32

300 10 870
                                    




"Nay,aalis na po ako" sabi ko habang nakangiti at agad na humalik sa kaniyangpisngi. 


"Mag iingat ka ha" paalala nito. Nakangiti naman akong tumango bago sumakay sa sasakyan ko ata gad na nagpunta sa opisina namin. Since wala namang traffic dito sa Odiongan ay mabilis lang akong nakarating doon.


"Miss Haielle, magandang umaga po" bati sa akin ng guwardiya. "Binilin po sa akin ni Sir Trevor na dumiretso ka daw po sa opisina niya pagkarating mo" sabi pa nito habang nakangiti.


"Salamat po," sabi ko naman at agad na naglakad papunta sa elevator na. Ipipress ko na sana ang close button ng biglang may tumakbo papasok.


"Cash," nakangiting sabi ko. Hinihingal hingal pa siya. "Ayos ka lang?" natatawang tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umayos ng tayo.


"Ayos lang," nakangiting sagot niya. Ang ngiti ni Cash. "Tumakbo ako papunta dito galing parking lot, chinat ako ni Trevor 'e ang sabi ba naman ang hindi pumunta ngayon sa office ko mamatay" pagdadaldal niya pa kaya natawa ako.


Tumingin siya sa akin. "Teka pinatawag ka din ni Trevor?" tanong niya sa akin.


Tumango naman ako, "Ah, oo" sabi ko naman. "Alam mo ba kung bakit?" tanong ko sa kaniya pero agad siyang umiling.


"Wala 'e," simpleng sagot niya. "Pero sabi niya may pagkain daw doon" nakangiting sabi niya at mukhang excited na. Tumango nalang ako at ngumiti. Maya maya pa ay nakarating din kami sa kung saan ang office ni Trevor at agad kaming bumaba.


Si Cash ay parang bata na tumatalon talon habang papunta kami sa opisina ni Trevor. Pinagtitinginan tuloy kami.


"Hi," bati ni Cash sa mga nadadaan naming employee.


"Good morning," bati nila sa amin. Ngumiti lang naman ako sa kanila.


"Good morning din!" sigaw ni Cash sa kanila. "'Wag kayo magpastress kay Trevor ha, pagpasensyahan niyo nalang" natatawang sabi ni Cash sa kanila. Nagmamadali niyang binuksan ang pinto ng office ni Trevor.


"Hello, what's up madlang pipols" bati ni Cash pagpasok niya. Sumilip ako at nandoon din si Bree at Trex na ipinagtaka ko. "Ano meron?" tanong ni Cash bigla kay Trevor. "Wow" sigaw ni Cash nang makita ang fries na nasa center table ni Trevor.


"Hi, seb" bati sa akin ni Trex. Kumaway lang naman sa akin si Trevor at si Bree naman ay inirapan lang ako. Umupo ako sa tabi ni Trevor.


"Ano meron?" tanong ko sa kaniya.


"May pa meeting si Mayor" sabi pa ni Cash habang kumakain ng fries na sinasawsaw niya sa toyo at ice cream. "Sarap oh, gusto mo?" tanong niya kay Trex na ngumiwi lang. 


"Kadiri ha," sabi naman ni Bree kay Cash.


Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon