20

248 10 477
                                    



"How is she?"


Nagising ako ng dahil sa mga boses na naririnig ko. Pagmulat ng mata ko ay puting puti ang paligid ko. May lalaking naka labcoat na nasa may pinto.


"Dapat hindi ka na nabuhay, mamatay ka nalang"


Napaatras ako agad nang makita sa tabi ko si Papa. Nanginginig ako at pinipilit ko na makagalaw ng maayos kahit na ang sakit sakit na ng katawan ko.


"T-tama na, Pa" sabi ko at agad na tinakpan ang mukha ko para protektahan ang sarili ko. Tuloy tuloy na naman ang pagbagsak ng luha ng dahil sa takot. 


"Tama na po," humihikbing pagmamakaawa ko.


"Haielle, si Neo 'to"


Agad akong natauhan ng marinig ang boses ni Neo. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Neo. Agad ko siyang niyakap.


"Neo, si Papa" sabi ko habang yakap yakap siya. "Nandito si Papa," sabi ko.


"Shh," sabi niya at hinaplos ang likod ko. "Wala ang Papa mo dito, Haielle" sabi niya kaya agad kong inilibot ang mata ko sa buong kwarto at kami na nga lang ang nandito.


"Nakita ko siya, Neo" natatarantang sabi ko. Biglang hinawakan ni Neo ang dalawang kamay ko. "Neo, nandito si Papa."


"Shh," sabi niya. "You're safe na," sabi niya at hinawakan ang pisngi ko. "Hindi siya makakapasok dito, kaya humiga ka na. You need to calm down, okay?" sabi niya at inalalayan akong makahiga ulit. Ngayon ko lang napansin na may dextrose palang nakakabit sa akin.


"I'm here, Haielle. No one will hurt you," sabi niya at muling hinawakan ang kamay ko. "You can sleep, I'll stay by your side" sabi niya pa at ngumiti bago inayos ang kumot ko.


"Neo,"


Sabay kaming napatingin ni Neo ng pumasok si Ate Cora mula sa pinto, may dala siyang bag. Agad siyang ngumiti ng makita ako.


"Haielle," sabi nito at nagmamadaling lumapit sa akin at agad akong niyakap. "Nag-alala ako sa'yo ng sobra," sabi niya habang mahigpit akong niyayakap dahilan para mapangiti ako.


"Okay na po ako, salamat po" nakangiting sabi ko. Nakita ko si Neo na nakatingin sa akin habang nakangiti. Humiwalay si Ate Cora at agad ni hinawi ang buhok ko.


"Magpapagaling ka agad ha," sabi nito. "Nako, nagluto ako ng maraming pagkain dito halika at kumain ka" masiglang sabi nito at agad na lumapit sa bag na dala niya.


"Tulungan na po kita, Ate" sabi naman ni Neo at agad na nilapitan si Ate Cora para tulungang ilabas ang mga pagkain na dinala niya para sa amin. Pinanood ko lang sila na ihanda ang ma pagkain.


"Oh," sabi ni Neo at lumapit sa akin na may dalang champorado. "Ito oh, lugaw na chocolate flavor" sabi niya at umupo sa stool na nasa tabi ng hospital bed.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon