11

256 12 95
                                    




"Urong ka don," sabi sa akin ni Kate ng makasakay kami ng bus, pabalik na kasi kami sa Odiongan.


Nasaan na kaya si Neo?


"May hinahanap ka?" tanong niya habang inaayos ang bag na dala. Agad naman akong umiling at sumilip sa labas para tignan kung nandoon si Neo.


"Nasa kabilang bus siya," sabi niya bigla dahilan para mapatingin ako sa kanya. Abala pa rin siya sa pag-aayos ng bag niya. "Tigilan mo na 'yang kakahanap mo sa kanya," sabi niya at tumingi sa akin.


"Ah," sabi ko nalang at yumuko. Naging tahimik lang ako sa buong biyahe, madalas kong tinitignan ang phone ko para tignan kung mayroong message para sa akin si Neo pero wala.


"Okay, nakababa na ba ang lahat?" tanong sa amin ni Sir nang makarating kami sa RSU-Main Campus.


"Yes, sir" sabay sabay naming sigaw.


"Okay, I hope na marami kayong natutunan sa camp at sana magamit niyo lahat ng natutunan niyo doon" sabi pa niya. "Sige, pwede na kayong umuwi. Diretso uwi ha" sabi niya pa.


"Nasa labas na 'yung sundo," pagkukwento ni Kate. "Sumabay ka na sa akin" sabi niya. Tumango naman at ngumiti. Nagalakad kami palabas ng gate at agad naman naming nakita ang kotse nina Kate.


"Haielle!"


Napatigil kaming dalawa ni Kate.


"Pay," sabi naman ni Kate. "Nandito ka pala," sabi niya pa at tumingin sa akin.

"Haielle," nakangiting sabi ni Pay nang makalapit siya sa amin. "Are you going home?" tanong pa nito sa akin.


"Ah, oo" sagot ko naman. "Sasabay ako kay Kate."


"Sumabay ka na kay Pay, mukhang dinayo ka pa niya dito 'e" sabi naman ni Kate at tinapik ang balikat ko. "Sige na," sabi niya pa. "Ikaw na bahala kay Haielle, Pay ha" paalala niya pa bago tuluyang sumakay sa kotse nila.


"I'll carry your luggage, you can go inside the car" sabi niya. Tumango nalang ako at agad na sumakay sa loob ng kotse ni Pay. Ikinabit ko na agad ang seatbelt ko. Maya-maya ay sumakay na din siya.


"How was your leadership camp?" tanong niya bago i-start ang makina ng kanyang sasakyan.


"Masaya," sabi ko nalang habang nakatingin sa phone ko.


"Ah," sabi niya nalang at agad nang pinaandar ang kotse niya. Alam ko na pasimple akong tinitignan ni Pay pero hindi ko nalang siya pinapansin, nanatili akong tahimik.


"We're here" sabi niya at agad na bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan niya pa ako bago niya kunin ang mga gamit ko.


"Salamat," nakangiting sabi ko.


"Welcome," sabi niya. "I'll help you to carry this papasok" sabi niya at nauna nang pumasok sa gate dala ang mga gamit ko.


"Nako, ewan ko nga d'yan kay Haielle hindi man lang marunong pumili ng tamang course. 'E 'yung mga kaibigan niya ang gaganda ng mga pinili tapos siya kung ano ano lang"


Napayuko agad ako ng marinig ang boses ni Papa mula sa labas ng pinto ng bahay namin.


"Pa, hayaan mo na si Haielle anong magagawa natin kung hindi niya kasing galing ng mga kaibigan niya?" sagot naman ni Ate.


"Haielle," agad na pagtawag sa akin ni Pay kaya nag-angat ako ng tingin. Halatang halata sa mata niya na nag-alala siya.


"Okay lang, Pay" nakangiting sabi ko.


"Sayang lang pinag-aaral ko sa kanya, tignan mo 'yung mga kaibigan niya ang dami nang recognition tapos siya wala. Palibhasa ay puro kalandian lang ang inaatupag ng batang 'yon" sabi pa ni Papa.


Nagtaka ako ng biglang hawakan ni Pay ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. He gave me the sweetest smile of his.


"Pasyal muna tayo?" tanong niya sa akin habang nakangiti. I know he wants me to feel better.


"Pay,"


Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya. "Let's go," sabi niya at hinatak ako pabalik sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto sa may passenger's seat at inalalayan ako na sumakay.


"I'll put this at the back," sabi niya at muling ibinalik sa likod ng kotse niya ang mga gamit ko. Nakangiti siyang pumasok sa kotse. "Haielle, where do you want to go?" nkangiting tanong niya habang nagkakabit ng kaniyang seatbelt.


"Baka hanapin ako," sabi ko at yumuko.


"No worries," sabi niya at agad kinuha ang phone niya, nakita ko na may denial siya na number. He pressed the speaker phone button.


"Hello, Tito?"


"Oh, Pay ano't napatawag ka?" rinig kong boses ni Papa mula sa kabilang linya.


"Ah, I'm with Haielle" sabi nito at tumingin sa akin. "Is it okay if we'll gala muna?"


"Ah, sige sige. Ikaw naman pala kasama 'e, ingat kayo" sabi ni Papa at agad na binaba ang tawag.


"Now, hindi ka papagalitan" nakangiting sabi niya. "So? Where do you want to go?" tanong niya sa akin habang nakapatong ang mga braso sa steering wheel.


"Wala akong maisip 'e" sabi ko naman. "Sa dagat nalang," sabi ko pa.


"Okay," sabi niya. "What beach?"


"Kahit saan," sagot ko nalang at ngumiti.


Tumango siya, "Okay, let's go to our house muna" sabi niya habang nakangiti. Tumango nalang ako. "You don't have to believe everything you hear, Haielle" sabi niya bigla habang nagmamaneho. Alam ko na tinutukoy niya 'yung mga sinabi kanina nina Papa.


"Kahit na pamilya ko sila?" nakayukong tanong ko. "Paano ako hindi maniniwala 'e pamilya ko sila, mga kadugo ko sila."


"Make all of what they say as a motivation," sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. "You don't have to meet everyone's expectation of you" sabi niya pa.


"I'll remember that," sabi ko at ngumiti.


Maya-maya pa ay nakarating kami sa tapat ng bahay nila. Mukhang wala doon si Cash dahil sa pagkakaalam ko ay nasa barko na naman siya ng dahil sa internship niya. Tumingin muna sa akin si Pay bago tuluyang bumaba.


"Stay here," sabi niya habang nakangiti. Tumango nalang ako at tinignan siya na maglakad papasok sa gate nila. Habang inaantay si Pay ay tumingin ulit ako sa phone ko at kagay ng kanina, wala pa rng kahit isang message si Neo pero may isang galing kay Papa na agad kong binuksan.


From: Papa
Haielle, kasama mo ba talaga si Pay? Baka naman pinatawag mo lang siya sa akin para ipagpaalam ka tapos iba naman pala kasama mo ngayon! Kapag nalaman ko na hindi si Pay ang kasama mo ay malilintikan ka talaga sa akin!


Naitago ko nalang ulit ang phone ko sa bulsa ko. Maya-maya pa ay nakita ko na lumabas si Pay nang bahay nila na may dalang backpack dahilan para kumunot ang noo ko. Agad niyang nilagay ang ag niya sa likod at agad din na sumakay sa tabi ko.


"Ba't may bag ka?" tanong ko.


"Trust me," sabi niya at agad na nagmaneho.


"Saan ba talaga tayo pupunta?" kunot noong tanong ko.


"Just trust me, Haielle" nakangiting sabi niya. "I won't do anything that can hurt you," sabi niya pa dahilan para mapangiti ako. Maya-maya pa ay nagtaka ako ng mapansin napapunta na kami sa may malapit sa Harbor Chateu. Ano namang gagawin namin dito at nagdala pa siya ng backpack 'e ang lapit lang nito sa bahay nila?


"Ba't nandito tayo?" tanong ko sa kanya.


He smiled, "Let me call someone first" sabi niya at kinuha ang phone niya. "Hello? Kuya, you told me that you owe me one" sabi niya at tumingin sa akin habang nakangiti. "Can I ask you a favor?"


"Sino 'yan?" pabulong kong tanong pero nginitian niya lang ako.


"Yes, I sent a message to you a while ago. I hope you can help me," sabi niya at ngumiti. Maya-maya pa ay binaba niya na ang kaniyang telepono at muli nang inilagay sa manibela ang kaniyang mga kamay. "Street food muna tayo?" tanong niya sa akin.


"Sige," nakangiting sabi ko.


"You like street foods 'no?" tanong niya habang nagmamaneho. "You and your friends love food" sabi niya pa.


"Oo, isa 'yon sa mga pinagkakasunduan namin" nakangiting sagot ko. "K-kamusta si Cash?" tanong ko bigla.


"She's fine," sabi niya. "She's happier," sabi niya pa.


"She deserves it," nakangiting sabi ko, I mean it.


Maya-maya pa ay napadaan kami sa nagtitinda ng mga ihaw-ihaw at agad na huminto si Pay doon. Bumaba kaming dalawa at agad na lumapit sa nagtitinda.


"Ano sa inyo? Ganda at pogi?" pambobola sa amin nung tindera.


"Dalawa pong isaw ate, tsaka dalawang balat then barbecue" pagdedetalye ko sa mga bibilhin ko. Tumingin ako kay Pay na mukhang namimili pa. "Ano iyo?"


"That's cancerous," bulong niya sa akin.


"Masarap 'yan, tsaka minsan lang naman" sabi ko at nginitian siya. "Ano?" tanong ko. Nagbuntong hininga pa siya bago tinuro 'yung barbecue.


"Ilan 'to?" tanong nung tindera kay Pay.


"Um, two po" magalang niyang sagot. "How long have you been selling skewers po?" tanong nito bigla. Sanaol, skewers.


"Ay, matagal tagal na din siguro ay mga nasa sampung taon na" sagot nung tindera. Lumapit sa akin si Pay.


"Too many people might already have cancer," bulong niya sa akin. Natawa nalang ako sa kanya. "But what can we do right? This is their way of living, they want to feed their family" pagdadaldal niya pa. I find him cute when he's like this.


"Bagay kayo," nakangiting sabi sa amin nung tindera habang nakangiti.


"I'm a human," mahinang bulong ni Pay dahilan para bahagya akong matawa. Maya-maya pa ay naluto na din ang binili naming mga ihaw-ihaw. Umupo muna kami sa may bandang gutter at doon kumain.


"Nagsasawsaw ka sa suka?" tanong ko.


"Yes," sagot niya. "I'm not like Cash" natatawang sabi niya.


"Yeah, she has a weird taste for sawsawan" sabi ko pa at kumagat na sa barbecue na binili ko. "Ang sarap," agad na sabi ko habang tumatango-tango.


"Here," sabi niya at inabutan ako ng panyo. "Wipe your lips, I can't wipe it my hands are dirty" sabi niya pa at kumain na din.


"Dito lang pala tayo pupunta nagdala ka pa ng backpack," sabi ko at nailing.


"I'm just waiting for signals," natatawang sabi niya habang tumitingin sa mga sasakyang dumadaan sa harap namin. "Where do you want to go ba?" he asked.


"D'yan nalang sa dagat, maganda ang view doon" sabi ko pa.


"You like beach?"


"I like beaches kasi mahilig din ako magswimming, gusto makapunta sa Palawan kasi hindi pa ako nakakapunta doon" pagpapaliwanag ko. Maya-maya pa ay biglang nagvibrate ang phone ni Pay kaya napatingin ako sa kanya, agad niya iyong sinagot.


"Hello, kuya?" agad na bungad niya nang sagutin ang tawag. Kuya? Baka 'yung pinsan nilang lalaki. "Yes, we're going their na. Thank you" sabi niya at agad na tumayo. He offered me his hand habang nakangiti. "Let's go?"


"Saan?"


"Just give me your hand," parang nauubusan na pasensya niyang sabi na medyo natatawa kaay agad ko nang hinawakan ang kamay niya. "Trust me nga 'e," sabi niya pa at inalalayan ako na pumasok ng kotse niya.


Maya-maya ay agad na siyang nagmaneho. Napansin ko na papunta naman kami ngayon sa oval. Ano namang gagawin namin sa oval?


"We're here," sabi niya at agad na bumaba ng kotse niya kaya bumaba na din ako. Agad siyang sinalubong nung lalaking naka-uniform ng pilot, parang kilala ko 'yon.


"Thank you, kuya" nakangiting sabi ni Pay at tumingin sa akin. "She's Haielle, Cash's bestfriend" sabi naman ni Pay. "He's Kuya Wave," pagpapakilala nito. I know him!


"Hello, I'm Alcyone Wave Ecthelion" pagpapakilala niya habang nakangiti. Ang gwapo niya talaga.
"Don't let Cash know about this, okay?" tila nag-aalalang tanong ni Wave.


"Bakit?" tanong ko.


"She doesn't trust me in flying planes, if she knew that I did this and let her brother and her best friend ride on the plane I'm flying, I just don't know what will happen to me" naiiling na sabi nito.


"Why? You're scared of her?" natatawang tanong naman ni Pay doon kay Wave.


"Of course," mabilis na pag-amin nito at agad na iling. "Your sister is scary..." sabi pa niya at nagbuntong hininga. Hindi siya takot na sabihin sa iba na takot siya kay Cash, napakaswerte ng kaibigadito.


"You're the guy," sabi ni Pay.


"Yeah," sagot naman ni Wave at tumango. "But she's my Captain," sagot nito at agad na tinapik ang balikat ni Pay.


"You're amazing kuya," natatawang sabi ni Pay. English sila ng english sanaol.


"Anyways, are you ready?" tanong ni Wave at tumingin sa akin.


"Ready for what?" tanong ko. Napapa-english na din tuloy ako.


"We'll be flying to Palawan," sagot ni Wave at inayos ang suot niyang uniform. "And I'll be your pilot," nakangiting sabi nito.


"Palawan?" nanlalaking mata kong tanong.


"Yes," nakangiting sagot ni Pay. "You want to go there, right? Then I'll take you there because your wish is my command, my lady."


Agad akong napangiti nang dahil sa sinabi niya. He offered his hand to me, "Let's go?" nakangiting tanong niya. Agad ko naman hinawakan ang kamay niya.


"Ugh, I hate being a third-wheel" rinig naming sabi ni Wave habang nauuna sa paglalakad. "I miss Cash," sabi niya pa at nailing. Natawa nalang kami ni Pay.


Maya-maya pa ay sumakay na kami sa helicopter. Magkatabi kami ni Pay, siya mismo ang nagkabit ng seatbelt ko at pati ng headset.


"Hindi ko alam na piloto siya," sabi ko kay Pay habang tinitignan si Wave na abala sa pagpindot ng kung ano ano sa control board.


"He's a pilot," sabi naman ni Pay. "This is his private chopper" pagchichismis niya pa.


"He's this rich?" tanong ko.


"I guess," sagot nalang ni Pay.


"Odiongan Traffic, this is Boeing 737-700" sabi nito at may kung anong pinipindot doon sa control board. "Private helicopter 2EchoX, we're ready for departure to the south today" sabi pa nito.


"Paano mo naman siya napapayag?" tanong ko kay Pay.


"This is give and take, I helped him taking Cash to Bahamas" simpleng sagot ni Pay habang nakangiti. "He said I can ask anything," sabi niya at tumingin sa akin. "And I asked him to take us to Palawan."


"Thank you, Pay."


"Anything for you," simpleng sagot niya at nginitian ako.


"I am Private Pilot Alcyone Wave Ecthelion a.k.a thirdwheel is ready for take-off."

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Thankyou for reading! I have to finish my modules the deadlines are coming anyways, i love y'all!

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon