1

503 20 57
                                    





"Tara sa children's paradise," pagyaya ni Kate sa akin.




Kakatapos lang nang last class namin kaya nagyayaya na siya na gumala. Busy ang mga kaibigan ko sa sari-sarili nilang mga klase kaya hindi kami masyadong nag-uusap. Inayos ko na lahat nang gamit ko at nag-ayos na din ako. Kailangan fresh.




"Ano bang gagawin do'n?" tanong ko habang nag-aayos.




"Duh, ano pa bang ginagawa sa Children's? Di'ba naghahanap nang gwapo?" diretsong sabi niya habang tinitignan ang mukha niya sa phone niya.



"Libre moa ko nang fishball," request ko. Tumango siya, "Bente ha," pagdedemand ko.




"Oo na, bilisan mo kaya" reklamo niya. Pagtapos ko mag-ayos ay agad na din kaming nag-lakad papunta sa Children's since walking distance lang 'yon sa school namin. Lagi kaming natambay dito dahil lagi akong niyaya ni Kate na tumambay para mag-boy hunting.




Mas bet ko kasama sina Cash at Bree kapag nag-boboy hunting dahil sobrang palaban nung dalawa na 'yon. Minsan na lang kami magsama-sama pero okay lang, wala namang nagbabago 'e.





"Bukas pala, ano gagawin mo?" tanong sa akin ni Kate habang nakain ng fishball.



"Wala bakit?" tanong ko bago sumubo nang kikiam. Napatingin ako sa phone ko nang bigla 'yong magvibrate, isang message na mula sa chatroom naming magkakaibigan.



Trex: Sa Next Friday, samahan niyo 'ko magsurvey ha! Ang hindi sumama, kukutusan ko.


Trevor:
Oo na, nakakahiya naman sa'yo.


Trex: E'di mahiya ka


Bree: Sinong su-survey-in? Mga boys? Gwapo?


Nailing nalang ako habang binabasa ang mga message nila na puro kalokohan.



Trex: Oo, para sa kalandian mo.


Trevor: Pokpok


Cash: Pokpok(2)


Bree: Sama ka cash? Ano Haielle? Seener? Feeling maganda?



Agad na napairap ako sa reply ni Bree, napakawalang kwenta niya talaga.


Haielle: Maganda talaga ako, gago


Cash: Magkano bayad mo sa amin per hour, Trex?



Trex: Mukha kang pera


Trevor: Buraot


Cash: Daanan niyo lang ako sa bahay ha.


Bree: Ako din!


Trevor: Oo na, nakakahiya naman kasi sa mga kotse niyo na nakastock sa garage niyo.


Hindi na ako nag-reply at nagpatuloy nalang sa pagkain. Napangiti agad ako nang makita ko na online si Pay. Agad kong pinindot ang icon niya at agad siyang minessage.


Haielle: Hi, baby Pay!


Pay: Hello


Napanguso ako sa nireply niya. Napansin ko na ang sama nang tingin sa akin ni Kate kaya tinaasan ko agad siya nang kilay.



"Ano?"



Ngumuso siya at umiling, "Samahan mo ako bukas ha," request niya. "Recognition bukas nang kapatid ko sa ONHS, ako daw sumama sa kanya sa stage" sabi pa nito.



"Sige," simpleng sagot ko. Nagpalibot-libot ang paningin ko at wala naman ako gaano nakikitang gwapo. Karamihan lang nang nakikita ko dito 'e mga nakikita ko na sa school kaya hindi nakaka-excite. Umuwi na din kami maya-maya dahil wala naman kaming naspot doon. Timing lang talaga, makahanap ng yummy doon 'e.



"Nandito ka na pala," agad na bungad sa akin ni Papa nang makauwi ako. "Kumain ka na," yaya nito sa akin.



"Sige pa, busog pa ako 'e" sabi ko naman at agad na dumiretso sa kwarto ko. Agad akong nagbihis, nagsuot lang ako nang short at croptop, naghilamos din ako dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit na ng mukha ko. Pagkatapos ko mag-ayos ay agad na humiga sa kama ko. Sobrang pagod nang katawan ko, nakatulog kasi ako sa upuan ko kanina kaya ang sakit nang likod ko.



"Haielle!" sigaw ni ate habang kumakatok nang pagkalakas lakas sa pintuan ko na akala mo ay balak na niyang gibain.



"Ano?!" sigaw ko pabalik.



"Anong ano?! Lumabas ka muna!" sigaw niya, umirap ako bago bumangon. Padabog akong naglakad palapit sa pinto. Binuksan ko ito.



"Ano?" inis na tanong ko.



"Hi,"



Agad na nanlaki ang mata ko at muli kong naisarado 'yung pinto at agad na tumakbo sa may vanity ko. Kinuha ko agad ang liptint at agad na nag-apply nito sa labi at pati sa cheeks ko. Bahagya ko pang inayos ang buhok ko bago lumapit uli sa pinto.




Nagbuntong hininga ako bago ko uli binuksan 'yung pinto.



"Hello," bati ko agad kay Pay. "B-bakit ka nandito?" tanong ko. "Kasama mo si Cash?" pagkukunwari ko at hinanap kunwari si Cash.



"No, ako lang" sabi niya at ngumiti. Tanginang smile iyan. "Um, I came because of this" sabi niya at inabot sa akin ang isang paper bag.



"Ano 'to?" tanong ko, kumunot ang noo.



"My jersey," sabi niya naman. Agad ko namang binuksan ang paper bag at nandoon nga ang jersey niya. "I washed that," sabi niya pa.



Ngumiti ako, "Salamat."



"Welcome," sabi niya at ngumiti. "Um, I'll be going na" paalam niya.



"Teka, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.



"Not yet, but I'll be going home na rin" sabi niya at ngumiti ulit. "Bye," sabi niya at naglakad na Agad ko namang nilagay sa may kama ang paperbag at agad na hinabol si Pay.



"Tito, alis na po ako" rinig kong paalam ni Pay kay Papa.




"Kakarating mo lang ah, nasaan pala ang ate mo?" tanong ni Papa.



"Sa house po," sagot naman ni Pay.



"Pa, hatid ko na si Pay sa labas" sabi ko kay Papa. Tumango naman ito at muling humarap kay Pay.



"Ingat sa pagmamaneho ha," paalala pa nito kay Pay. Tumango naman si Pay at agad na naglakad na palabas, sinundan ko naman siya.



"You don't have to see me leave," natatawang sabi niya. "I'm not a baby na," sabi niya pa habang kinukuha ang susi sa bulsa niya.



"Baby kita kaya," banat ko agad. Tumawa lang siya at umiling.



"Baby brother," sabi niya at humarap sa akin. "I don't want to be one of your boys," nakangiting sabi niya at tinapik balikat ko. "I'll be going na," sabi niya at sumakay na sa kotse niya. Bago niya iyong paandarin ay lumapit ako sa kotse niya at kumatok.



"Why?" tanong niya.



"Nagugutom ako," reklamo ko sa kanya. Nagtaka ako nang bigla niya akong bigyan nang 500 pesos. "Ano 'to?" taang tanong ko.




"Pangkain mo," sabi niya at ngumiti. "Eat well, Haielle" sabi niya bago pinaandar ang sasakyan niya. Ngumuso ako at umirap. Tangina, nagmukha pa akong pulubi.



Bumalik ako sa kwarto ko at agad na tinignan ang binigay ni Pay sa akin na jersey. Inamoy ko pa iyon at ganon na ganoon ang amoy nang mga damit ni Pay. Niyakap ko 'yung jersey niya at humiga sa kama, amoy baby talaga.



"Bilisan natin!" sigaw sa akin ni Kate at hinatak ako papunta sa court sa ONHS kung saan ginaganap 'yung recognition nang kapatid niya. Maya-maya pa ay lumapit sa amin ang kapatid niya at may pinag-uusapan sila kaya hindi na ako nag-abala makinig.



Nanood ako ako ng mga performances sa stage, karamihan ay mga taga-SPA since specialized sila sa performing. Nailing ako nang maalala ko kung gaano kakapal ang mukha namin na mag-intermission dati kahit hindi kami sabay-sabay tangena.



"Let's give around of applause for our Principal!" sigaw nang emcee kasabay nang pagtugtog nang paboritong kanta nang Principal na 'Just Once.' Pumalakpak ako habang nagpapalibot-libot ang paningin, naghahanap ako kung may makita ako na teacher ko dati.



"Mga estudyante, paupuin ninyo ang inyong mama ag papa. Urong tayo sa harap at marami pang bakante"



"Hoy," pagtawag sa akin ni Kate. "Mamaya pa pala kapatid ko," sabi niya at umirap. "Hindi pa pala nagsastart," sabi niya pa.



"Hindi ba Grade 12 na kapatid mo?" tanong ko.



Ngumiti siya at tumango, agad ko naman siyang hinampas. "Tangina ka, mamayang tanghali pa 'yan!" sigaw ko at umirap.



"Sorry na," sabi niya at niyakap ako. "Nawala sa isip ko 'e," sabi niya pa at tumawa. "Libre nalang kita mamaya sa Jabee," pang-uuto niya sa akin.



"Oo na," sabi ko at tinulak siya palayo. "Dito ka muna, bibili lang ako nang tubig sa Coop" sabi ko at agad na umalis. Nakaramdam kasi ako nang uhaw, ang init kasi. Naglakad ako papunta sa Coop para bumili. Habang naglalakad lakad ako ay inoobserbahan ko na din ang mga pagbabago sa school namin dati.



Sobrang laki na kasi nang improvement nang school kumpara nung dati. Nakarating ako sa Coop, mabuti at bukas. Agad akong kumuha nang tubig, pero napansin ko ang pambansang buko juice sa Coop kaya agad akong kumuha nito at cornbits.



"Ay aba, nandito ka ulit ah" agad na bati sa akin ni Maam Grade 9 Math, siya ang nagmamanage nang Coop 'e. Hindi ko pa din makalimutan kung gaano ako kahilo sa Cosine, Sine at putanginang tangent. Hindi ko alam kung ba't ako nakapasa.



"Tamang bisita lang, Ma'am" nakangiting sabi ko at agad na nag-abot nang bayad.



"Anong course kinuha mo?" tanong niya.



"IT, Maam" sagot ko naman. Inabot niya sa akin ang sukli ko. "Andami nang mga bagong paninda, Maam ah" puna ko habang nagpapaikot ikot ang paningin. "Asensado," sabi ko pa.



"S'yempre," sabi niya naman. "Ay nasaan na mga kaibigan mo?" tanong niya habang nakangiti. Medyo marami na ang puting buhok niya kumpara nang dati.




"Hindi ko sila kasama, Ma'am pero pupunta kami dito pag may time" sabi ko at ngumiti.



"Hi, Maam!"



Napatingin kami ni Maam sa bagong pasok na lalaki. Si Bakla. Agad ko siyang sinamaan nang tingin, inirapan niya naman ako. Oh, tamo bakla nga. Lumapit siya kay Ma'am at agad na yumakap.



"Ay, abang gwapo mo na Neo ah" pambobola ni Maam doon sa Neo na 'yon.



"Hindi ka ba nasanay, Ma'am?" mayabang na sabi niya, halatang sayang saya kapag napupuri siya. Kapal nang face.



"Ay, kamusta? May girlfriend na ikaw?" tanong ni Ma'am doon kay Neo.



"Wala pa nga Ma'am, hanapan mo nga ako" sabi niya.



"Ay ito oh, si Haielle" sabi ni Ma'am na ikinagulat ko. Tumingin sa akin si Neo na parang nandidiri ang kapal nang mukha. "Maganda 'yan tsaka mabait" pagcompliment sa akin ni Ma'am.



"Maganda ba 'yan?" diretsong panlalait ni Neo sa akin.



"Kapal mo ha, hindi ka din naman gwapo" sabi ko at umirap. "At Ma'am ayoko sa kupal," naiiling pa na sabi ko. "Kadiri."



"Mas kadiri ka," sabi niya naman. "At anong pangalan niya? Haielle? Tsk, panglola" sabi niya at umirap.



"Bagay kayo oh," nakangiting sabi ni Ma'am habang nakatingin sa aming dalawa.



"Kadiri," sabay naming sabi.



"Sige Maam, alis na ako. Ambaho dito, amoy aso" sabi ko at agad na ngumiti kay Ma'am.



"Isama mo sila pagbalik mo ha," paalala sa akin ni Ma'am, agad naman akong nag-thumbs-up at naglakad na palabas nang coop.



"Ate Haielle?"



Agad akong napatingin sa tumawag sa akin. 'Yung Pat. Nginitian ako siya, agad siyang tumakbo palapit sa akin.



"Hello po," nakangiting bati niya sa akin. She's wearing her complete uniform, she looks beautiful sa uniform niya. Ganyan din uniform ko dati pero hindi ako kasing ganda niya tignan, kutusan ko kaya 'to?



"Hi," nakangiting bati ko.



"Ano pong ginagawa niyo dito?" nakangiting tanong niya.



"Sinamahan ko lang 'yung kaibigan ko, siya kasi ang sasama sa kapatid niya sa stage 'e" pagpapaliwanag ko. "Anong strand ka na?" pag-iiba ko sa topic.



"STEM po," magalang na sagot niya.



"Ah," sabi ko nalang at tumango. "Mag-dodoctor ka or mag-e-engineer?" tanong ko.



"Gusto ko po mag-doctor," masiglang sagot niya. "'Yung po gusto nang Mama ko 'e" sabi niya at ngumiti. "IT student ka po di'ba? Hindi po ba mahirap course mo?"



Umiling ako, "Madali lang naman," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay sobrang hirap na hirap na ako lalo pa sa programming. Parang sasabog utak ko nang dahil doon.



"Pay?" sabay naming sabi ni Pat nang makita namin si Pay.



"You're here!" masiglang sabi ni Pat at agad na lumapit kay Pay. "Sinungaling ka, sabi mo hindi ka pupunta. Busy pala ha," sabi pa nito at bahagyang hinampas ang braso ni Pay. They're close already? Nung isang linggo lang sila nagkakilala tapos close na sila agad?



"Pinilit mo kaya ako," sagot naman ni Pay at umirap pa. Hindi na ako nakichismis sa kanila dahil baka masira ko pa moment nila. Nagmadali nalang ako maglakad papunta sa court at agad na lumapit kay Kate.



"Anyare?" agad na tanong niya nang makalapit ako.




Umiling ako, "Si Pay," sabi ko at yumuko.



"Ah," sabi niya at nailing. "Uso kasi magmove on, ano ka gaya-gaya ka Cash na ang tagal magmove on?" naiiling na sabi niya. "Atsaka Haielle, baka nakakalimutan mo 'yung sinasabi mong rule nang squad niyo." Sabi niya at tinapik ang likod ko.



"Hindi ko nakakalimutan 'yon," sabi ko naman at nagbuntong hininga. "Bawal," sabi ko at uminom nang buko juice.



"Malay mo naman, okay lang sa kanila kapag sinabi mo"



Umiling ako, "Ano? Excuse ako sa rule na pare-pareho naming ginawa?" taas kilay na tanong ko. "Sumang-ayon ako noon, hindi ko naman alam na magkakagusto ako kay Pay" sabi ko at umiling. "Tangina naman kasing batang 'yon 'e," reklamo ko pa.



"Subukan mo kayang sabihin, baka maintindihan ka nila" sabi ni Kate at kumapit sa braso ko.



"Kahit umamin ako sa kanila, hindi pa din naman ako gusto ni Pay." Pagrarason ko at nailing. "Wala rin," sabi ko at umiling. Nagtaka ako nang bigla akong sikuhin ni Kate.



"Ano ba?" inis na sabi ko at nag-angat nang tingin. "Pay," agad na atal ko nang makita na nakatayo na siya sa harap ko.



"You left," biglang sabi niya.




"Ah, nag-uusap kasi kayo kaya umalis na ako" pagpapaliwanag ko naman. "Asan na si Pat?" tanong ko sa kanya at kunwari pang hinahanap si Pat.



"Ah, may aayusin daw siya saglit. What are you doing here pala?"



"Si Kate," sabi ko at tinuro si Kate. "Sinamahan ko lang siya" sabi ko at ngumiti.



Tumango lang siya, "I've heard na hinatid niyo si Cash nung isang araw sa port," biglang sabi niya. Umpisa na kasi ang training ni Cash at hinatid namin siya nina Trex at Trevor sa pier dahil doon siya mag-iinternship sa barko.



"Ah, oo" sagot lang naman.



"Thank you, hindi ko siya nahatid kasi I'm doing something for school." Sabi niya bigla, tumango lang naman ako.



"Ang gwapo mo naman Pay," biglang papuri ni Kate kay Pay.



"Thank you," sabi niya kay Kate at ngumiti. Napakabait talaga nang lokong 'to, kaya mas lalo akong nafafall 'e leche. Muli siyang humarap sa akin at nginitian ako, "I'll be going na," paalam niya at tinapik ang balikat ko bago naglakad paalis.



Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Mabilis na din natapos ang program, pagkatapos maawardan nang kapatid ni Kate ay umalis na din ako agad. Pagkauwi ko ay agad lang ako na dumiretso sa kwarto.




Napansin ko agad ang jersey ni Pay na isinuot ko sa malaking teddy bear na regalo sa akin nung last Christmas party. Agad akong yumakap doon.



Gustong gusto ko si Pay, pero ayoko na maging complicated ang friendship namin nang mga kaibigan ko. Kami ang gumawa nang rules, hindi ako pwede na sumuway. Naisip ko na din na sabihin sa kanila at alam ko na kung SAKALI ay maiintindihan nila ako.



Alam ko na tatanggapin pa rin nila ako kahit sumuway ako, ayoko lang talaga sabihin sa kahit sino sa kanila. Hindi ko din naman sigurado na magkakagusto din sa akin si Pay. He's confusing kasi, mabait siya sa kahit kanino kaya ayokong mag-expect na special ang treatment niya sa akin. Mahirap umasa.



"Ate! Hindi ka magjojogging?" tanong sa akin nang kapatid ko. Nasa may oval kami, niyaya kasi ako ni ate at nang kapatid ko na magjogging pero imbes na nagjojog ako ay tumatambay lang ako sa bleachers.



"Kayo nalang, tinatamad ako" agad namang sagot ko.



"D'yan ka lang muna ha," sabi ni Ate ata gad na silang tumakbo sa may track kasama ang kapatid ko. Dito kasi sa oval ginaganap karamihang sports activity. May track for running, tapos may soccer field na minsan baseball field tapos basketball and volleyball court. Meron ding pool for swimming events.



Maraming natambay dito kapag morning or hapon kasi maraming nag-eexercise. Nagscroll lang ako sa phone ko since malakas ang signal dito. Nagstory sa ig nang picture ko, since naka ootd ako with a caption na: Back to being fit.



Muli kong hinarap sa akin ang phone ko at agad na nagpicture, tinignan ko muna kung maayos ang itsura ko sa pic bago ko ipost. Kailangan ko nang apat, ipopost ko kasi sa facebook. Muli kong tinapat ang phone ko at halos gumuho ang mundo ko nang biglang may tumamang soccer ball sa kamay ko dahilan para malaglag ang phone ko.



"Putangina," agad na usal ko at agad na pinulot ang phone ko. Chineck ko agad kung may bag or something, wala pa nga akong pambili nang bago 'e.



"Ay.."



Agad akong nag-angat nang tingin sa kumuha nang bola, ang putanginang baklang si Neo pala.



"Sorry, Miss—ter" nang-aasar na sabi niya. "Ba't nagpipicture ka kasi dito?" biglang tanong niya.



"Ang kapal nang mukha mo, ba't ka ba naglalaro dito nang soccer 'e bleachers 'to?" inis na tanong ko at pinagpagan ang phone ko. "Mahal mahal nitong phone ko alam mo ba?"



"Mas mahal 'tong bola ko!" sigaw niya, "May pirma pa 'to ni Becks oh!" nagyayabang niyang sigaw at tinuro ang pirma sa bola niya.



"Wala akong pakialam kung may pirma nang kung sinong beki 'yang bola mo,"



"Anong beki?! Sinong Beki?! Becks as in Beckham! Si David Beckaham, bobo" sabi niya.



"Mas bobo ka," pagganti ko. "Umalis ka na nga dito, napakabaho mo amoy araw ka!" sigaw ko pa at tinulak siya.




"Amoy araw ako, ikaw mukhang moon!" sigaw niya at naglakad paalis. "Cresent moon!" sigaw niya pa. Napatingin ako sa phone ko at agad na napansin na may gasgas iyon malapit sa camera.



"Hoy!" sigaw ko doon kay Neo na tumatakbo na papunta sa soccer field palapit sa mga tropa niyang mukhang mga kuyumad, char. Siya lang ata ang pangit sa kanilang kaibigan niya 'e. Sapaw ang wala.



"Hoy!" sigaw ko sa kanya pero parang hindi niya ako naririnig, tangina may gasgas na phone ko wala pa naman 'tong tempered glass. Agad akog naglakad papunta sa may soccer field. Tinuruan ako nang parents ko na ipaglabana ng karapatan ko tangina ang mahal nang phone ko 'no! Latest iPhone kaya 'to!



"Hoy!" sigaw ko nang makalapit sa grupo nina Neo na naglalaro nang soccer. "Hoy! Bayaran mo 'ko! Tangina, nagasgas phone ko oh!" sigaw ko pa sa kanya pero patuloy pa din siya sa paglalaro kahit alam ko na naririnig niya ako.



"Neo!" sigaw ko kaya natigilan silang magkakaibigan at tumingin sa akin. Agad akong naglakad palapit sa kanila hawak ang phone ko at agad na tinapat sa mukha niya ang gasgas nang phone ko.



"Miss, pwede mamaya mo na hingiin ang number ko? Naglalaro pa kami 'e," mayabang na sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko. Tangina?! "Sige na, Miss" nakangising sabi niya at tinapik ang balikat ko, "Pasensya na mga 'tol, kanina pa kasi siya nanghihingi nang number ko 'e" sabi pa nito sa mga kaibigan niya.



"Tanginamo, anong hinihingi ko number mo?!" inis na tanong ko. "Ang kapal nang mukha m—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang takpan niya ang bibig ko gamit ang madumi niyang kamay.



"Sige 'tol, pagbigyan ko lang 'to patay na patay na patay 'to sa akin 'e" sabi nya pa at agad akong iginiya palayo sa mga kaibigan niya. Nang alisin niya ang kamay niya sa bibig ko ay agad kong pinunasan ang bibig ko gamit ang braso ko.




"Tangina, ang baho nang kamay mo!" inis na sabi ko at tsaka dumura. Tumingin siya sa kamay niya at inamoy iyon.



"Tanga, laway mo 'yung mabaho!" sigaw niya at maarteng pinunas ang kamay niya sa shorts niya. "Kadiri, para kang asong ulol daming laway ang wala" reklamo niya pa.



"Hoy, bayaran mo ako. Tignan mo 'to," sabi ko at tinuro ang gasgas sa phone ko. "Nang dahil sa'yo nagasgas ang napakamahal kong cellphone!"



"Wala akong pakialam," sabi niya naman na sabi niya at umirap.



"Hoy, bakla" sabi ko at hinampas ang braso niya. "Babayaran moa ko o idedemanda kita for damaging personal properties?"



Umirap siya, "E'di idemanda mo" mayabang na sabi niya. Natigilan ako nang makita ko si Pay na kasama si Pat, parang sinasaksak ang dibdib ko nang paulit ulit. Tangina. Mukhang magjo-jogging silang dalawa pareho pa nang color ang shirt nila ano 'to? Color coding? Sila na ba? Sanaol, Pat.



"Hoy, mister!" sigaw ni Neo at nagsnap sa mukha ko. "Tulala ka?" tanong niya. "Ito na 'yung 1k tama na siguro 'yan pang ayos nang phone mong lokal" mayabang na sabi niya.



Napansin ko na nakita ako ni Pay.



"Hoy, mister" sabi pa ulit ni Neo, "Ito na 'yung 1—" hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita, hinila ko ang tshirt niya at agad siyang hinalikan. Nang mapansin ko na umalis na sila ni Pat aya gad ko ding tinulak palayo si Neo at agad na pinunasan ang bibig ko.



"Yuck!" sigaw ni Neo at kunwari pang dumura habang pinupunasan ang bibig niya. "Rapist!" sigaw niya habang nakaturo sa akin. "Mapagsamantala ka! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!"



"Kadiri ka din," sabi ko, at nailing. Tangina ba't ko ba gianwa 'yon? "Akin na 'yang 1k!"



Agad namang lumayo si Neo, "Hinalikan mo na ako tapos kukunin mo pa pera ko? Ano ka sinuswerte?!" sigaw niya at dinuro ako. "'Wag ka nang lalapit sa akin! Alam ko na gwapo ako pero sana naman respetuhin mo ako bilang gwapong nilalang!"



Kumunot ang noo ko, "Ang kapal mo," bulong ko. Ginawa ko lang 'yon para hindi lumapit si Pay na kasama si Pat, anong iniisip nang gagong 'to?



Tinakpan niya pa ang bibig niya, "Ohmyg, hindi na virgin ang lips ko" maarteng sabi niya. "Alam ko na gwapo ako pero, grabe naman ang gianwa mo sa akin Miss. Ganyan ka ba kapatay na patay sa akin? Bigla mo nalang akong hahalikan?! Myghad.." sabi niya at nailing.



"Gwapo ka d'yan, ang panget mo kaya" diretsong sabi ko.



"Ah talaga ba?" inis na tanong niya, "Bayaran moa ko," biglang sabi niya at nilahad ang kamay. "250 ang kiss ko," sabi niya pa.



"Ano ako gago?!" tanong ko. "Ba't kita babayaran?!"



"Hinalikan mo ako!"



"'E ba't kita babayaran?" taas kilay na tanong ko, "Ikaw dapat magbayad sa akin dahil ikaw 'yung nakagasgas nang phone ko!"



"Ah, hindi mo ako babayaran sa pagnanakaw mo nang halik ko?"



"Oo! Ba-t kita babaya—"



Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan, natigilan ako sa ginawa niya. Mabilis din siyang lumayo.



"Fair na tayo! HIndi pwedeng ako lang ang api dito 'no!" sigaw niya at tumalikod na. Para akong estatwa na hindi makagalaw, alam ko na ako 'yung unang nanghalik pero sobrang bilis nang kabog nang dibdib ko nang siya ang humalik sa akin. Tangina ano 'to?



Nakita ko si Neo na naglalakad na pabalik sa mga kaibigan niya, tangina ba't sobrang bilis nang tibok nang puso ko at sobrang init nang mukha ko?!



Nakita ko na huminto si Neo sa paglalakad at humarap sa akin, mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko.



"Haielle di'ba?" tanong niya bigla.



"A-ah, oo" nauutal na sabi ko.




"'Yung labi mo..."



Mas lalong pabilis nang pabilis ang tibok nang puso ko. Sasabihin niya ba na ang lambot nang labi ko? Ayon kasi ang sabi nang ibang mga nakahalik sa akin dati.



"A-ano?" tanong ko.



Umiling siya at ngumiwi siya, "Lasang aso ka," sabi niya at muli akong tinalikuran.



Mabilis na nawala ang kilig sa akin, napakagago niya talaga. Putangina mo Neo. 



ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Interact with me: 
Facebook: Neomi Wp

Instagram: naeyooomi

I hope you enjoyed reading the chapter!

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon