CHAPTER 39

629 59 11
                                    

Reveca's POV

"Ibigay mo yan sa Emperor."

"Masusunod mahal na Empress....."

Rinig ko ang pamilyar na boses kaya dahan dahan kong naimulat ang mga mata ko.

Nasaan na yun?

Wala na sila.

Ginala ko ang mata ko sa loob ng kwarto. Malinis ang kwarto at nasisiguro kong mayaman ang may ari ng bahay nato.

T-tika buhay pa pala ako? Tsk.

Umupo ako kahit ramdam ko ang kirot sa bawat sugat ng katawan ko. Iniangat ko ang damit na suot ko para tignan ang sugat ko sa tyan dahil naka dalawang beses akong tamaan don.

Mukhang malala pero sinong tumulong sa akin?

Dahan dahan akong lumingon sa pintuan nang bumukas ito kaya nang makita ko kung sino ito ay agad kong kinuha ang dagger na nakalapag lang sa bed side table saka yun inihagis sa kanya ng hindi umaalis sa kama pero dahil sa panghihina ko ay hindi sya natamaan at nasalo nya ito.

Naramdaman ko ang pangingirot ng sugat ko dahil sa ginawa ko pero hindi ko na yun inisip pa dahil nasa Empress lang ang atinsyon ko.

"This is dangerous for me." Aniya habang sinusuyo ang dagger na hawak nya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nya habang dahan dahang lumalapit sa kama kung saan ako nakaupo.

"Bat mo tinatanong kung ikaw—"

"May gustong sumira sa akin. Sapat nabang impormasyon yun para hindi mo ako pagbintangan?" Hindi galit at mas lalong hindi rin maamong saad ng Empress. "Kung inaakala mong gagawin ko sayo ang bagay na yun nagkakamali ka. I am the Empress of vampires and one of my job is to protect people against evil vampires like them. Hindi na kita pipilitin pang maniwala sa akin." Dagdag pa nya kaya hindi ako nakapagsalita.

Siguro nga ay hindi sya yun. Gusto nila na ang Empress ang pag-initan ko para mawala sa kanila ang atinsyon ko pero bakit yun pa ang naisip nilang plano e alam naman nila na mainit talaga ang ulo ko sa kanya dahil kakaiba sya kung kumilos.

Gusto lang siguro nila na ako ang pumatay sa Empress para magtagumpay sila sa bawat planong gagawin nila at wala ng maging sagabal.

Ang malaking katanungan lang sa akin ay ang pagharang nito sa kanyang mukha para hindi makita ng kung sino man?

"Pwede bang magtanong?" Saad ko rito nang hindi inaalis ang paningin ko sa kanya. Agad na tumango ito habang nilalapag ang dagger sa table kung saan ko ito kinuha kanina. "Sino ang nakakaalam sa likod ng tilang yan?" Seryosong tanong ko saka isininyas sa kanya ang nakaharang sa kanyang mukha at nakita ko rin kung paano sya napatigil sa paglapag ng dagger sa table.

Nagulat siguro to sa naging tanong ko kaya nang makabawi sya ay nilapag na nya ng maayos ang dagger sa table saka dahan dahang humarap sa akin.

"Tatlo lang ang nakakaalam sa ngayon." Mahinhing sagot nito kaya binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin kung sino sino ang mga yun. "Emperor, ang kanang kamay ko at yung isa ay hindi mo na kailangang malaman pa." Sino naman kaya yung pangatlo? "Kaya mo bang maglakad?"

Hindi ako sumagot dahil bumaba na ako sa kama. Hindi ko panaman nasusubukang kung kaya ko bang maglakad o hindi e, kaya dito ko malalaman kung kaya ko nga ba. Nang makatayo ako ay dahan dahan akong naglakad pero agad ring napawahak sa table dahil sa biglaang pag kirot ng bawat sugat ko.

Bakit ba nangyayari to? Tsk dahil sayo Reveca.

"Mukhang kailangan mo pang magpahinga." Nagulat nalang ako nang iangat nito ang damit ko para tignan ang sugat ko.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon