23

242 10 817
                                    

"250 po lahat," sabi nung Cashier sa tindahan ng mga school supplies habang binabalot ang mga binili ko.

"Ito po," sabi ko at inabot ang bayad ko.

"Teka lang ha, kulang ang panukli ko" sabi nung Cashier. Tumango lang naman ako. Nandito ako sa may OCC, may mga binili lang ako for school.

"Excuse me, do you have rim of coupon po?"

Agad akong napatingin sa tabi ko ng may magsalita do'n. Natigilan ako ng makita si Pay.

"Haielle," sabi niya nang tumingin sa akin. "You're here," casual na sabi niya at ngumiti. He's back to normal.

"Ito na 'yung sukli mo, 'neng" sabi nung Cashier at agad inabot sa akin ang sukli. Kinuha ko naman 'yung sukli at binilang saka agad na inilagay na sa bulsa ko. Kinuha ko na din ang mga binili ko.

"Ah, una na ako" sabi ko kay Pay.

Ngumiti siya, "Ah, okay" simpleng sabi niya. Nagmamadali akong lumabas nung shop, dahil naiilang ako kay Pay. Kahit na parang normal na ang pagtrato niya sa akin ay nahihiya pa din ako sa ginawa ko sa kanya.

Nang makalabas ako ng OCC ay agad akong naglakad pauwi, malapit lang din naman ang bahay nina Neo dito. Natigilan ako sa paglalakad ng huminto sa gilid ko ang sasakyan ni Pay. Ibinaba niya ang bintana niya.

"Haielle, hop in" sabi niya.

"Hindi na," sabi ko at ngumiti. Nakakahiya.

"Come on," sabi niya at bumaba ng sasakyan niya at kinuha ang dala ko bago inilagay sa kanyang sasakyan. Tumingin siya ulit sa akin ng makita niya na hindi pa din ako nagalaw.

"Do you want me to carry you inside the car pa?" tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling ata agad na sumakay sa kotse niya. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya, nahihiya ako.

"Fasten your seatbelt," sabi niya at lumapit sa akin para ikabit ang seatbelt ko pero natigilan din siya. "Oh, sorry" sabi niya at lumayo. "Fasten it" sabi niya pa at kumagat sa labi niya.

Agad ko namang inayos ang seatbelt ko.

"Where should I take you?" tanong niya ng istart niya ang kanyang makina. "Neo's house?" tanong niya. Marahan naman akong tumango. Hindi na siya nagsalita at agad nang nagmaneho.

Nabibingi ako sa sobrang katahimikan namin sa loob ng sasakyan. Mukhang walang kahit isa sa amin ang gustong magsalita.

"Pay," pagtawag ko sa kanya ng bigla niyang iliko ang sasakyan nya. "Hindi dito 'yung bahay ni Ne—"

"Sorry," sabi niya at nag-U turn.

Kinagat ko ang labi ko, "Sorry din" sabi ko dahilan para matahimik siya. "Pay, hindi naman kita pinaglaruan 'e" pagpapaliwanag ko.

"Let's not talk about it," simpleng sabi niya. "That's nothing na," sabi niya pa at ngumiti. "I forgot that already."

"Sorry pa rin," sabi ko.

"Haielle, we're all humans. We make mistakes" sabi niya at tumingin sa akin. "And that's okay" sabi niya at inihinto ang sasakyan niya ng makarating kami sa isang intersection.

"Are you happy?" tanong niya bigla sa akin bago paandaring muli ang kanyang sasakyan. Yumuko ako at nakangiting tumango. Ngumiti lang siya at tumango.

"That's great. You deserve to be happy" sabi niya. "Sayang lang," sabi niya at mapait na natawa. "Hindi na dahil sa akin."


"Pay, sorry" sabi ko pa.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon