si Kate, mas mabuti na ako na mismo ang umamin sa kanila. Alam ko na maiintindihan nila ako.

"Haielle,"

Natigilan kami sa paglalakad nang masalubong namin si Neo. Ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Ngayon na laang kita nakita ah," nakangiting sabi niya.

"Ah, oo nga" sabi ko naman at ngumiti pabalik. "Sa'n punta mo?" tanong ko sa kanya.

"Kakain na," simpleng sagot niya. "Kayo?"

"Kakain na din," sagot ko naman.

"Pwede bang makisabay? Wala akong kasabay 'e"

"Sige, oo naman" sagot ko at tumingin kay Kate na umiiling. Nauna nang maglakad si Neo sa amin. Naramdaman ko na kinalabit ako ni Kate kaya napatingin ako sa kanya magkasalubong ang kilay.

"Bakit ininvite mo pa siya?" kunot noong tanong niya sa akin.

"Hayaan mo na," sabi ko naman at nginitian nalang siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad palabas nang gate, nauuna na sina Neo at Kate sa paglalakad ng mapansin ko ang isang pamilyar na mukha sa labas ng gate. Si Pat.

"Mauna na kayo sandali," sabi ko sa kanila at agad na naglakad palapit kay Pat.

"Ate Haielle," nakangiting bati niya sa akin nang makalapit ako sa harap niya.

"Hello," nakangiting sabi ko. "Ah, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Pwede ka naman pumasok," sabi ko naman.

"Hindi po," sabi niya naman. "May inaantay lang po ako," simpleng sabi niya at ngumiti dahilan para lumabas ang dimple niya.

"Sino?" agad na tanong ko. Hindi kaya inaantay niya si Pay?

"Kaibigan ko po, si Jianne po" sagot niya naman. "Oh, ayan na po siya" sabi niya at agad na tumakbo papunta sa babaeng kakalabas lang ng gate, 'yung pinsan ni Neo.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon