Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Tsk. Kinuha kasi sa akin ni mr. Aigus yung babae at wag daw akong magtatangkang umalis dito sa Academy dahil sya raw mismo ang papatay sa bampirang yun, may nakuha man kaming impormasyon o wala.
Kakaiba talaga ang takbo ng utak ng isang yun. Parang may saltik.... Tulad ng mayroon ang asawa nya-puro may mga saltik. Tsk.
Tinanggal ko ang toxidong nakapatong sa mga balikat ko saka inilapag iyon sa kama kaya napatitig nalang ako rito.
'Alam ko ang nararamdaman mo Jaeven pero mahirap ng tanggapin yun dahil naka ilang bisis na akong nagtiwala sayo pero sinisira mo lang yun. Sana kong ano man ang nararamdaman mo ay kalimutan mo nalang yun, dahil hindi ko iyon kayang suklian.'
Maliligo nalang muna ako bago gamutin ang sugat ko sa likod. Agad akong nagtungo sa banyo at agad ng naligo. Pagdikit palang ng tubig sa mga sugat ko ay mas lumabas ang hapdi nito. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at laking gulat ko nalang nang maabutan kong printing nakaupo sa harap ng salamin si ms. Jalline kaya napangisi nalang ako.
"Tsk. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang naghahanap ng masusuot sa kabinet ko, nang makahanap ako ay agad ko tong sinuot.
Tumayo ito sa pagkaka-upo at iginala nito ang paningin sa kabuuan ng kwarto. "Bakit ganito kalaki ang ibinigay sayo ni Aigus na kwarto? Hindi kaba naliliitan dito?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi nito.
"Hindi ako mapili kaya ayus lang ang ganito kwarto para sa akin, total mag-isa lang naman ako." Napalingon ito dahil sa naging sagot ko.
"Now I know why Brenzy's familiar to me." Naupo ito sa kama saka itinukod ang kanang kamay nito rito. "They're my friends too."
"I'm not interested" Atungal ko rito, at ako naman ang naupo sa kinauupuan nya kanina, kaya sa salamin kami nagkatinginan.
"I know my mistake. Nilamon lang ako ng galit ko sa mga tao." Tumayo ito sa likod ng upuan saka kinuha ang suklay na nakapatong dito sa table at dahan dahang sinuklayan ang buhok ko. "I'm sorry kung nakapagbitaw ako sa iyo ng masasakit na salita. This is the second time I've broken my promises to your mother."
"Parehong-pareho ang ugali nyong mag-ina. Mahilig gumawa ng mga bagay na ikasasakit ng damdamin ng isang tao pero sa huli ay hihingi kayo ng paumanhin? Tsk. Kung ako ang nasa posisyon nyo ay hindi ko gagawin yun. Ang hili-hilig nyong manghusga ng tao pero hihingi rin kayo ng tawad...." Ani ko rito. "Salita lang ang 'tawad' na nagmumula sa bibig pero hindi yun mabubura ng sakit na naidulot nyo sa tao." Dugtong ko pa.
Pinanuod ko lang sya mula sa salamin at hindi nagbago ang reaksyon ng mukha nito habang patuloy sya sa pagsuklay sa buhok ko. "Hindi man mabura ay kaya itong takpan ng ikalawang magandang simula. Pag binigyan mo ng pangalawang pagkakataon ang nagkasala ay ang masasaya at magagandang bagong panimula ay kaya nitong takpan ang sakit na naidulot nya sayo. Dahil ang tanging masasabi mo lang sa iyong sarili ay isa iyong pagsubok... pagsubok kung hanggang saan ang iyong pasensya at pag-unawa...." Tumingin sya sa akin na may lungkot ang kanyang mga mata. "Sana ay maintindihan mo ang mga salitang nanggaling sa iyong ina." Doon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito.
Hindi ko alam pero mas binibigyan ako ng dahilan na mas dapat kong kilalanin ang mga magulang ko dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa kanila. but how can I find them if even their friends do not know where they are? Where should I start?
"I smell your blood-you have a wound, don't you?" Napasinghap nalang ako sa naging tanong nya.
Sa totoo lang ay hihintayin ko munang lumabas sya dito bago ko iyon gamutin pero nakalimutan kong naamoy nila yun sa oras na may sugat ako dahil sumasama sa hangin ang amoy nito kaya nalalanghap nila ito. Naghanap ito ng first aid kit at hindi naman ito nahirapan dahil nakapatong lang yun sa kabinet, nang makuha nya ito at sininyasan nya ako na maupo sa kama. Napa-isip muna ako bago sumunod dahil hindi ko naman yun magagamot na mag-isa kong nasa likod ang sugat ko.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampirosAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...