CHAPTER 18: WAR IN THE RED BALL PARTY

521 38 1
                                    

Reveca's POV

Sina Ayeesha na ang nag make-up sa amin ni Anna dahil wala naman akong alam sa mga make-up e, at ganon din si Anna dahil hindi naman daw sya ang nag mi make-up sa kanya pag may ganitong event.

At si Emma naman ang sa buhok namin pati si Ayeesha ay inayusan nya rin to ng buhok pero magkakaiba ng disinyo.

"Ayan tapos na." Nakangiting ani ni Ayeesha. Sa totoo lang ay ako lang ang hindi pa tapos sa kanila samantalang sila ay suot na nila ang mga dress nila.

~Knock Knock~

Napatingin kaming lahat sa pintuan nang may kumatok kaya agad akong nagtungo don para buksan.

"Pinapabigay ni dean." Ani ng isang bampira sabay abot nito sa akin ng itim na kahon kaya agad ko tong tinanggap.

"Sige, salamat." Agad itong umalis. Nilingon ko naman sina Emma at busy sila sa pagsulyap ng sarili nila sa salamin kaya bago ako nagtungo sa kanila ay binuksan ko muna yun.

"Baril?" Mahinang bulong ko. Kinuha ko agad yung papel na nakalagay don saka ito binasa.

'Gamitin mo yan, nilagyan ko ng liquid death ang mga bala kaya mag-ingat ka sa patatamaan mo nito.'~ TG

Si tito Greg. Dalawang baril ang ipinadala nito sa akin kaya ayus to.

"Sino yun?" Tanong ni Anna habang nilalapag ko sa kama yung kahon.

"Wala lang yun." Walang ganang sagot ko. Nakita ko namang naka titig sya sa kahong nilapag ko sa kama.

"Baril yan" Napatingin silang lahat sa akin. "Na may halong liquid death." Dugtong ko pa.

Tumango nalang sila. "Suotin mona ang damit mo dahil tayo lang yata ang late." Utos ni Emma. Alam kong gusto nilang itanong sa akin kung saan galing yun pero alam nilang hindi ko sasabihin yun sa kanila.

"Ito na, hindi naman tayo importante sa party eh." Asik ko dito.

Agad ko ng sinuot ang gown dahil excited na ang mga to na maka punta sa ball party at baka kung ano pa ang lumabas sa mga bunganga nila.

"Waaaaaaaa you're so beautiful." Tili ni Ayeesha matapos kong isuot yung red dress ko. Hindi ko alam pero ang layo layo ng kulay ng damit ko sa kanila.

Brown kina Emma, Ayeesha at gray naman kay Anna pero may pagka brown na iwan pero ako ay pulang pula.

Itinaas ko yung dress ko dahil palagi nalang nahuhulog at parang gustong lumuwa ng dibdib ko. "Sino ba kasing nag disinyo nito? Gusto yata maka silip ng dibdib ng babae oh." Reklamo ko sa kanila habang mas tinataasan pa yung damit ko dahil hindi talaga ako makampante.

Buti pa si Anna at Emma dahil takip na takip ang dibdib nila samanatalang ako halos makita na.

"Ayus lang yan ano kaba, halikana kana at baka masira pa yang buhok mo dahil sa pagmamaktol mo dyan."

Lumabas na kami ng kwarto at nagtungo na kung saan gaganapin ang event pero dito lang yun sa campus mangyayari.

"Kaya nyo bang maki pag suntokan kahit naka sandal kayo?" Tano ko sa kanila.

Dahil sa haba ng suot namin ay hindi makikita ang mga nakatagong dagger, shuriken at ang baril na pinadala ni tito Greg sa akin, dahil sa hita namin to nakasukbit kaya medyo bigat narin ako sa paglalakad dahil dito. Pero ako lang ang may dala sa kanila ng shuriken at baril dahil dagger lang daw ang ginagamit nila.

"Oo, hayaan mo pag dika makalaban ng maayos ay tanggalan mo ng sapatos sa kung sino man ang mapatumba mo." Natatawang asik ni Anna kaya tinarayan ko nalang to.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon