Mayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan. Sa nobyo. Ina at Ama. Pati na rin sa mga kapatid niya. Pero paano nga ba nangyaring bigla na lang nagbago ang lahat? Ang lahat-lahat ng mayroon sakaniya ay bigla na lang nawala at napunta sa mga taong sisira pala sa buhay niya.. Palaging pumapasok sa isip niya.. Ano nga bang posisyon niya dito sa mundo? Ang magmahal at sa dulo naman ay masasaktan? Handa na ba siyang harapin ang lahat ng mga taong minahal at sinaktan siya na naging dahilan para magbago ang dating siya?