Reveca's POV
"Anonga palang ibig sabihin nito?" Sabay lapag ng invitation nayun sa misa.
Nakita ko ang pagka gulat sa kanilang mga mata kaya nag taka ako sa naging reaction nilang yun.
"QUEEN" sabay sabay nilang sabi kaya mas nagtaka pa ako.
Queen? Anong ibig nilang sabihin don.
Tinignan ko naman ang invitation nayun. Kulay black to at may kurona ito sa gitna na kulay pula.
"Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ko.
"Bakit ang bilis naman yata non!" Parang nag rereklamong ani ni Jaeven.
"She deserve it too lil'bro." Gustong matawa ni Jerry saka tinapik nito ang balikat nya.
"Yeah kuya Jerry is right kahit hindi ko sya nagustohan nong una pero deserve nya yun." Dag dag din ni Ayeesha na kay Jaeven din nakatingin pero ako hindi ko alam ang mga pinag sasabi nila kaya si mr. Aigus ang tinignan ko pero....
Baliw ata to eh.
Nakangiti ito sa akin na parang may nagawa ako at proud na proud sya.
"May lahi bang tupak ang pamilya nyo?" Tanong ko dahil bagot na ako sa kahihintay ng sagot sa kanila.
"Wala, masaya lang kami para sayo maliban sa isang yan." Sagot ni Ayeesha.
"Congratulation Reveca." Napalingon na naman ako kay mr. Aigus na abot tinga ang ngiti.
"You're the officially queen of this academy." Dugtong pa nito kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Queen?
Ako?
Ang bilis naman yata non. Gusto kong magsaya pero baka barahan lang ako ng king inang to.
"Queen ako? Ibig sabihin kapantay kona ang king inang to?" Sabay turo kay Jaeven kaya mabilis gumuhit sa mukha nito ang galit.
"Oo, ganyan din ang natanggap ni Jaeven nang maging king sya pero kulay pula ito at ang kurona ang kulay black kabaliktaran ng sayo." Ani ni mr. Aigus.
Akala ko ay maaagaw ko ang trono ni Jaeven sa pamamagitan ng pakikipag laban sa kanya ngunit nagkamali ako. Bigla ko namang naalala ang sinabi sa akin ni Anna kanina na may mga bampirang nag mamasid sa paligid para itanghal ka sa mataas na position gaya ng nangyari kay Jaeven at sa akin.
"Wag mong asahan na ituturing ka nilang queen sa academy nato." Saad ni Jaeven.
"Wag kang mag-alala dahil wala akong pake kung ituturing nila akong queen." Naka ngising sagot ko rito.
Ang position nayun ang pwedeng maka tulong sa akin sa pag hahanap sa bampirang pumatay kay tito Dreg.
Hindi ako titigil sa paghahanap ng bampirang yun. Bampirang pumatay sa taong nagpalaki sa akin. Naikuyom ko nalang ang kamao ko dahil sa galit.
"Aallis na ako, kita nalang tayo bukas." Paalam ko sa kanila.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay dumiretso na ako sa kama para ipahinga muna ang aking katawan.
"How's your feelings right now?" Nagulat nalang ako sa nagsalita kaya agad kong kinuha ang shuriken at inihagis ito sa kanya ngunit naiwasan nya ito.
"Hindi kaba marunong kumatok bago pumasok o nagparamdam man lang."
"Sayo ko natutunan ang hindi kumatok sa pintuan." Malamig na ani nito habang nakasandal sa pader.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampirgeschichtenAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...