Reveca's POV
["Panalo na naman si Jaeven"] seryusong saad ni Gelo mukhang tinupad nya ang sinabi nyang hindi nya papatikimin ng salitang panalo ang kalaban nya. Mula ng itaya nya lahat ng chip nya ay tuloy tuloy na ang pagka panalo nya.
Muling nag bigay ng baraha yung lalaki. Tinignan muna nong matanda yung baraha nya saka nya tinignan si Jaeven na para bang hindi ito natalo ng ilang bisis.
"Babawiin ko lahat ng natalo sa akin" ani ng matanda saka ngumisi si Jaeven.
"Ibig bang sabihin yan ay itataya mo lahat ng yan?" Turo ni Jaeven sa chip nya.
"Bakit iho, natatakot kaba?" Mayabang na tanong nong matanda saka ini usog lahat ng chip nya.
Sumandal si Jaeven sa pagkakaupo bago nagsalita. "Wala sa bokabularyo ko ang salitang takot manong." Ngumisi ito sa kanya kaya mababasa sa itsura ng matanda ang pagkaasar. "The truth is.... I don't need your money, you're the reason why I am here. Can we talk? Or let just have a deal?" Napaisip ang matanda sa sinabi ni Jaeven kaya tumango ito. "Pag natalo ka makikipag-usap ka sakin privately pero pag nanalo ka...sayo na itong chip na meron ako." Saad nito kaya mas natahimik ang lahat at hinihintay kung papayag ba yung matanda o hindi.
"Deal." Sagot ng matanda at tumango tango pa ito.
Ilang saglit pa ang hinihintay namin at nagtanguan silang dalawa sabay pakita ng mga baraha nila at napuno ng bulungan ang paligid nila dahil sa naging resulta. Tumayo silang dalawa at pinasunod ng matanda sina Jaeven.
["Anong resulta?"] Tanong ni Reco.
["Panalo si Jaeven."] Sagot naman ni Vincent habang pinapanood lang namin sila ni Princel na naglalakad kung saan. Hinanap ko muli sina Degon at nagtama naman ang paningin namin at dahan dahan kaming nagtanguan saka sumunod kina Jaeven.
Pumasok sila sa elevator kasama yung matanda at yung dalawang alagad nya kaya sumunod rin kami nina Degon pero sa kabilang elevator kami sumakay.
"Anong floor?" Tanong ni Emma habang sya ang malapit sa button at hindi alam kung anong floor ang pipindutin kaya hinintay ang sagot nina Jaeven.
["13"] sagot ni Gelo kaya agad nya yun pinindot.
Kunting katahimikan ang bumalot sa amin nang may marinig kaming kaluskos kina Anna.
["Putcha! Nandyan na sila."] Rinig naming saad ni Jerry kaya nagkatinginan kaming apat.
"Anong nangyayari dyan?" Tanong ko. Alam kong gusto ring magtanong nina Vincent pero hindi nila yun magawa dahil baka marinig sila nong mga kasam nila.
["Anna mauna kana muna!"] Utos ni Jerry kay Anna. Ano bang nangyayari sa kanila?
["Anong akala mo sa akin mahina? Mahabang tulog lang ang kailangan ng mga yan."] Pagmamayabang ni Anna. Narinig namin ang pag tikhim ni Jaeven na para bang pinipigilang magtanong.
["May nakasalubong sila sa hallway ng exit sa likod ng hotel. Mga nasa lima sila."] Paliwanag ni Ayeesha. Siguro ay nakita nya ito sa CCTV.
Nawala ang pag-aalalang naramdaman namin dahil alam naming kayang-kaya nilang taposin yun agad. Nang bumukas yung elevator ay nakita naming naglalakad na sila Vincent sa isang hallway dito at pumasok sa isang kwarto. "Dito nalang muna tayo." Saad ni Degon nang makarating kami sa tapat ng pintuan kung saan sila pumasok.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampirosAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...