27

247 10 1.1K
                                    



"Congratulations, you all passed"


Agad kaming napapalakpak ng mga kaklase ko. Sabay sabay kaming nagsitayuan pagkatapos sabihin ng Professor namin na pasado kaming lahat. Sa wakas, tapos na namin ang college.


"Check the school's website if nandoon 'yung names niyo dahil baka may error ay macorrect na agad" sabi ni Sir. Agad naman kaming nagsitango. "Pero hindi porket tapos na kayo sa college ay hindi na kayo mag aaral. You need to keep on learning because when you stop learning you will start dying . Congratulations again, graduates" sabi niya at naglakad na palabas ng room.


Lahat ng mga blockmates namin ay tuwang tuwa dahil sa wakas ay natapos rin namin ang ilang taong paghihirap na mag coding, program at kung ano ano pa. Napalingon ako sa direksyon kung nasaan si Kate.


"Kate," pagtawag ko sa kanya bago siya lumabas. Simula nung nag usap kami tungkol kay Cash ngayon nalang ulit kami makakapag usap.


"Congratulations, bes" nakangiting sabi ko. "Atleast ngayon, makakapagtapos na tayo 'no. Natapos na din natin 'tong college, sa wakas" nakangiting sabi ko.


"Congrats, Haielle" matamlay niyang bati sa akin. "Mauna na ako, Haielle" sabi niya at naglakad na agad pero muli siyang huminto at tumingin sa akin. "Kamusta si Cash?" tanong niya sa akin.


"Nevermind," sabi niya at umiling. "Nakalimutan ko, wala ka nga palang pakialam sa kanya" sabi niya pa at napatuloy na sa paglalakad palabas. Palabas na din ako ng classroom ay agad nang nagvibrate ang phone ko, isang tawag mula kay Bree na agad kong sinagot.


"Hello?"


"Seb!" agad na bungad niya sa akin. "Seb! Graduate na ako!" excited niyang pagyayabang mula sa kabilang linya kaya napangiti ako agad.


"Pasado din ako," nakangiting sabi ko naman habang naglalakad sa may hallway.


"We must celebrate!" sigaw niya. "Sige ha, imessage ko nalang si Trevor!" sabi niya at agad naman akong tumango bago siya binabaan.


Simula nung hindi na namin kinausap si Cash, ay wala na din kaming balita sa kanya. Sa tuwing gagala kami ay madalas na kami lang tatlo ni Trevor, dahil ayaw din naman sumama ni Trex. Paminsan minsan ay nakikita ko nalang sina Cash at Neo na laging nasa may tindahan ng streetfood.


Minsan ay gusto ni Trevor na yayain si Cash pero agad naman kaming hindi sumasang ayon. Mahirap na at baka may masabi na naman kaming masama at magmukha na naman siyang nakakaawa. Mabuti na rin 'yon na hindi na namin siya nakakasama para hindi na kami mas lalong magkagulo.


"Ate Cora," nakangiting pagtawag ko kay Ate Cora pagpasok ko ng bahay. 



"Oh? May nangyari na naman ba sa'yo?" nag aalalang tanong niya. Agad naman akong umiling at agad siyang niyakap. "Oh? Bakit?" nagtatakang tanong niya niya.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon