CHAPTER 21

559 41 9
                                    

"Ang tagal mo." Salubong sa akin ni Ayeesha ng pagbuksan ako nito ng pintuan.

"Kanina paba kayo naghihintay?'' Tanong ko habang sabay kami na pumunta sa kusina pero hindi ako nito sinagot at bigla nalang tong nag-iba ng direksyon. "Saan ka pupunta?"

"Nandyan kasi si tita Jalline eh" sagot nito pero hinila ko nalang to.

"Hindi yun magagalit sayo." Nakita ko sa mukha nya ang pag-aalinlangang sumama sa akin pero kalaunan ay pumayag rin. Nang marating na namin ang dining room ay bumungad sa amin ang naghahandang si ms. Jalline at ang nakaupo nitong dalawang anak at asawa.

"Good evening." Bati ko sa kanila kaya napalingon ang lahat sa amin.

"Oh Good evening Reveca." Bati rin ni ms Jalline bago tinapunan ng tingin si Ayeesha pero agad din tong nag-iwas. "Tama ang dating mo dahil katatapos ko lang din maghanda." Itinuro nito ang upuan sa tapat ni Jaeven kaya agad akong nagtungo ron at sa tabi naman nito si Ayeesha. Nakita kong nakatitig lang sa akin si Jaeven pero agad din ako nag-iwas.

"Mr. Aigus ano nga palang balita sa mga bampirang hawak nyo?" Tanong ko habang nagsisimula na kaming kumain.

"Wala paring nagsasalita sa kanila."

"Sino pala si Jaguar?" Natigilan ang lahat dahil sa naging tanong ko rito.

Pinunasan nya muna ang mga labi nya gamit ang napking nakapatong sa kanyang mga hita kanina. "Yun ang hindi namin kilala." Kung hindi nya kilala ano kaya ang pwedeng maging dahilan ng pag-aaway nila?

Ilang saglit pang katahimikan ang bumalot sa amin bago ito basagin ni ms. Jalline. "Bakit ngaba ikaw lang ang nakakaalam sa kinaroroonan nina Dreg at Greg, Aigus?" Napalingon ang asawa nito sa kanya. "Matapos ang gulong nangyari sa Sunny University ay hindi ko na sila muling nakita pa at sila pala ang nagpalaki sa anak nina Arebeth at Revelle-bakit ako lang ang walang alam?" Sarkastikong dagdag pa nito.

Kung ganon, wala pala talagang alam si ms. Jalline sa kinaroroonan ko? Magkakaibigan sila at dapat alam nya lahat ng pwedeng pinuntahan ng mga to... Maliban nalang kong nag-away away sila.

Matagal bago nakasagot si mr. Aigus sa tanong ng asawa. "Simula nong mawala sina Revelle ay napag disisyonan ni Dreg na sya na ang magpapalaki kay Reveca at hindi yun napagkasunduan ng magkapatid, kaya kinailangan nilang maghiwalay." Depinsa ni mr. Aigus bago nya ito dinugtungan. "At may sakit kanon... at dahil sa ilang bwan non nang ipanganak mo si Jaeven at may hindi inaasahang nangyari-siguro naman natatandaan mo na yun?" Hindi itinuloy ni mr. Aigus ang kung ano mang gusto nyang sabihin at agad nitong iniba kaya nakita ko naman ang pagbuntong ni ms. Jalline.

"Hindi sa loob ng ilang taon ay nag kasakit ako Aigus. Natanong ko narin sayo kung nasaan ang anak ng dalawang yun." Asik nito sa asawa. Mukhang mag-aaway na naman to.

"But it was Dreg who had to decide."

"he's not the father! And besides we're both friends of Arebeth and Revelle, so I also have the right to know what happened to their daughter ... You know how important Arebeth's to me"

Hindi na muling nakasagot si mr. Aigus nang dugtongan pa nito ni ms. Jalline. "Bakit nga ba kayo lang tatlo ang nakakaalam tongkol kay Reveca?" Makikita sa mukha ni mr. Aigus ang hindi alam kung paano ito sagutin.

Siguro ay dahil baka manganib ang buhay nya dahil sa ginagawa nina tito sa paggawa ng gamot pero may posisyon sa Emperor Blood si ms. Jalline kaya imposibleng mangyari yun dahil malakas sya at kayang protektahan ang sarili o di kaya'y ayaw ni mr. Aigus na maapiktuhan nito ang posisyon ng asawa nya sa Emperor Blood.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon