CHAPTER 10:MEET MR. AIGUS ARNACHELL

481 27 0
                                    

Reveca's POV

~FLASHBACK~

"Tito paano ba ako makakatulong sayo?" Tanong ko dito dahil hindi ako naka tulog kagabi sa kaiisip kung paano ako makakatulong sa kanya.

Nandito kami ngayon sa tabi ng swimming pool at dito raw namin pag-uusapan ang mga gagawin naming plano.

"Kailangan mong mag sanay sa pakikipag laban." Saad nito.

"Pakikipag laban?"

Humigop muna ito ng kape bago nagsalita. "Oo dahil yun lang ang paraan para mahanap natin ang pumatay sa tito Dreg mo."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Takot dahil hindi ko alam kung paano magsanay at galit dahil sa bampirang pumatay kay tito Dreg. Pero sa ganitong sitwasyon kailangan kong kalimutan ang takot at patatagin ang loob ko dahil kahinaan ang nag papahamak sa tao yun ang sabi sa akin ni tito Dreg nong bata pa ako.

"P-pero tito kahit pa po magsanay ako sa pakikipasuntokan o ano pa dyan ay hindi ko parin po kakayanin na labanan ang isang bampira dahil nga mabibilis sila at mas malakas kaisa sa ating mga tao." Hindi ko alam pero yun ang sumagi sa isip ko na kahit turuan nya pa ako ay sa tingin ko ay hindi ko parin sila kakayanin.

"Gagalingan mo rin sa pag sasanay. Kung kaya mong lagpasan ang bilis at lakas nila ay gawin mo." Seryosong ani nito.

"Kayo po ba ang mag sasanay sa akin?" Tanong ko dahil hindi panaman sya matanda para hindi kayaning magturo ng mga martial arts sa mga tulad kong hindi pa marunong. Mga nasa 39 plus na si tito Dreg kaya ganon rin sya. Pero umiling nalang to bilang sagot. "Kung ganon ay may iba pa palang nakaka alam bukod sa atin na may bampira dito sa mundo? Kasi kong iba ang mag t-train sa akin ay dapat alam nya ang bilis ng isang bampira para alam nya kung kaya ko ba silang pantayan o hindi." Paliwanag ko rito.

Tumango tango ito bago nagsalita. "Oo, may iba pang taong nakakaalam na may bampirang naninirahan sa mundong to at ang tungkol naman sa magsasanay sayo ay wag muna yung isipin dahil alam kong matututo ka kaagad. Alam kung malaki ang naging tiwala sayo ni Dreg kaya ganon rin ako, malaki ang tiwala ko sayo." Saad nito.

"Sino po ba tong taong tinutukoy nyo?" Curious na tanong ko.

"Kailan man ay hindi nagkapareho ang tao't bampira kaya sinong may sabi sayong tao ang mag tuturo sayo?" Kunot noong tanong nito sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng kaba.

Ibig nyang sabihin...

"Sinasabi mo bang bampira ang magtuturo sa akin?"

"Oo at malapit na syang dumating." Biglang uminit ang dugo ko sa narinig ko sa kanya.

Bampira?

Tanga ba sya at makiki pag tulongan pa sa isang bampira?

"Pasensya na kung nahuli ako ng dating." Rinig kong saad ng isang lalaki kaya napalingon ako dito. Halos kasing edad rin nina tito pero sobrang puti nito na para bang may sakit.

"Sya ang magtuturo sayo Reveca. Sya si Aigus Arnachell isa syang bampira." Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Naka inom kaba tito?! Bampira ang pumatay kay tito Dreg. Si Dreg na kambal mo kaya bakit sa isang bampira pa tayo kailangang mag paturo!" Pinag didiinan ko sa kanya ang bawat salitang binibitawan ko.

"Tito!" nasapo ko nalang ang noo ko. "Tito magkakapareho lang ang mga yan! Mamamatay ta-" hindi kona natapos ang sinasabi ko nang sampalin nito ang kaliwang pisngi ko na kailan man ay hindi nagawa ni tito Dreg sa akin.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon