FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By...emzalbino..
Teaser...Amor Carreon ang nag iisang anak ng biyudong si Rafael Carreon at isa sa mga may sinasabing pamilya sa Palawan..
Mula ng mamatay ang mommy ni Amor ng siya ay kinse anyos ay parang nawalan na siya ng kakampi sa buhay,..lalo pa ng pagkalipas ng dalawang taon ay biglang nag asawa ang kanyang ama ng isa ring biyuda na si Thelma na may anak rin na kasing edad ni Amor,..si Trixie...
Akala ni Amor ay mabait ang mag ina ngunit ng mag laon ay saka lang nito nalaman ang talaga nilang pakay sa kanyang ama ngunit ng magsumbong siya ay hindi siya pinakinggan ng kanyang ama kundi naging sinungaling pa siya sa paningin nito....Hanggang sa dumating ang sandaling pumanaw ang kanyang ama dahil sa atake ng sakit sa puso at kasabay niyon ang pagkakaroon ng pagbabanta sa kanyang buhay...
Mikael o "Kael",... isang bakasyonista na napadpad sa isang isla sa Palawan at ang hilig nito ay mag liwaliw sa buhay kapag nalulungkot siya..
Sa pinagdadaanang sakit at hapdi ng kanyang puso na likha ng kanyang taksil na nobya kaya ipinasya niyang lisanin muna ang magarang pamumuhay sa siyudad at mamuhay ng tahimik sa malayong lugar kung saan makakalimutan niya ang bangungungot ng kanyang nakaraan...
Papaano makakatakas si Amor sa nagbabadyang panganib sa kanyang buhay??...
At si Kael,..ano ang magiging parte nito sa buhay ni Amor??...
.....abangan...