Bata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwalay ang mga magulang niya ay tinanggap nalang niya na iyon ang mabuti para sa lahat. Habang lumalaki ay pilit niyang tinanim sa isip niya na gagawin niya ang lahat para iwasang magmahal. She's afraid that she might have a 'fail' relationship gaya ng nangyari sa magulang niya. She knew it too well. Alam niyang kaya niya. Matapang siya at kaya niyang panindigan ang mga desisyon niya. Pero hanggang kailan niya nga ba makakayang panindigan ang mga desisyon na nagawa at gagawin niya? Hanggang kailan nga ba siya iiwas? At ang pinakamalaking tanong, magagawa niya nga kayang umiwas? All Rights Reserved © Railleice
59 parts