"Hoy!"
Agad akong nabalik sa ulirat nang biglang sumigaw si Kate sa tenga ko. Umirap siya at tsaka bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko.
"Titig na titig ka sa kamay mo, ano ba meron d'yan?" inis na tanong niya at tsaka hinawakan ang kamay ko at inikot ikot pa. Hinatak ko naman ang kamay ko sa kanya at tsaka tumayo.
"Wala," sabi ko naman bago umupo nang maayos. "Natapos ka na ba sa lahat ng mga activity?" pagbabago ko sa topic.
Ngumuso siya, "Wala nga 'e, ikaw ba?"
Umiling naman ako, "Wala pa din" sagot ko naman. "Alis na ako," sabi ko at kinuha ang bag ko. "Bye," pagpapaalam ko bago lumabas nang classroom. Inayos ko ang damit ko bago ako maglakad, since medyo magusot nga. Normal naman ang lahat sa school, may naghaharutan sa hallway, nagchichismisan at kung ano ano pa.
Naisipan ko na tumambay muna sa Oval, since wala din naman akong gagawin. Umupo lang ako sa may bleachers at kinuha ang laptop sa bag ko. Tinuloy ko ang coding na ginagawa ko dahil palapit nan ang palapit ang deadline.
"You're here,"
Agad akong nag-angat nang tingin nang marinig ang boses ni Pay. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, nakasuot siya nang uniform mukhang galing din siya sa school gaya ko. Nginitian ko siya pabalik, umupo siya sa tabi ko.
"IT things?" tanong niya habang nakatingin sa ginagawa ko. Ngumiti naman ako at agad na tumango. "You look a bit exhausted," sabi niya bigla.
"Konti," sagot ko naman. "Malapit na deadline 'e," dagdag ko pa.
"You should stop procrastinating," sabi niya at ngumiti. "Manage your scheds."
Umirap ako, "'Yung time na ipanggagawa ko for schedules 'e gagamitin ko nalang sa paggawa nang mga kailangan kong task" sagot ko naman.
"Give me your sched," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Sched" pag-ulit niya pa.
"Bakit?" tanong ko.
"I'll fix your schedules," sabi niya.
"'Wag na, hindi pa din naman ako sumusunod 'e" sabi ko naman. "Hirap sumunod sa mga schedules," reklamo ko pa.
He smiled, "Then I'll be your living reminder" nakangiting wika niya. "I'll call you or give you bunch of messages so you won't forget what you must do" sabi niya pa at ginulo ang buhok ko. "Ako bahala," sabi niya at ngumiti.
"I-sesend ko nalang sa'yo," sabi ko naman. Tumango lang siya at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa field. "Salamat" sabi ko pa bago nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Anything for you," sabi niya dahilan para matigilan ako. Anything for me? "You look shocked" natatawang pagpuna niya sa akin.
"Wala," sabi ko nalang at tumikhim. "I'm just not comfortable hearing it," sabi ko naman at ngumiti.
"Lolang Moon!"
Agad na nagpantig ang tenga ko nang marinig ang boses ni Neo, nagpalinga-linga ako para hanapin kung nasaan siya.
"Moon! Nandito ako!" sigaw niya pa, napatingin ako sa gitna nang field at nakita ko nandoon si Neo, may hawak siyang bola habang nakaway. Hindi ko alam, pero bigla akong napangiti.
"Lola!" sigaw niya pa habang nakaway. Nakita ko na inabot niya 'yung bola na hawak niya sa isa sa mga kaibigan niya. Tinapik niya pa ang balikat nang kasama niya bago siya tumakbo palapit sa direksyon ko.
"Ba't nandito ka?" agad na tanong niya nang makalapit siya sa akin. Bahagya pa siyang tumingin kay Pay, "Ah" sabi niya at tumango. Nabalot kaming tatlo nang katahimikan, kahit tahimik lang kami ay ramdam na ramdam ko ang bigat nang atmosphere.
"Ah," pagbasag ko sa katahimikan. "Neo, siya si Pay" pagpapakilala ko.
"Ah," sabi naman ni Neo at agad na ngumiti. "Neocole," pagppakilala naman ni Neo at agad na inilahad ang kamay niya kay Pay.
"Ah," sabi naman ni Pay. "Pay," casual na pagpapakilala naman nito at agad din na tinanggap ang kamay ni Neo. Pay flashed a smile in his lips, nothing special.
"Your boyfriend?" tanong bigla ni Pay at agad na bumaling sa akin. Agad naman akong napatingin kay Neo na mukhang nagulat din sa tanong ni Pay.
"Hindi 'no," agad namang depensa ni Neo. Tumingin muli sa akin si Pay, mukhang hinihintay ang sagot ko.
"Ah, oo. H-hindi" sabi ko pa. Tumango si Pay, at muling tumingin kay Neo.
"Nice to meet you," sabi ni Neo at tinapik ang balikat ni Pay. "Alis na ako," sabi niya at tumingin sa akin. "Iwan ko na kayo," sabi niya at kumaway pa bago tumakbo pabalik sa soccer field.
"Neo," biglang usal ni Pay habang nakatingin kay Neo. "He's not your boyfriend," he stated.
"Hmm"
"But you like him," biglang sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. He smiled, "You don't have to lie to me, I know when someone is lying" mabilis na sabi niya.
"Hindi ko siya gusto," agad namang pagdepensa ko.
He chuckled, "I'm studying psychology, Haielle. I know when someone is lying" sabi niya pa. "Admit it already," sabi niya at ngumiti. Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Neo na ngayon ay nakikipaglaro na sa mga kaibigan niya. Do I like him na?
"See?" biglang sabi ni Pay. "You look at him differently," pagpuna niya pa. "You're pupils widens when you stare at him," sabi niya pa. "You're eyes are fixed on him" dagdag niya pa.
Napalunok ako, "How can you say that I'm inlove by just looking at my eyes?" tanong ko naman.
Nagkibit balikat siya, "I can't explain" simpleng sagot niya kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Neo. "I just know" sabi niya. Hindi nalang ako nagsalita at tahimik nalang na pinagmasdan si Neo na maglaro. Hindi nawawala ang ngiti niya kahit naglalaro siya.
"Pay," pagtawag ko kay Pay habang nakatingin pa rin kay Neo.
"Hmm?"
Tumingin ako kay Pay, "D-do you think... he'll like me?" naiilang na tanong ko.
He smiled and pat my head, "Of course" sagot niya. "You're easy to fall inlove with," sabi niya at tumingin na ulit sa malayo. "Haielle," pagtawag niya sa akin.
"Oh?"
"You asked me kanina, kung how ko nalaman that you liked him by just looking at your eyes" sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Oo, paano ba?"
He smiled, "I don't know too" sabi niya at tumingin sa akin. "It's just that...The way you look at him" sabi niya at lumunok. "That's how you look at me...before" biglang sabi niya at mahinang natawa.
"Pay,"
Ngumiti siya at tumayo, "A look full of love..." sabi niya pa at bahagyang ginulo ang buhok ko. "I'll get going," sabi niya at naglakad na paalis. Napayuko lang ako at napabuntong hininga.
"Moon!"
"Neo," sabi ko naman nang makita na tumakbo palapit si Neo. Hinihingal pa siyang naupo sa tabi ko.
"Ba't umalis 'yon?" tanong niya bago uminom nang tubig. "Nag-away kayo?" tanong niya pa. "Hoy, uso magsalita" sabi niya pa at tsaka nagpunas nang pawis niya.
"Hindi," sabi ko naman at tumingin sa kanya.
"Ah, mabuti" sabi niya at nilapag ang tumbler niya na may keychain na dollar sign sa may takip. "'E ba't ka nakayuko?" tanong niya bigla.
"Wala naman."
"May sinabi ba siya na masama?" tanong niya, umiling naman ako bilang sagot. "Oh? 'E bakit ka nga malungkot?" tanong niya pa pero hindi ko na siya sinagot. "Nako, bawal pa naman malungkot dito sa Odiongan kailangan laging malawak ang ngiti mo" sabi niya at tinuro ang bulletin board na may picture ni Mayor.
"Ano?"
"Ganyan ka dapat ngumiti," sabi niya at tumawa. "Mas maganda kung ganyan kalawak ang ngiti mo, ganyang ganyan. Hindi ba't nakakahawa 'yang magagandang ngiti ni Mayor?" tanong niya pa sa akin.
Ngumiti naman ako agad. "Oo nga" sagot ko nalang at tumingin sa ibang direksyon. "Neo."
"Oh?"
Bumalinga ko sa kanya, "P-palagay mo ba... ano... m-may magkakagusto sa akin?" matapang na tanong ko.
Ngumiti naman siya agad, "Oo naman" masiglang sagot niya. "Mga siguro 230 silang magkakagusto sa'yo" sabi niya pa.
"Talaga?"
Nakangiti siyang tumango, "Oo naman. Kapag sinabi ko, totoo 'yon" sabi niya pa at ngumiti. "Nagkakatotoo lahat nang sinasabi ko" pagyayabang niya pa.
"Neo!
"Halika muna!"
"Puro ka landi!"
Sigaw nang mga kasama niya. Tumingin ako kay Neo na pinakyuhan lang sila at tsaka umirap. Tumingin siya sa akin at agad na ngumiti.
"Saglit lang," sabi niya at nilapit sa akin ang phone at ang tumbler niya. "D'yan muna ha, hintayin mo ko wait ha" sabi niya atsaka tumakbo papunta sa mga kaibigan niya. Nakita ko na pinagtutulak niya pa ang mga kaibigan niya na mukhang inaasar siya.
Napabaling ang tingin ko sa tumbler niya. Kinuha ko iyon at tinignan ang dollar sign na keychain. Nabalinga ng tingin ko sa phone niya nang bigla itong umilaw, may notification mula sa Instagram pero nahide 'yung details.
"Oh?" agad ko na nailapag ang phone niya nang marinig ko ang boses ni Neo.
"May nagnotif kasi," pagdadahilan ko. Tumango lang naman siya at umupo sa tabi ko, kinuha niya ang phone at agad iyong binuksan, hindi ko sinasadya na makita ang passcode niya. 3333777744
"Nakita mo?" tanong niya at bumaling sa akin. Ngumiti naman ako at umiling. Tumango lang siya at binuksan nan ang tuluyanan phone niya.
"Dollars," sabi ko agad habang nakatingin sa wallpaper niya. Picture iyon nang pile nang pera. Hindi na niya tinuloy ang pagbukas nang phone niya. Pera? Ngumiti siya sa akin at kinagat ang pang-ibabang labi niya.
"Ang ganda nang langit 'no?" biglang tanong ni Neo bago nagbuntong hininga.
"Ah, oo" sabi ko at tumingin din sa langit na medyo nagiging violet na dahil sa pagabi na nga. "Makikita kaya ngayon 'yung Orion's belt?" tanong ko bigla.
"Oo," sabi niya naman. "Madali lang 'yon mahanap. Ang ganda no'n 'no?" tanong niya. Nagbaba ako nang tingin sa kamay ko na hinawakan niya nooong gabing 'yon.
"Sobrang ganda," sabi ko pa.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya bigla. "Halika, hatid na kita" sabi niya at binitbit ang tumbler niya. Hindi agada ko tumayo at pinanood ko siya na maglakad. Lumingon siya at sinenyasan ako na sumunod na sa kanya. Nginitian ko naman siya at agad na tumayo para sumunod.
Nang makarating kami sa tapat nang isang BMW na kulay itim ay nagtaka ako nang biglang pagbuksan ako ni Neo nang pinto sa backseat. Hinarangan niya pa ang ulo ko para hindi ako mauntog. Simpleng mga galaw niya ay sobrang bilis na agad nang tibok nang puso ko.
"Urong ka," sabi niya. Agad naman akong umurong para makaupo din siya sa backseat. "Kuya, sa Tabin-Dagat po muna tayo doon po malapit sa may seawall" pagdedetalye niya doon sa driver niya. "Seat belt," sabi niya sa akin.
Agad ko namang kinabit ang seatbelt ko, nahuli ko na nakatingin sa amin ang driver ni Neo.
"Ah, siya si Kuya Ben" nakangiting pagpapakilala ni Neo sa driver niya. "Driver siya ng mga Chur" sabi niya pa. Tumango naman ako at ngumiti.
"Hello po," sabi ko naman.
"Magandang gabi, Maam" magalang na bati nito sa akin habang nakangiti. "Ay mabait 'yang si Neo, Ma'am" biglang sabi nito dahilan para tumawa si Neo.
"Kuya wala akong pang-tip sa'yo ha" natatawang sabi ni Neo.
"Siya ba 'yung babaeng lagi mong inaabangan doon sa may pier?" tanong nito dahilan para mawala ang ngiti ko. "Ay maganda nga talaga siya ano?" sabi pa nung driver. Maging si Neo ay naging tahimik. Inaabangan sa pier?
"Liko ka d'yan, Kuya" sabi ni Neo at tinuro ang banda sa may bangko na agad namang sinunod nang driver niya.
"Sir, hindi mo ba muna siya bibilhan nang ice cream? Hindi ba't sabi mo ay paborito niya ang ice cream? Doon banda 'yaong Zafeway oh" sabi pa nito. Ice cream.
"Hindi po ako mahilig sa ice cream," wala sa sariling sagot ko kaya napatingin sa akin si Neo.
"Ha?" takang tanong ni Kuya Ben. "Ang sabi ni Neo ay mahilig daw sa ice cream 'yung gusto niya—hindi ba ikaw si—" hindi na niya tinuloy ang mga pangusap niya at nanahimik nalang.
"P-pasenya na, Ma'am" halatang nahihiya na sabi nito.
Ngumiti ako, "Okay lang po" sagot ko naman.
"Hindi po pala ikaw 'yung ikinukwento sa akin ni Neo. Pasensya na," sabi pang muli nito.
"Okay lang po 'yun," sabi ko ulit at naikuyom ang kamay ko.
"Haielle.."
Hindi na siya muling nagsalita kahit maging si Kuya Ben ay nanahimik nalang din. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa tapat nang bahay namin. Agad akong bumaba, "Salamat" sabi ko habang nakangiti. Agad din akong tumalikod at agad na naglakad para buksan ang gate namin.
"Haielle..."
Natigilan ako sa pagbukas nang gate nang marinig si Neo. Humarap ako sa kanya, bumaba siya nang kotse niya at naglakad palapit sa akin.
"Oh?" inosenteng tanong ko habang nakangiti.
"Sorry," seryosong sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mata ko. "Hindi kasi alam ni Kuya Ben 'e. Akala niya ikaw s—"
"Si Cash?" tanong ko at mapait na ngumiti. "Okay lang," sabi ko ulit.
Yumuko siya, "Sorry ulit" sabi niya. "Pasok ka na," sabi niya at tinuro ang gate namin. Tumango nalang ako at agad na din na pumasok sa loob ng gate namin. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong napayuko.
Nagbuntong hininga ako bago patuloy na naglakad papasok nang bahay. Pagpasok ko ay wala pa sina Papa, maging sina Lolo at Lola. Nakita ko lang sina Mielle at Ate Arielle na kumakain nang ice cream sa kusina.
"Ate, nakauwi ka na pala" sabi ni Mielle. "Halika, kain ka" yaya niya sa akin.. Agad naman akong lumapit sa kanila. Inabutan ako nang kutsara ni Mielle. Abala sila ni Ate sa pagcecellphone kaya tahimik nalang akong kumain.
"Oh," biglang sabi ni Ate. "Si Cash ba 'to? Tanong ni Ate habang nakatingin sa phone niya. Agad namang tumayo si Mielle para sumilip sa phone ni Ate.
"Ah, oo nga 'no?" sabi naman nito. "Sa Royal Lione pala nag-internship si Ate Cash?" tanong nito habang nakatingin sa phone ni Ate Arielle. "Hindi ba't ang hirap makapasok company na 'yan?" tanong pa niya bago bumalik sa pagkakaupo.
"Hmm, mataas ang standards ng RL. Isa kaya 'yan sa mga pinakamagandang shipping and airline sa buong mundo" sabi naman ni Ate at tumingin sa akin. "Nagkikita pa ba kayo ni Cashcade?" tanong ni Ate sa akin.
"Ah, oo" sagot ko naman at sumubo nang ice cream.
"Ang galing ni Ate Cash ano?" tanong pa ni Mielle halatang bilib na bilib kay Cash. "Pati sa school namin ay pinag-uusapan 'yung l'avenir nila. Parang project nga nang ibang Grade 12 is i-replicate or gumawa nang structure base sa l'avenir ni Ate Cash 'e."
"Maganda naman kasi talaga 'yon" pagsang-ayon ni Ate.
"Sinabi ko nga sa mga kaklase ko na kilala ko 'yung gumawa nung l'avenir 'e" pagyayabang ni Mielle. "Sabi ko bestfriend mo si Ate Cash," sabi niya pa at ngumiti. "Gusto ko na tuloy maging Civil Engineer or hindi kay Marine Engineer kagaya ni Ate Cash"
Tumango si Ate, "Magandang course 'yon."
Nilapag ko 'yung kutsara ko at agad na tumayo. "Akyat na ako" sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko. Agad na ni-lock ko ang kwarto ko at pabagsak na umupo sa kama. Napatingin ako sa picture frame naming lima na nakalagay sa sidetable ko.
Kinuha ko iyon at tinitigan. Napabuntong hininga lang ako habang nakatingin doon, antagal na naming magkakaibigan. Napakagat ako sa labi ko at pinunasan ang picture gamit ang kamay ko bago ito binalik sa sidetable ko.
Sobrang dami na naming napagdaanang lima, saya, lungkot, kalokohan at kung ano-ano pa. Napangiti lang ako habang binabalikan lahat nang pinagdaanan namin, bestfriends ko sila. Hindi kami maghihiwa-hiwalay, solid.
"Class dismiss!"
Agad naman akong tumayo pagkatapos matapos nang lecture. Ito na ang huling klase ko ngayong umaga, pwede na akong maglunch. Agad kong kinuha ang phone ko at agad na minessage si Kate.
To: Kate
Sabay tayo maglunch.
From: Kate
Sorry hoy, sa bahay ako kakain. Hindi na ako papasok sa hapon 'e, may pupuntahan kasi kami sa Manila.
Nagbuntong hininga ako nang mabasa nang reply niya. Kakain na naman ako mag-isa.
To: Kate
Okay lang, ingat. Pasalubong ha.
Inilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko pagkatapos masend ang message ko kay Kate. Inayos ko pa ang uniform ko bago naglakad palabas nang gate.
"Seb!"
Agad akong napatigil sa paglalakad nang marinig ang sigaw ni Cash. Nakasakay siya sa backseat nang kotse ni Trevor.
"Halika," yaya sa akin ni Trevor. "Kain tayo," sabi niya pa.
"Sama ka, seb" nakangiting yaya sa akin ni Cash. "Dali na, libre daw ni Trex. Minsan lang 'yan manglibre kaya sama ka na."
"Sumama ka na, nagmamaganda ka na naman" sabi naman ni Bree na katabi pala ni Cash. Ngumiti ako ata agad na sumakay sa kotse ni Trevor, umupo ako katabi ni Bree na abala sa pagcecellphone.
"Hoy, seb. Sarado mo nga 'yang bintana" sabi ni Trex kay Cash. "Sayang 'yung aircon, baka tumalon 'yan palabas" pagbibiro niya pa.
"Nahihilo ako 'e," nakangusong sabi ni Cash at sinunod din si Trex. Pasimple kong tinitingnan si Cash na abala sa pagsilip sa phone ni Bree. Nasa pagitan kasi naming dalawa si Bree. "Yiee, stalker ni Min" pang-aasar ni Cash kay Bree na agad naman siyang binatukan.
"Oh, ano ka?" natatawang tanong ni Trevor.
"Sinong may pagkain d'yan?" pag-iiba ni Cash sa topic. "'Wag kayong madamot, nakakamatay 'yan" sabi niya pa habang sumisilip sa bag ni Bree. Hindi maalis ang tingin ko kay Cash, ang swerte niya.
"Seb," pagtawag niya sa akin. "May pagkain ka?" tanong niya habang nakangiti. "Alam ko lagi kang may cornbits at piattos sa bag mo" sabi niya pa.
"Wala," sagot ko naman. "Wala na akong pera," sabi ko pa. "'Yan oh, kay Trex" pagduduro ko.
"Naghahanap ka pa ng pagkain 'e magtatanghalian na tayo" sabi naman ni Trex. "Ano ka dead hungry?" sarkastikong sabi pa nito. Hindi nalang nagsalita si Cash at nagkunwaring nagtatampo pero pinagtatawanan lang siya.
Maya-maya pa ay nakarating kami sa De Boss. Umorder si Trex nang mga pagkain. Nakaupo si Cash sa tabi ni Bree at ako naman ay katabi si Trevor na naka-airpods habang abala sa pagrereview.
"May ice cream ba dito?" tanong ni Cash kay Bree. "Gusto ko nang ice cream," sabi niya pa.
"Masarap 'yung ice cream doon sa Zafeway do'n nalang tayo bumili" sagot naman ni Bree.
"Libre mo?" pambuburaot ni Cash.
"Tanginamo," sabi lang ni Bree at umirap. "KKB tayo 'no," sabi niya pa dahilan para mapairap din si Cash. Ice cream, pati ang paborito ni Cash ay alam ni Neo. Maya-maya pa ay bumalik na si Trex, umupo siya sa tabi ni Cash.
"May load ka?" tanong ni Trex kay Cash na agad namang tumango. "Paconnect," sabi naman ni Trex.
"10 pesos per 10 minutes ha"
"Sige," sabi naman ni Trex. "Basta iakw magbayad nang kakainin mo."
"Joke lang," sabi ni Cash. "Ayan, bukas na" nakangiting sabi nito.
"Ako din, seb" sabi naman ni Trevor. "Ano name nang hotspot mo?" tanong pa nito.
"Dollars," sagot naman ni Trex habang abala sa pagcecellphone. "Hoy, babaita. Ano password?" tanong nito kay Cash.
"Hulaan mo," pamimilosopo ni Cash kaya agad siyang binatukan ni Trex. "Aray ha," sabi nito at ngumuso.
"Ano nga?" natatawang tanong ni Trevor. "Ayaw kasi sabihin nalang 'e 'yan tuloy."
"pneumonoultramicsilicovolcanoconiosis" sagot naman ni Cash dahilan para matawa si Trevor.
"Good luck sa spelling, Trex" natatawang pang-aasar nito.
"Palitan mo naman nang maikli lang," suggest naman ni Trex. "Dali na."
"Napalitan ko na," sabi naman ni Cash.
"Ano pinalit mo?" tanong naman ni Trex.
"Alon"
"Ayieee, harot!" sigaw ni Trex at agad na binatukan si Cash.
"Landi ha," nakangiting sabi naman ni Trevor habang naiiling.
"Nakikiconnect na nga lang kayo," sabi niya pa at ngumuso. "Seb," sabi niya at tumingin sa akin. "Gusto mo nang pogi?" nakangiting tanong niya.
Ngumiti ako at umiling, "Ayoko na" sabi ko at natawa.
Kumain lang kami at nagkulitan. Pagkatapos ay bumalik na din kami sa school dahil may mga klase pa kasi sa hapon. Bumaba kami sa sasakyan ni Trevor, sina Bree at Trex ay humiwalay sa amin. Kami ngayon ang magkasama ni Cash.
"Kamusta pala ang internship mo?" tanong ko sa kanya.
"Okay lang," nakangiting sagot niya. "Ang ganda do'n sa Royal Lione, grabe seb. Ang sasarap pa nang pagkain, tsaka mababait ang mga tao doon" pagkukwento niya. "Oh, teka lang seb. Naiwan ko 'yung bag ko sa kotse ni Trevor" sabi niya. "Sige ha, balbasaur" sabi niya at agad na tumakbo palayo.
"Haielle, nakaharang ka na naman sa daan" natatawang sabi ni Neo na biglang sumulpot.
"Neo,"
"Bakit?" nakangiting tanong niya. "Oo nga pala," sabi niya at biglang inabutan ako nang paperbag. "Hindi 'yan nalaglag sa lupa" agad na sabi niya at tumawa.
"Salamat," sabi ko naman.
"Sorry ulit," sabi niya.
"Okay lang nga," sabi ko naman. "Okay lang, ba't ka ba sorry nan ang sorry" sabi ko pa at ngumiti. Napatingin ako sa direksyon kung saan tumakbo si Cash.
"Ano 'yon?" tanong ni Neo at napatingin din sa direksyon kung saan ako nakatingin. "Sino tinitignan mo?" tanong niya pa. "Nandoon ba si Pay?"
"Si Cash," sabi ko dahilan para matigilan siya. Tumingin ako kay Neo, "'Yung wallpaper mo sa phone, 'yung keychain mo" sabi ko at napahawak sa laylayan nang blouse ko. "Si Cash," sabi ko.
Nagbuntong hininga siya, "Hmm" sagot niya.
Napatingin ako sa baba, "Neo," pagatwag ko sa kanay. "B-ba't gusto m-mo siya?" tanong ko.
Nagbago bigla ang ekspresiyon sa mukha niya, kitang kita ko kung paano kumurba ang labi niya. "She's... rare...different" sabi niya at tumingin sa akin. Am I not different?
"Ah," sabi ko nalang at naikuyom ang kamay ko.
"And of all... she's an angel" sabi niya habang nakangiti. Sa paraan kung paano niya sabihin kung bakit gusto niya si Cash ay masasabi ko nang sobrang gusto niya talaga ang kaibigan ko.
Ngumiti ako at tumingin sa ibang direksyon, "Ah" sabi ko nalang. "Salamat ulit dito," sabi ko at tinalikuran na siya. Imbes na pumasok ako sa klase ko ay naglakad ako palabas nang school. Halos hatakin ko na ang mga paa ko sa sobrang tamlay ko. Parang nawala lahat bigla ang lakas ko. I am drained.
Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko na nagkakape si Papa sa sala, kasama niya si Ate na abala sa panonood ng TV.
"Haielle, bukas birthday ni Mielle ha. Maliligo daw tayo sa Sato, request niya" sabi pa ni Papa bago sumimsim sa kape niya. "Alam mo naman 'yung kapatid mo."
"Sabi nga din pala ni Mielle, isama mo daw mga kaibigan mo" sabi naman ni Ate.
"Ah, oo" sabi naman ni Papa. "I-invite mo daw sila, 'wag mod aw kalimutan Cashcade tsaka si Trevor" sabi pa ni Papa. Cash na naman. Tumango lang ako at agad na nagpunta sa kwarto ko. Bago ako pumasok nang kwarto ay napansin ko ang family picture namin sa hallway.
Family picture. Agad akong nagbuntong hininga. Ba't hindi ko ramdam? Bakit parang hindi naman ako parte ng pamilya namin? Bakit parang sapaw lang ako dito? Napabuntong hininga nalang ako at napilitan na ngumiti.
"Hindi ka pa ba sanay?" mapait na tanong ko sa sarili ko. "Masanay ka na," sabi ko pa at ngumiti. Wala naman akong choice kung hindi ang masanay.
"Ibigay mo muna 'to sa Ate mo," utos sa akin ni Papa. Agad ko namang kinuha ang inaabot niyang tongs. Agad ko iyong ibinigay kay Ate na ngayon ay nag-iihaw nang barbecue. Nandito na kami ngayon sa Sato.
"Ate Haielle!" sigaw ni Mielle. "Ba't wala pa sina Ate Cash? Sinabihan mo ba sila?" nakangusong tanong niya.
"Sinabihan ko na," sabi ko naman. "Papunta na siguro 'yon." Tumango lang siya at tumalikod na. Nagpatuloy ako sa pagtulong kay Ate sa pag-ihaw ang barbecue, unti-unti nang dumadating ang mga inimbita na kaibigan ni Mielle.
"Ate Bree! Kuya Trex! Kuya Trevor!" excited na sigaw ni Mielle nang makita sila ata agad silang niyakap. "Ate Cash!" sigaw nito at agad na tumakbo kay Cash at niyakap din siya.
"Happy birthday," bati nila kay Mielle. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Mielle habang nakikipag-usap sa kanila. Nagbless muna sila kay Papa bago sila lumapit sa akin.
"Seb," sabi ni Trevor. "Wow, barbecue."
"Hala," agad namang sabi ni Cash. "Ang sarap niyan," sabi niya habang inaamoy-amoy 'yung barbecue na parang aso.
"Ito oh," sabi ni Ate at inabutan sila ng barbecue. "Masarap 'yan," nakangiting sabi pa ni Ate.
"Hala, ang sarap" sabi naman ni Cash na parang batang unang beses palang nakatikim ng barbecue. "Hala," sabi niya pa ulit.
"Sarap nga," sabi naman ni Bree.
"Masarap 'yung taba," sagot naman ni Trex. Lumapit sa akin si Cash at yumakap.
"Seb, may boylet akong irereto sa'yo" bulong niya. Ngumiti lang ako. "Gwapo, sobra" sabi niya pa. Sana si Neo.
"Cash"
"Oh?" tanong niya habang abala sa pagkain. Ngumiti ako at umiling. "Parang timang 'to, ano nga?" sabi niya pa.
Tumawa ako, "Wala. Patay gutom ko" sabi ko at umiling.
"Anong bago?" natatawang tanong naman ni Bree kaya hinampas siya agad ni Cash. "Lumang issue na 'yan," natatawang dagdag pa ni Bree.
"Ay aba," agad na sabi ni Lola ng makalapit siya. Nagmano agad silang apat sa kanya. "Ay ang gaganda at gwapo na ninyo ah" sabi ni Lola habang tinitignan sila.
"Small things," sabay nilang sagot.
"Aba'y ang ganda ni Bree ah" pagpuri ni Lola. "Sabi ay mag-fa-fligh attendant ka daw."
"Opo, la"
"Mabuti 'yan. Mag-aral kayo nang mabuti ha," sabi pa ni Lola at tinapik ang balikat ni Trevor. "Mabuti pa kayo ay magaganda ang mga kinuhang kurso samantalang si Haielle ay nako.. sayang ang pinag-aralan noong senior high" naiiling na sabi ni Lola.
"Malaki po sahod ng mga programmer ngayon, la" singit naman ni Cash. "App and web developer po, ang laki ng kita nila" sabi niya pa pero mukhang hindi kumbinsido si Lola.
"Hindi bale na, basta mag-aral kayo ng mabuti. Kumain lang kayo ha" sabi niya pa bago umalis.
"Seb, ang sarap isawsaw sa suka" sabi ni Trevor habang abala pa din sa pagkain.
"May toyo?" tanong ni Cash.
"Ikaw may toyo," sagot naman ni Trex kaya agad siya sinamaan ng tingin ni Cash. Pasimple akong kinalabit ni Ate kaya napatingin ako sa kanya.
"Gayahin mo 'yang mga kaibigan mo oh, nag-aaral ng mabuti hindi puro lakwatsa" sabi ni Ate at nailing. "Cashcade, ito toyo oh" sabi ni Ate at nakangiting inabutan si Cash nang toyo.
"Salamat, 'te" sabi naman ni Cash at tumingin sa akin. "Ansarap talaga seb," bulong niya pa sa akin. "Anong pinangmarinate niyo?" nakangiting tanong niya.
"Sus, gusto mo lang humingi pa 'e" natatawang pang-aasar ni Trex. Agad namang yumakap si Cash kay Bree.
"Seb oh, kukuhanan nga din kita 'e" pagsusumbong niya kay Bree. Tumingin pa ito sa akin, "Seb, isa lang" sabi niya pa. Ngumiti ako at inabutan siya nang barbecue parang bata siya na nagtatatalon. "Kamsaaa" masayang sabi niya.
Ngumiti ako, "Sanaol" bulong ko nalang.ㅡㅡㅡㅡ♡ㅡㅡㅡㅡ
Let's all pray for all of our fellow countrymen who are now experiencing hardships especially to those who are in Cagayan and Isabela. Stay strong and keep safe y'all. Prayer is a big help, let's trust Him.
BINABASA MO ANG
Skies Of The Idyllic Arrow
Teen FictionARCHER SERIES 3 Haielle Sinio, an IT student who's been broken for years because of being trapped on a one-sided-love decided to move on and find someone new who can give back the intensity of love she gives... but what if she'll end up being trapp...