"Yun ang sinabi nya sa amin." Saad ng Emperor.
"At naniwala naman kayo?" Tanong ko sa kanila kaya walang nakasagot sakanila. "Kayo ba talaga ang pinuno ng mga bampira?"
"Ayan kana naman sa pangmamaliit mo sa amin." Napapakamot sa ulo na saad ng Emperor. "Eh sa yun ang sinabi nya e." Bwisit talaga to kahit kailan.
Pumikit nalang ako dahil sa hindi ko na talaga nagugustohan ang ipinapakita ng lalaking to. Kailan bato seseryoso?
"Kung ayaw nyong iharap sa akin ang gumawa nito kay tito makakaalis na kayo." Malumanay na utos ko sa kanila.
"Hayaan mo at babalik kami dito buk-"
"Wag na kayong bumalik." Pagpuputol ko sa sinasabi ng Emperor kaya sunod-sunod itong tumango.
"Tayo na at mukhang mainit parin ang dugo sa atin ng taong to." Lingon nito sa Empress sabay lakad papuntang pintuan. "Tatagan mo ang loob mo iha at wag kang gagawa ng hakbang na pwede mong ikapahamak dahil lahat ng mahal mo sa buhay ay madadamay't madadamay parin." Dadag pa nito saka lang lumabas.
Yun lang ang sinabi nyang may silbi dahil simula nong makita ko sya kanina ay puro biro lang o di kaya'y walang saysay.
Ilang minuto pa ang lumipas simula ng makalabas ang Emperor at Empress pero walang kumibo sa amin kahit sina mr. Aigus na nandito parin. Ngayon ko lang din napansin na sina Jerry at Ayeesha lang ang nandito maliban kay Reco na kasama kong pumasok dito.
"Nasaan sina Vincent?" Bigla ay tanong ko habang kay tito ang paningin ko.
"Pinagpahinga ko na muna sila simula ng mailabas sa operating room si Greg." Paliwanag ni mr. Aigus kaya tumango ako rito.
Lumingon ako sa kanila. "Magpahinga narin kayo, ako na ang magbabantay kay tito." Saad ko pero nakita ko ang hindi nila pagsang-ayon. "Ayos lang ako at kaya ko naman ho ang sarili ko."
"Sige, pero kung gusto mo ay maiwan nalang dito si Reco, kahit sya nalang ang kasama mo." Mr. Aigus.
Agad kong tinignan si Reco kung sang-ayon sya sa sinabi ni mr. Aigus pero ngumiti lang ito sa akin na para bang sinasabi nito na pumapayag syang mag paiwan. "S-sige" sagot ko saka yumuko.
Ilang saglit pa nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan pero hindi parin nagbabago ang posisyon ko. Naka yuko lang at malalim ang iniisip.
Paano ko ba sisimulan gumawa ng plano kung ayaw umandar ng utak ko? Gustuhin ko mang patayin ang gumawa nito kay tito ay hindi ko magawa dahil ang Emperor at Empress mismo ang humaharang sa aking gawin yun.
Hindi ako pwedeng umupo lang dahil bawat segundo ang lumilipas ay papalapit na ng papalapit si kamatayan sa amin kaya kailangan ko ng maunahan ang sino man ang nasa likod ng lahat ng to. Alam kong si tito ang gusto nilang patayin pero bakit sa mismong araw pa kung saan sasabihin nya na sa akin ang totoong nangyari sa mga magulang ko?
Dahil kung isa yun sa plano nila na patayin sya para hindi nya maipag patuloy ang na simulan ni tito Dreg, bakit sa Emperor Blood pa?
Bakit doon pa kung saan nandon ang malalakas na bampira?
"Reco pwedeng ikaw munang magbantay kay tito?" Bigla ay saad ko sa kanya habang nakasandal sya sa pader nitong kwarto. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Bakit saan ka pupunta?"
"Dyan lang sa baba, bibili lang ako ng maiinom ko."
Tumayo ito ng maayos saka nagsalita. "Ako nalang ang bibili para sayo."
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampirosAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...