Jerry's POV
"Wala parin bang balita kay Reveca?" Mom asked.
"Hindi parin namin sya mahanap." Sagot naman ni Emma.
Nandito kami ngayon sa bahay at kararating lang namin ngayon galing sa kung saan para hanapin si Reveca pero bigo na naman kaming mahanap sya.
It's been half months since she disappeared and until now we still can't find her. Walang may nakakaalam kung nasaan sya ngayon.
"Nauubusan na kami ng maiidadahilan kay Greg tungkol kay Reveca, kaya kinailangan naming iwan muna sya sa mga bantay dahil baka makahalata sya sa bawat kilos namin." Problemadong saad ni dad.
Nagising si tito Greg sa ikasampung araw matapos mawala si Reveca kaya kung ano-anona ang idinadahilan namin sa kanya. He's still in the middle of recovery so we don't want to tell him that Reveca is missing.
"Huli lang natin syang nakita nong sinabi nyang magpapahinga sya." Ani Degon.
Tama sya, doon lang namin sya huling nakita at nong umaga na ay nalaman naming wala pala sya sa kanyang kwarto. Akala namin nong una ay baka talaga hindi sya nagtungo doon pero si Jaeven mismo ang nagsabi na inihatid nya ito at siniguradong nakapasok na bago nya ito iwan.
"Kailangan na nating lumapit sa Emperor at Empress." Suhestiyon ni Anna. "Hindi na natin alam kung anong nangyari kay Reveca, ilang araw na syang nawawala pero kahit bakas wala tayong mahanap."
"May dumating may nawala." Napatingin kami kay Ayee.
Hindi mahirap malaman ang ipinupunto nya kaya paniguradong si Monique ang ibig nyang sabihin sa 'may dumating.'
"Umalis si Reveca."
"What do you mean Jaeven?" I asked.
"May kunting liquid death ang naiwan sa table nya nong puntahan ko sya sa kwarto nya kaya nakakasiguro akong nagplano na naman sya mag-isa b-but why until now she is still missing?" Nasapo ni Jaeven ang kanyang mukha dahil sa hindi nya matanggap ang sitwasyon.
"Hindi kaya may koniksyon ito sa pinag-usapan nila ni mr. Krinton?" Napatingin ang lahat kay Reco nang sya naman ngayon ang magsalita.
What does he mean?
"Si tito?" Pagsisiguro ko dito kaya agad itong tumango.
"Nang maiwan ako doon para samahan si Reveca sa pagbabantay sa tito nya ay dumating ang tito nyo...at that time Reveca was not there because she had bought something." Paliwanag nya. "Nakapag-usap lang sila nang dumating ito. Hindi ko alam kung ano ang ilan sa mahahalagang bagay na pinag-usapan nila dahil pinalabas ako ni Reveca sa kwarto pero bago yun ay sinabi nya na may ipapakiusap raw ito sa tito nyo." Hindi kaya... "Sa tingin ko ay tungkol yun sa lalaking bumaril sa tito nya ang ipinakiusap nito sa kanya." I agree.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Di makapaniwalang tanong ni mommy sabay kuha ng cellphone nya sa table.
"Kuya?" Mommy said while her phone is in front of her ear.
"Loudspeaker please." Bulong ni dad dito kaya lahat kami ay nakinig sa kung ano mang pag-uusapan nila.
["Napatawag ka Jalline?"] Mahinhin na tanong ni tito rito.
"Kuya where's Reveca?"
["Bakit sa akin mo sya hinahanap?"]
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampireAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...