"Akala ko ba off duty ka ngayon?" Tanong ko kaya bago sya sumagot ay ipinasok nya ang magkabilang kamay nito sa bulsa ng kanyang lab gown.
"Ah yun biro ko lang yun hehehhe" biro nito pero hindi naman ako natawa don eh.
"Do you know him Reveca?" Seryosong tanong ni tito kaya nabaling sa kanya ang paningin ko.
"I'm Dr.—"
"Hindi ko sya kilala pero ang alam ko ay arogante sya." Pinutol ko ang kung ano man ang sasabihin ng doctor na yun kaya napa kamot nalang to sa kanyang ulo.
"Ehem! So what's the matter doc?" Pagtatawag dito ni tito.
"Huh yeah before that sir I just want to clarify what's kiddy said... I'm not a arrogant hmm" tinaasan ako nito ng kilay habang nakangiti ng pilit. "And I'm Dr. Jean Mitche Catubay, may emergency ang dati mong doctor kaya ibinigay nya sa akin ang responsibidad ny—"
"Hindi ba mahirap yun?" Tanong ni Ayeesha kaya nilingon to ng doctor.
Siguro ay ibig sabihin nya sa tanong nya ay ang pag ako ng responsibilidad ng ibang doctor.
"Kung hindi mo pag-aaralan ang kaso ng pasyente." Sagot agad nito. "Sa case mo mr. Brenzy ay mukhang hindi malala ang mga sugat na natamo nyo just be careful next dahil may muntik ng madamage sa organs nyo at... bukas rin ay pwede na kayong lumabas basta wag nyo lang kakalimutang uminom ng gamot." Paalala nito.
Tumango tango rito si tito."Okay thank you." Ani ni tito.
"Welcome." Tumingin ito sa akin saka ngumiti. "Oyy kiddy see you next time" hindi ko na ito pinansin pa hanggang sa lumabas na sila.
"Tch. Ang dami pang sinasabi." Bulong ni Jaeven sa likuran ko.
"Sino yun? Paano nyo nakilala ang isang yun?" Sunod sunod na tanong ni Vincent.
"Nakipag-agawan lang naman sya kay Reveca sa V-cut nayan" turo ni Jaeven sa V-cut na kinakain ni Vincent.
Nilingon ko si Vincent saka dahan dahan nitong ini angat ang V-cut na hawak nya saka di maka paniwalang tumingin sa akin.
"Dahil lang dito nakilala nyo na ang mayabang na doctor na yun?" Muntik na akong matawa sa naging reaction ni Vincent. Hindi ko na sinagot si Vincent saka kami nagpatuloy sa usapan namin kanina.
"Hindi tayo pwedeng magsinungaling sa Emperor dahil baka mas lalo tayong sumabit." Pagbabalik ni ms. Jalline sa usapan kaya naging seryoso rin ang bawat isa sa amin.
"Ayos lang sakin kung ako lang ang madadamay basta hindi masangkot ang mga kasamahan ko." Napatingin kaming lahat kay Gelo. Makikita ko sa kanyang mukha na seryoso talaga sya sa sinabi nya.
"Pero Gelo ala—"
"Reveca ayos lang yun wala naman tayong magagawa kung Emperor na ang pinag-uusapan at isapa hindi tayo sigurado kung magtatanong talaga ang Emperor tungkol sa akin hindi ba?." Pagpuputol nito sa sinabi ko kaya napa buntong hininga nalang ako dahil alam kong labag sa kalooban nya ang bitawan ang trabaho nayun.
Pero sananga hindi na magtanong ang Emperor tungkol sa kanya.
Kahit ako ay walang maisip na plano para maiwasan ang posibleng mangyari oras na tanongin sya kung anong trabaho nya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umuwi na sila pero ako parin ang nagbantay kay tito.
KINABUKASAN ay inayos ko na ang mga gamit ni tito para sa paglabas namin dito sa ospital. Ang totoo ay gusto ko pang dito muna sya dahil sa nakikita ko ay hindi pa sya masyadong magaling pero ayaw talaga dahil gusto nya ng umuwi.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampirosAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...