14

279 13 103
                                    

"Hey," rinig kong bati ni Pay nang muli siyang pumasok sa kwarto ko na may dalang tray na may lamang pagkain.

Nilagay niya iyon sa side table bago siya umupo sa gilid ng kama ko. Ito na ang pangatlong tray ng pagkain na dinala sa loob ng dalawang oras. Sa tuwing matatapos ako kumain ay agad agad siyang kukuha ng panibago.

"Busog pa ako," nakangusong sabi ko.

"You have to eat a lot," sabi niya habang nakangiti.

"Pay, busog na talaga ako" sabi ko pa. Hindi ko na kaya kumain. "Mamaya na naman ulit ha?"

"Okay," pagsuko niya. "Does my cooking tastes that bad?" tanong niya sa akin na halatang nalulungkot. "I'll take this back to the kitchen nalang," sabi naman ni Pay at akmang kukunin na 'yung tray pero hinawakan ko 'yung kamay niya.

"Kakain ko 'yan," sabi ko naman at ngumiti.

"It's okay, you don't have to force yourself" sabi niya at ngumiti at kinuha na nga 'yung tray. He looks disappointed.

"Pay," pagtawag ko sa kanya at bahagyang hinila ang tshirt niya dahilan para lingunin niya ako. "Share nalang tayo," sabi ko pa.

"It's okay, Haielle" sabi niya at bahagya pang ginulo ang buhok ko. "Don't feel bad, its okay? Like what I've said, it's fine. I don't want you to force yourself," sabi niya at binigyan ako ng ngiti na sobrang tamis.

"Hindi ka galit?"

Mahina siyang natawa at agad na umiling. "How could I? You're too beautiful, I can't be mad" nakangiting sabi niya at hinaplos ang buhok ko. "Wait here, I'll put this on the kitchen muna" sabi niya. Tumango lang ako at agad na siyang naglakad palabas ng kwarto.

Naisipan ko na pumunta sa kusina para silipin si Pay, kaya nagsuot ako ng step in at agad din na naglakad palabas ng kwarto. Iika ika pa akong maglakad dahil nga sa paa ko na natusok ng sea urchin. Nakarating din ako sa kusina at agad na nakita ko si Pay na nakatayo sa tapat ng pagkain na niliuto niya.

"Does this porridge taste bad?" rinig kong tanong niya habang nakatingin sa niluto niya. Nakita ko siya na kumuha ng kutsara at agad na sumandok ng porridge na niluto niya. Tinikman niya iyon.

"It tastes okay to me," komento niya dahilan para mapangiti ako. "What's lacking in this?" tanong niya pa at muling tinikman ang niluto niya. "Ah," sabi niya at agad na may kinuha sa drawer. Nakita ko na may dala siyang patis at agad na nilagyan ng kaunti ang porridge na niluto niya.

"Salty fish sauce," sabi niya habang tumatango tango. Salty fish sauce? Patis lang 'yun 'e. "Mm, this tastes way more better" sabi niya agad na uminom ng tubig. "It tastes better, but this can cause high blood pressure, stroke, osteoporosis, stomach cancer, kidney disease, renal stones and cardiovascular illness" sabi niya at agad na nailing.

Ang cute niya.

"Should I cook other food? Pasta? Paella?" tanong niya habang nakakrus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at mukhang nag-iisip. "Should I bake?" biglang sabi niya at tumayo nang maayos. He bakes?

"Yes," sabi niya at tumango. "I should bake, but I need ingredients muna" sabi niya pa at tinignan isa isa ang mga drawer na nasa kusina. I didn't know that he can bake. Nagmadali ako na magtago sa gilid ng isang malaking halaman ng mapansin na maglalakad palabas si Pay.

"I should ask Miss Helaina," sabi niya habang naglalakad palabas ng villa. Nang makita ko na nakalabas na siya ay agad din akong lumabas mula sa pinagtataguan ko. Naglakad ako papunta sa kusina at agad na nilapitan ang bowl na may nakalagay na lugaw.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon