"Kung nagsabi ka ng maayos bago mo ko kinidnap, eh 'di sana nakapag-empake pa 'ko!" *** Matagal nang gustong takasan ni Wendy ang kanyang payapa at simpleng buhay. Kaya nang magpunta sa kasal ng kanyang kaibigan, kulang na lang ay magdiwang siya nang madukot at madala sa isang private island! Bakit nga naman siya aangal kung nandito na lahat ng pinapangarap niya? Unlimited food, twenty-four hours of beach access, and a chance to fulfill all her beach fantasies - all thanks to her hot kidnapper. Ayon nga lang ay bad news, pagkakamali lang kasi ang naging pagkidnap sa kanya!