25

252 11 723
                                    




"Pakisabi kay Cora, Salamat dito ha" sabi ni Mrs. Perez. Agad naman akong ngumiti at tumango. Agad akong naglakad pabalik ng bahay, parang gusto ko na munang magpahinga. Nang mapadaan ako sa kung saan ko iniwan si Cash ay wala na siya doon, baka umuwi na siya.


Pagbalik ko sa bahay ay wala na sa labas si Kuya Ben. Nagbuntong hininga ako bago pumasok, inayos ko muna ang sarili ko. Ayoko na mag alala pa sa akin sina Kuya Ben at Ate Cora. Kaya mo 'yan, Haielle. Tumango ako bago ngumiti.


"Kaya mo 'yan," pagchi-cheer ko pa sa sarili ko bago ako tuluyang pumasok. Pagpasok ko ay walang tao sa sala, na ikinatuwa ko. Atleast hindi nila ako makikita na ganito.


Maglalakad na ako papunta sa kwarto ng makarinig ako ng mga boses na galing sa kusina kaya marahan akong naglakad palapit doon. Bahagya akong sumilip at nakita sina Neo at Kuya Ben na nakaupo habang si Ate Cora naman ay naghuhugas ng plato.


"Neo, tama na muna ang daldal at kumain ka na muna" saway ni Ate Cora habang abala sa paghuhugas.


"Hayaan mo na," rinig ko naman sabi ni Kuya Ben at agad hinaplos ang likod ni Neo. "Oh, sige magkwento ka pa" pangungunsinti nito.


"Dapat kanina ka pa umuwi para nagkita kayo ni Haielle," sabi ni Ate Cora. "Madalang na kayong magkita dahil lagi kang wala dito" sabi pa nito habang naiiling. "Saan ka ba nagpunta kanina?"


"Sinamahan niya nga 'yung kaibigan niya," sagot naman ni Kuya Ben. "Nakita niyang naglalakad mag isa 'yung kaibigan niya kaya ayon sinamahan niya" sabi naman ni Kuya Ben. "Alam mo ba, Cora? Ang lungkot nung babae na kaibigan ni Neo kung nakita mo lang."


Malungkot? Babaeng kaibigan?


"Si Cash," mahinang bulong ko at agad na napayuko.


"Oh, e'di sana dinala niyo muna dito at pinakain natin" sabi naman ni Ate Cora. "'E kamusta na naman siya?" tanong nito.


Nakita ko na nagbuntong hininga si Neo, "Something's bothering her," sagot ni Neo at sumubo nung palabok. "And I hate how her bright smiles keep on fooling me" sabi niya pa nailing. "But her eyes, they're honest and they showed me that something's troubling her."


"Pero okay na ba siya? Dapat ay sinamahan mo muna siya hanggang sa maging okay na siya" sabi naman ni Kuya Ben.


Umiling si Neo, "I don't think I can help her" sabi ni Neo at uminom ng tubig. "But I'll try my best to make her happy" sabi pa nito at ngumiti.


Agad na tinapik ni Kuya Ben ang balikat ni Neo. "'Yan ang alaga ko," sabi ni Kuya Ben.


"Oo nga pala, Neo" rinig kong sabi ni Ate Cora. "Natapos mo na pala ang pinipinta mo, aba'y napakaganda na ng ngiti ng babae doon ah."


"Her smiles are beautiful," sabi ni Neo at yumuko. "But now, nawawala na naman ang magagandang smiles niya" rinig kong sabi ni Neo. Nararamdaman ko 'yung lungkot sa boses niya. Nag aalala siya.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon