29

267 11 991
                                    



"Bakit kailangan pa ako doon?" taas na kilay na tanong ko habang nagluluto ng eggfried noodle na paborito naming magkakaibigan. Nandito kami ngayon sa bahay nina Bree dahil nagyaya si Cash dahil namimiss niya na daw ang kumain ng mga pagkain.


"CIO ka nga di'ba?" sagot naman ni Bree habang naghuhugas ng plato. Humarap ako sa kanya at agad siyang tinaasan ng kilay.


"So? Anong connect ko do'n?" nagtatakang tanong ko. "Magpipirmahan lang naman sila 'e ba't kailangan pa nila ako?" taas kilay kong tanong.


"Kailangan ka do'n" sagot niya naman at lumapit sa akin para sumilip sa dini deepfry kong eggfried noodle. "Kunin mo na 'yan, masusunog na" sabi niya sa akin.


"Bakit nga?" taas kilay na tanong ko.


"Hello, seb can't you understand?" taas kilay niyang tanong. "Time na 'yon para ipursue mo na ang lovelife mo hindi 'yung puro flirt flirt lang matuto kang manindigan" sabi niya pa at ngumisi.


"Babe," agad kaming napalingon ng pumasok si Jaemin sa kusina kung nasaan kami. Agad niyang hinalikan sa pisngi si Bree. "Hi, Haielle" bati niya sa akin.


"Hello," nakangiting sabi ko.


"How was your day sa site?" tanong ni Bree at agad na ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Jaemin dahilan para mailing ako. Ang harot.


"Stressful," sagot naman ni Jaemin at hinalikan si Bree. "I missed you" malanding sabi ni Jaemin.


"I miss you more," sabi naman ni Bree at hinalikan din si Jaemin. "I love you," sabi ni Bree habang nakangiti.


"I love you too," nakangiting sabi naman ni Jaemin.


"Tangina niyo nagluluto ako dito oh, respeto naman" naiiling na sabi ko pero naghahalikan pa din sila, sarap sabuyan ng kumukulong mantika. "'Wag kayo dito maglandian please" naiiritang sabi ko at agad na umirap.


"Ang bitter mo 'no?" natatawang sabi ni Bree habanag nkayakap kay Jaemin. "Babe, don't mind her. Wala lang kasi siyang kalandian, she's naiinggit lang" nang aasar na sabi ni Bree.


"You should find someone na" utos naman ni Jaemin sa akin na akala niya ay sosbrang dali lang maghanap ng lovelife ngayon. "Want me to find someone for you?" tanong niya pa.


"Ay, oo nga seb" sabi naman ni Bree. "Madaming kilala si Jaemin na mga lalaki, mga engineer friends niya" sabi niya pa habang tumatango tango.


"Gusto ko si Jaemin 'e" nakangising sabi ko at agad naman akong sinipa ni Bree.


"Gago, akin na 'to 'no" sabi niya pa at muling yumakap kay Jaemin. I'm happy na kahit madamig mga nangyari sa kanilang dalawa ni Jaemin ay naging okay din sila. And now sobrang ganda ng life nila.

Skies Of The Idyllic ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon