CHAPTER 33

562 35 6
                                    

Nang makarating kami sa ospital ng NA ay agad inasikaso ng doktor si tito pero kahit ganon ay hindi parin ako mapakali.

"Iha magpahinga kana muna dahil alas dos na ng madaling araw at hindi kapa kumakain ng dinner mo." Bigla ay saad ni mr. Aigus nang nasa harapan ko na sya at nakatayo.

Kanina pa kami naghihintay dito sa labas ng operating room pero wala paring nakakalabas na doktor.

"Hindi na muna" Tipid na sagot ko rito kaya narinig ko ang mabigat nitong buntong hininga. "Ilang oras na tayo dito p-pero wala paring balita sa kanya." Dugtong ko habang malalim ang iniisip.

Nandito ang lahat kahit si ms. Jalline ay sumama kahit na may trabaho pa syang aasikasuhin sa Emperor Blood dahil sa nangyari kanina pero mas pinili nyang sumama dito. Kinausap naman daw nya ang Emperor para makapag-paalam ng maayos.

Ang ilan sa mga kasamahan ko ay nakaupo lang dito sa may mahabang upuan  at yung iba naman ay nakatayo lang at tulad ko ay parang naghihintay rin sila sa kung ano mang resulta tungkol sa nangyari kay tito.

"Baka nahirapan lang sila. Hindi paman magaling ang ilan sa mga pasa nya ay nadagdagan na naman kaya kailangan mo ng magpahinga dahil hindi yun magugustohan ni Greg pag nalaman nyang hindi ka kumain at kahit pahinga ay hindi mo inilaan sa sarili mo" Ani pa nito pero hindi ko nalang yun sinagot.

Wala ng nagsalita puro buntong hininga nalang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung bakit walang nagsasalita sa kanila o nagtatanong man lang, siguro ay alam nilang hindi ko lang yun masasagot ng maayos oras may itanong sila dahil kahit ako ay lutang rin.

Ilang saglit pa ay ako na mismo ang nagsalita dahil nakakabingi na ang sobrang katahimikan. "Ano yung sasabihin ni tito, mr. Aigus?" Tanong ko rito habang ganon parin ang sitwasyon namin. Malalim ang iniisip at sa sahig lang ang paningin ko, si mr. Aigus naman ay nasa harapan ko parin sya at naka pamiwang itong nakatayo. Naramdaman ko rin ang pag-upo ni ms. Jalline sa tabi ko pero hindi ko na sila binigyan pa ng pansin.

Narinig ko ang matunog nitong pagbuntong hininga. "Hintayin nalang nating magising si Greg para sya na ang maka pagsabi sayo." Tumango nalang ako  dito.

"Sana buhay pa sila." Mahinang saad ko saka napayuko sa mga palad ko habang ang mga siko ko ay naka tukod sa magkabilang tuhod ko. "B-buong buhay ko h-hindi ko sila nakita." Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak dahil bigat na nararamdaman ko.

Pinunasan ko yun saka tumingala kay mr. Aigus. "C-can I have a picture of them?" Deretsong tanong ko rito.

Tinignan nito si ms. Jalline na may pagtatanong kaya napalingon rin ako rito. "S-sige but not now, We need to assure that Greg is fine." Mahinahong ani ni ms. Jalline sabay hawak nito sa mga kamay ko kaya tumango nalang ako sa kanya.

Hindi na ito muling nagsalita nang magtanong si Jaeven. "Bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa ginagawa ng tito mo?" Napalingon ako rito. Nakasandal ito sa pader habang naka krus ang mga braso nito. "Yan ba yung formulang palagi nyong pinag-uusapan?" Malamig na tanong nito.

Iniwasan ko nalang tignan ang mga mata nito dahil sa kakaibang aurang meron sya ngayon. Parang bigla nalang lumamig ang pakikitungo nito sa akin.

Bigla nga ba?

Ganyan na ganyan yung pakikitungo nya sa akin nong bagong salta ko palang dito kaya bakit pa ako magtataka.

Siguro ay nasanay lang ako nong magtapat sya sakin o nong nasa red ball party... Kung paano nya ako pinakitunguan nong gabing yun....pero ito na naman. Bumalik sa dati. Tsk.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon