"Kumain ka na, Nay?" nakangiting tanong ko kay Nanay ng maupo sa gilid ng inuupuan niyang reclining chair.
Hinaplos niya ang likod ko. "Tapos na, anak," nakangiting sabi niya. "Pinakain ako nina Bree at Cashcade," sabi niya pa.
Tumango naman ako. "Baka kung ano anong bawal ang kinakain mo, 'nay ha."
Agad siyang natawa at umiling. "Hindi, halos gulay at prutas nga ang pinakain nila sa akin 'e." Ngumiti nalang naman ako at yumakap sa kaniya. "May problema ka na naman ba?" tanong niya sa akin. Agad namana akong umiling.
"Gusto lang po kitang yakapin," nakangiting wika ko. Naramdaman ko na hinaplos niya ang buhok ko kaya mas napangiti pa ako. "Salamat, 'nay," nakangiting sabi ko at mas hinigpitan ang yakap.
"Nako naman," sabi niya at agad na lumayo sa akin ng kaunti para makita niya ang mukha ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko, "Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin, Haielle. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na naging anak kita. Wala kang utang sa akin kaya 'wag ka nang magpasalamat ha."
"Wayne! Halika kay Tito Gwapo!"
Napatingin kami ni Nanay nang marinig ang boses ni Neo sa labas. Nakita ko na kinakausap ni Neo si Wayne at tawa naman ng tawa 'yung bata. Naramdaman ko na tinapik ni Nanay ang balikat ko kaya agad ko siyang tinignan.
"Ang ganda ng ngiti mo anak ah," sabi niya sa akin at bumaling kay Neo na ngayon ay buhat buhat na si Wayne. "Gusto mo na rin ba na magsettle na kagaya ng mga kaibigan mo?" tanong niya sa akin.
Nagbuntong hininga ako. "Hindi ko po alam."
"Nagiging hadlang ba ako sa desisyon mo na mag asawa na?" tanong niya bigla. "Anak, 'wag ka na mag alala sa akin ha. Mas gusto ko na mag asawa ka at gusto ko na magka apo na," natatawang sabi niya. Tumayo si Nanay. "Sige ha, ako'y iinom muna ng aking maintenance."
"Ako na po, 'nay," sabi ko naman pero pinaupo niya ulit ako.
"Ako nalang anak, d'yan ka nalang," sabi niya at nagalakad paalis ng terrace kung nasaan kami nakatambay. Tumayo ako at sumandal sa railing para mas makita ko nang maayos si Neo na nilalaro si Wayne.
"Ball!" sigaw ni Wayne. Pinanood ko sila na magpasahan noong maliit na beach ball, ang cute ni Neo. Napansin ko naman na nasa may baba sina Bree at Jaemin na mukhang pinapanood ang anak nila at si Neo.
"Haielle," agad akong lumingon ng marinig si Pay. Nginitian ko siya. Sumandal siya sa may railing at tumingin din kung nasaan sina Neo ngayon.
"How are you and Neo?" tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at agad na umiling. "Wala," simpleng sagot ko at nagbuntong hininga. "Natatakot ako na baka mauwi na naman ako sa wala."
BINABASA MO ANG
Skies Of The Idyllic Arrow
Teen FictionARCHER SERIES 3 Haielle Sinio, an IT student who's been broken for years because of being trapped on a one-sided-love decided to move on and find someone new who can give back the intensity of love she gives... but what if she'll end up being trapp...