8

260 12 47
                                    



"Oh, 'e ano naman kung hindi tinanggap ni Neo ang offer na kumain?" takang tanong sa akin ni Kate bago uminom ng tubig.


Ikinuwento ko sa kanya kung anong nangyare nung nakita ko si Neo sa labas ng gate. Hindi ko kasi matiis na hindi masabi.


"Naiisip ko lang," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. "Mukhang nasaktan siya ng dahil kay Cash" sabi ko at nailing. "Hindi man lang napansin ni Cash na nasasaktan na niya si Neo" dagdag ko pa.


"Hoy, hindi ba si Cash ang kaibigan mo?" tanong ni Kate. "At hindi lang basta kaibigan, bestfriend mo kaya 'yon. At Haielle, kilala ko din naman si Cash ngayon na lang siya ulit nagkagusto pagakatapos niyang mabroken hearted" sabi pa nito.


May point siya at alam ko 'yon.
Kaibigan ko si Cash pero hindi ko talaga maiwasan na isipin kung bakit hindi man lang niya narerealize na nakakasakit na siya ng iba.


"Haielle, umamin ka nga sa akin" sabi niya at agad na pinagkrus ang mga kamay. "May gusto ka na kay Neo 'no?"


"Wala," mabilis namang sagot ko. "Naawa lang ako sa kanya at isa pa kaibigan ko din naman 'yon" padadahilan ko at agad na uminom ng tubig. "At isa pa, mabait din naman si Neo 'e" pagdadahilan ko.


"Oh? 'E si Cash?" tanong niya bigla. "Kahit hindi mo aminin, alam ko na may gusto ka na kay Neo dahil kung wala panigurado na hindi ganyan ang magiging reaksyon mo" sabi niya pa. Tumayo siya at binitbit ang bag niya, "Una na ako, isipin mo ng mabuti Haielle at tigilan mo na ang pagdedeny" sabi niya at agad nang umalis.


Maya-maya ay umalis na rin ako, nakita ko na kakasakay palang ni Kate sa isang tricycle. Nagbuntong hininga lang ako at agad na naglakad papunta sa may gilid ng kalsada para mag-abang ng masasakyan pauwi.


"Tribike, neng?" nakangiting tanong sa akin nung driver.


"Opo," sabi ko at agad na sumakay.


"Saan ikaw, neng?" tanong nito. Saktong pagtingin ko sa harapan ay nakita ko si Neo na nakasakay sa scooter, nang lumampas siya sa amin ay agad akong humarap sa driver.


"Kuya, pakisundan po 'yung naka-scooter" sabi ko nalang. Tumango nalang 'yung driver kahit halatang nagtataka siya sa mga sinabi. Agad niyang sinundan ang scooter ni Neo mabuti nalang at hindi siya gano'n kabilis magpatakbo.


"Ay, ano mo ba 'yon, neng? Boyfriend mo ba?" magkasunod na tanong nung driver. "Ay mukhang gwapo 'e," natatawang sabi pa nito.


"K-kaibigan ko po," sabi ko naman habang tinitignan ang likod ni Neo habang nagmomotor 'to. Nagtaka ako ng makita siya na lumiko siya papunta sa may pier, aabangan niya kaya si Cash? Akala ko ay didiretso siya sa loob ng pier pero agad siyang lumiko, sinundan lang siya ng sinasakyan ko hanggang sa makarating kami sa fishport.


"Dito na lang po," sabi ko at agad na binayaran 'yung driver at bumaba. Nakita ko si Neo na naglakad papunta sa maliit ng docking area doon. Nakita ko siya na umupo sa dulo habang nakatingin sa malayo. May dala siyang bag na agad niyang binuksan, nilabas niya ang camera mula doon.


Pinanood ko siya na i-set-up 'yung camera niya. Nagtaka ako ng may lumapit sa kaniya na matandang lalaki, bahagya akong lumapit para marinig ang pinag-uusapan nila.


"Andito ka na naman 'to ah," sabi nung lolo at agad na tinapik ang balikat ni Neo. "Kumukuha ka na naman ng litrato," sabi pa nito. Ibig sabihin laging nandito si Neo?


"Kukuha lang po ako ulit ng mga litrato," sagot naman ni Neo habang nakangiti.


"Ay nako," sabi nung matanda at nailing. "Inaantay mo na naman ba 'yung magarang barko ng Royal Lione?"


Mapait na ngumiti si Neo, "Hindi po" sagot niya naman. "Nag-aantay ako ng sunset," sabi niya naman.


"Alam mo, napagdaanan ko na rin iyan" nakangiting sabi nung lolo. "Dati ay hinihintay ko 'yung babaeng gusto ko d'yan sa may dagat inaabangan ko kung babalik siya."


"Ano pong nangyare?" curious na tanong ni Neo.


"Ayon, 'yung hinihintay ko noon asawa ko na ngayon" nakangiting sabi nung Lolo. "Kaya kung ako sa'yo magtiyaga ka lang sa paghihintay," pagpapayo nito.


Nagbuntong hininga si Neo, "Tignan niyo po 'to," sabi ni Neo at pinakita ang mga kinunan niya doon sa matanda. "Ano pong, masasabi niyo?"


"Aba'y napakagaling mo naman pala kumuha ng litrato," sabi niya at tumawa. "Buhay na buhay 'yung ga kulay," komento pa nito. Nag-usap pa sila sandali at agad din na umalis 'yung Lolo at iniwan si Neo doon. Agad naman akong naglakad papunta sa may parang view deck ng fishport. Ipinatong ko ang mga siko ko sa railing habang pinapanood si Neo na kumuha ng mga litrato.


Umupo ako sa may sulok at nagcellphone sandali. Nagtaka ako ng pagbaba ko ng cellphone ko ay wala na si Neo doon sa kung saan siya kumukuha ng litrato kanina. Napatayo ako agad at agad na sumilip sa baba ngunit wala din siya doon.


Tumakbo pa ako papunta sa kabilang side pero wala na din maging ang scooter niya. Nagmamadali akong tumakbo pababa, muli ko pang tinignan 'yung lugar kung saan kumuha ng litrato si Neo pero wala na talaga siya doon.


Agad akong tumakbo paalis pero nagulat ako ng makita ko si Neo na nakasandal sa scooter niya na magkakrus ang mga braso habang nakatingin sa akin. Agad akong nag-iwas nang tingin. Tangina.


"Ba't nandito ka?" tanong ni Neo sa akin. "Ba't mo ako pinapanood? Ang creepy mo ha," sabi niya pa at nailing. Agad naman akong tumalikod sa kanya, nagtaka ako ng bigla siyang maglakad papunta sa harap ko at bigla akong abutan ng tubig at biscuit.


"Oh, alam ko gutom ka na" sabi niya. Agad ko naman iyong tinanggap at agad na naglakad papunta sa may scooter niya. "Uuwi ka na ba?" tanong niya bigla.


"O-oo," sabi ko naman.


"Tara, ihahatid na kita" sabi niya at agad na sumakay sa scooter niya. Tahimik naman akong sumakay doon, inabutan niya ako ng helmet na agad ko namang sinuot. Naging tahimik lang kami buong biyahe, hindi ako nagsasalita dahil ramdam ko na wala din siya sa mood na makipag-usap.


Mabilis kaming nakarating sa tapat ng bahay namin. Pagbaba ko ay agad na umalis na si Neo kaya hindi na ako nakapagpasalamat. Hindi ko alam pero biglang nag-iba siya. Ang lamig na niya bigla.


"Leadership training will be tomorrow, kaya papayagan ko na umuwi kayo ng maaga ngayon. Bukas kailangan, before 8 nandito na lahat para walang maiwan ng bus" pagpapaalala ni Sir.


"Hoy," pagtawag sa akin ni Haielle. "Sa inyo ako matutulog ha," sabi niya sa akin. Malayo kasi ang bahay nila sa school.


"Sige," sabi ko naman. Tumayo siya agad, "Sige na umuwi ka na para maayos mo na gamit mo" sabi ko sa kanya agad naman siyang tumango.


"Punta ako sa inyo bago mag 7 mamayang gabi ha," paalala niya at agad na naglakad paalis. Tumayo na din ako at agad na naglakad pauwi. May leadership training kasi na ginawang requirement ng teacher namin kay wala kaming ibang choice kundi sumama.


"Ate," agad na bungad sa akin ni Mielle pagpasok ko ng bahay. "Umalis sina Papa, teka akala ko ba dito matutulog si Ate Kate, nasaan siya?" tanong niya.


"Mamaya pa siya," sabi ko naman.


"Ate," sabi niya pa. "Nasa Bahamas pala si Ate Cash? Ang ganda ng mga post niya oh," manghang sabi niya. Tumango lang ako at agad na pumunta sa kwarto ko. Inayos ko na ang mga dadalhin ko para sa limang araw na training sa Calatrava.


Natigilan ako sa pag-iimpake at agad na kinuha ang phone ko. Agad akong nagbukas ng ig at agad na nakita ang icon ni Cash sa may story bar na agad ko namang pinindot view 'yon ng dagat. Agad akong nagtipa ng message sa kanya.


urbbhaielle:
Saan 'yan?!


Pagkukunwari ko. Mabilis din naman na nagreply si Cash na agad kong binuksan.


cashondelivery: Sa imong hart:>


Nailing ako sa reply niya.


urbbhaielle: Tanginamo ka, sumbong kita kay Tita. Saan nga 'yan?!


Pero hindi na siya nagreply kaya ibinaba ko na ang phone ko at agad na nagpatuloy sap ag-aayos ng mga dadalhin ko. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko na agad ko namang binuksan.


"Ate," sabi niya at agad na inabot sa akin ang paperbag na may logo ng Jabee. "May nagpadeliver daw, para sa'yo" sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko. Umalis din agad si Mielle, binuksan ko 'yung paperbag at agad na nakita doon ang isang note.


Haielle,
Kainin mo 'to. I'm sorry.



Inikot ko 'yung note pero walang nakalagay kung kanino iyon galing hindi din pamilya sa akin ang handwriting kaya wala talaga akong ideya. Sino naman kayang magbibigay sa akin nito?


"Bes!" sigaw ni Kate kaya inilapag ko agad ang paperbag sa may desk ko. Tumakbo siya palapit sa akin at agad niya akong niyakap, dala dala niya na rin ang mga gamit niya.


"Omg, naeexcite na ako" sabi niya agad. "Hanap nalang tayo ng gwapo bukas sa leadership camp!" sigaw niya.


Nagkuwentuhan lang kami sandali. Kung ano anon ang napag-usapan namin pero hindi pa din ako matahimik dahil hindi ko nga alam kung kanino ng galing 'yung pagkain at 'yung note. Maging siya ay pinagbintangan ko na nagbigay sa akin ng pagkain at gusto niya lang ako paasahin


"Hindi nga ako," agad na sabi ni Kate habang tinitignan 'yung sulat sa note. "Hindi din pamilyar sa akin 'tong penmanship 'e" sabi niya at agad itong binalik sa akin.


"'E sino?" tanong ko.


"Ewan ko," sabi niya at humiga na sa kama ko. "Hindi kaya si Neo 'yan?" tanong niya dahilan para magbaling ako ng tingin sa kanya. "O kaya si Pay."


"Si Pay?" tanong ko. "Ba't niya naman ako papadalhan ng pagkain? Hindi nga kami nagkita kanina, tsaka ba't naman s'ya magsosorry?"


"Nakita mo na ba penmanship ni Pay?" tanong niya sa akin.


"Oo pero matagal na 'yon, hindi ko na maalala" sabi ko naman.


"Si Pay magdodoctor 'yon, hindi ganito kalinis at kaganda ang sulat ng mga magdodoctor" agad na pagbubuo ng teorya. "Kaya si Neo 'yan," tila siguradong sigurado niyang sabi. "Sure ako," sabi niya pa.


"Ba't naman siya magsosorry sa akin?"


"Ewan ko, pero feeling ko siya" sabi niya pa. "Baka nagi-guilty siya nung sinungitan ka niya" sabi niya pa. "Nako, matulog na tayo at maaga pa tayo bukas" sabi niya at agad na nagtalukong nang kumot. Nagbuntong hininga nalang ako at maya maya ay natulog na rin.


Kinabukasan ay maaga kaming nagising para maghanda. Nagsuot lang ako ng jeans at croptop na pinatungan ko lang nang jacket.


"Daan muna tayo sa Mercury," sabi ni Kate at hinatak ako papasok sa loob ng Mercury. "Yiee, gusto ko 'to" sabi niya at kumuha ng iba't ibang chocolate. "Libre na kita ha," sabi niya pa tumango lang ako. "Kunan mo naman ako ng lipton doon sa fridge, request niya" sabi niya pa at tumango nalang ako at agad na sinunod siya.


"Haielle,"


Napalingon ako ng marinig ang boses ni Pay. May dala siyang dalawang box ng gatas na sa pagkakaalam ko ay ang gatas ng mga alaga niyang sina Credit at Debit.


"Pay," sabi ko naman at ngumiti.


"Going somewhere?" tanong niya.


Tumango naman ako agad, "May leadership training kami sa Calatrava, mandatory 'e" sabi ko pa.


"Ah," sabi niya. "You're going to buy baon?" tanong niya sa akin.


"Oo," sagot ko naman. "Libre na daw ako ni Kate 'e" dagdag ko pa.


"Get what you want, I'll pay nalang also 'yung kay Kate" sabi niya at tumingin sa may gilid ko at nakita ko doon si Kate na naka thumbs up. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.


"Go ahead," sabi ni Pay at ngumiti. "I'll wait on the counter," sabi niya at nilagpasan na kami. Nang makalayo si Pay ay agad akong siniko ni Kate.


"Ikaw ha, haba ng hair mo ha. May Neo na nagpadala ng Jabee tapos may Pay na manlilibre, Rapunzel ka gurl?" sabi niya at tumawa.


"Siraulo," sabi ko at agad na kumuha ng mga kakainin ko. Konti lang ang kinuha ko dahil nakikihiya kay Pay pero ang makapal ang mukha na si Kate ay nilubos lubos na. Naglakad kami papunta sa counter at agad namang binayaran ni Pay lahat ng binili namin.


"I'll carry those," sabi niya at dinala ang mga binili namin. "I'll hatid you both nalang sa school," sabi niya at agad na naglakad papunta sa kotse niya dala ang mga binili namin maging ang maleta namin ay dinala din niya.


"Ang bait naman," bulong sa akin ni Kate ng pagbuksan kami ng pinto ni Pay. Pumasok naman kaming dalawa sa backseat. Napatingin ako sa may passenger's seat at agad na nakita doon si Credit.


"Hi, Credit" nakangiting bati ko sa kanya.


"Ay ang cute naman," sabi ni Kate habang nakatingin kay Credit. "Ang cute pa ng name. Credit, Pay tapos Cash, lakas maka balance sheet ng mga pangalan 'e" sabi niya pa.


"May isa pa silang aso," sabi ko. "Si Debit."


"Ay, ang infairness ang bongga" sabi niya at tumawa.


Nang makarating kami sa school ay tinulungan kami ni Pay na ibaba lahat ng mga gamit namin.


"Uy, salamat Pay ha" masayang sabi ni Kate.


"No problem," sabi niya at bumaling sa akin. "Take care," sabi niya at may inabot sa akin na maliit na paperbag.


"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya.


"Vitamins and a few medicines. You can drink that if you're not feeling well," nakangiting sabi niya. "Don't skip meals, you'll have ulcer" sabi niya pa bago tuluyang sumakay sa kotse niya.


"Sanaol may PERSONAL DOCTOR" pang-aasar sa akin ni Kate. Hindi ko nalang siya pinansin at agad na sumakay sa bus.


"Kate," biglang pagtawag ni Prof kay Kate kaya pati ako ay napalingon. "Doon ka na sa kabilang bus, ikaw Haielle umupo ka doon sa may bakante sa dulo" sabi pa nito.


"Ano ba naman si Sir," naiinis na sabi niya at agad na bumaba. Naglakad nalang ako papunta sa sinasabi niyang upuan at agad akong natigilan ng makita ko si Neo.


"Haielle! Umupo ka na!" sigaw ni Sir kaya agad naman akong umupo. Nag-iiwas ako ng tingin kay Neo.


"Um, gusto mo ba dito sa bintana?" tanong niya sa akin. "We can trade seats," sabi niya pa.


"Ah, sige" sabi ko. Agad siyang tumayo kaya umurong na ako agad papunta doon sa may upuan malapit sa bintana.


"Haielle," sabi niya kaya napatingin ako.


"Oh?"


"May muta ka pa," sabi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Tangina nakakahiya. Agad ko naman tinanggal pero wala naman pagharap ko sa kanya ay nagtaka ako ng nakalahad na sa akin ang isang earphone niya.


"Joke lang," sabi niya at tinuro ang earphone niya gamit ang labi niya. "Masarap makinig nang music habang nasa biyahe," sabi niya at nginitian ako. "Lalo na kung may muta ka," sabi niya pa at tumawa. Hinampas ko naman agad siya.


"Siraulo ka, wala naman" sabi ko pa at ngumuso. "Tuwang tuwa ka kapag inaasar moa ko 'no?" inis na sabi ko.


"Ang cute mo 'pag naaasar ka 'e" sabi niya at tumawa pa. "Mukha kang lolang galit na galit" sabi niya pa kaya agad ko ulit siyang hinapas.


"Napakasama mo," sabi ko pa.


"Joke lang," sabi niya pa. "Ilagay mo na sa tenga mo 'yang earphones," utos niya sa akin. "Diring diri 'to, wala akong earwax no" sabi niya pa.


"Wala naman akong sinasabi ah"


"Oo nga pala," sabi niya at tumingin sa akin. "Ang gwapo ng driver mo ah," natatawang sabi niya.


"Driver? Si Pay?"


"Oo," sabi niya at sumandal sa backrest. "Bagay kayo," sabi niya dahilan para mapatingin ako sa ibang direksyon.


"Ah," sabi ko nalang.


"Pero mas bagay tayo," sabi niya bigla dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Mas pogi ako do'n 'e" nakangusong sabi niya. "Ang hindi sumang-ayon tatanggalan ko ng ngalangala, ano tatanggi?"


"Hindi," naiilang naman na sagot ko. Tangina ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


"Oh, edi things tayo" sabi niya pa at ipinikit ang mata niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na ngumiti. "Tapos loveteam natin, Pako" sabi niya.


"Pako?" nagtatakang tanong ko.


Iminulat niya ang mata niya at tumingin sa akin, "Neille."


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon