"Paano nyo nasabi na may kasabwat talaga ito at nandito lang din sya sa Emperor Blood?" Seryosong tanong ng Emperor pagkatapos ng kabalewan nito kanina.
"Sa tingin nyo kakayanin ni Flinn gumalaw mag-isa?" Sagot dito ni mr. Aigus.
"Magaling si Flinn kaya bakit hindi?"
"Pero marami syang pinapatakbong illegal businesses kaya kahit sabihin na nating pangalawa ito sa Emperor Blood ay hindi parin yun kakayanin ng pwersa nya lalo't buong mundo ang gusto nitong sakupin at paalisin lahat ng tao na nasa politika at ipalit ito sa mga alagad nyang bampira kaya masasabi nyo ba yung kakayanin nya mag-isa?" Mahabang paliwanag dito ni tito kaya napa buntong ang Emperor pero hindi nawala sa mukha nya ang pagtataka.
"So sinasabi mong mataas ang posisyon ng bampirang yun dito na syang kasabwat ni Flinn?"
"Bakit hindi?" Pabalik na tanong ko rito.
"Paano mo nasabi? Ganon naba karami ang alam mo sa mga bampira at sa Emperor Blood para pag-isipan mong may posisyon ang kasabwat nito?" Sarkastikong tanong ng Empress.
"Paumanhin mahal na Empress pero kung ako ang tatanongin nyo ay mas maraming alam yan si Reveca kaysa sa amin. Kung hindi nyo naitatanong ay nagmana yan sa kanyang mga magulang." Singit ni mr. Aigus.
"Kung ganon ay pwede mo bang ipaliwanag ang mga nalalaman mo?" Panghahamon sa akin ng Empress.
Bakit ba parang ang init ng dugo sa akin ng bampirang to? Para bang kating kati marinig ang mga nalalaman ko.
Hindi naman kasi ganon karami ang mga nalalaman ko. Kung meron man ay hindi ako sigurado, kaya minsan ay kinakailangan ko pang basahin ang bawat galaw ng isang bagay o pangyayari para mapag dugtong-dugtong ko ang bawat detalyeng nalalaman ko.
"Yung nagpalaki sa akin na si tito Dreg ay may sinasabi sya sa akin na KJ pero ipinapahiwatig nito sa akin na isa syang kalaban. Idinadaan nya yun sa kwento at ang KJ narin na yun ang sinisisi ko sa pagkamatay ng tito ko. May tatto na Jaguar ang mga bampirang umatake sa amin at ganon din ang umatake sa bahay nina mr. Aigus." Kwento ko rito. "Pati sa red ball party sa school ay sila rin yun at doon ko napagdugtong-dugtong lahat ng bagay..... Na puntirya ng mga yun ay si mr. Aigus at kami ni tito. Dahil siguro yun sa magkaibigan si mr. Aigus at ang mga tito ko." Dahil sa sinabi ko ay may mga ilan sa kanila ang nagtaka kung bakit, maliban nalang kina tito, mr. Aigus at ms. Jalline dahil alam kung nakuha na nila ang punto ko.
"Sa anong dahilan naman yun?" Takhang tanong ng Emperor kaya yan ang hindi ko sigurado kung pwede ko bang sabihin sa kanila o hindi.
Tinignan ko si tito at mr. Aigus na humihingi ng permission kung sasabihin ko ba talaga sa kanila pero agad silang tumango nang tumama ang paningin ko sa kanila. Mukhang matagal na nilang gustong sabihin yun sa Emperor at Empress dahil wala man lang akong nakitang kahit kunting pag-aalinlangan sa mga mukha nila.
"Hindi sang-ayon sina Flinn sa ginagawang pananaliksik nina tito Dreg." Saad ko kaya parang nakulangan pa sila sa naging sagot ko.
"Pananaliksik?" Ani Empress.
Kaya tumango ako rito. "Pananaliksik para sa gamot na makapag-pabalik sa mga tulad nyo." Dagdag ko kaya kitang kita ko ang bawat isa sa kanila ang gulat sa kanilang mukha maliban siguro kina ms. Jalline, mr. Aigus at tito na sila ang nakakaalam non.
Pero alam kong isa sa nakaupo rito ay alam rin ang tungkol sa bagay na yun pero ang Empress lang talaga ang hindi ko makitaan ng reaksyon dahil sa tabing nito sa mukha. Tinignan ko yung isang pinaghihinalahan ko at nagulat nalang ako na sa akin na ang kanyang paningin pero agad akong umiwas dahil ayaw kong isipin nyang pinaghihinalahan ko sya tungkol sa kasabwat ni Flinn.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampireAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...