Reveca's POV
Pinag masdan ko muna ang mga gown dahil kung yan ang susuotin namin ay mahihirapan kaming maki paglaban.
Tinignan ko ang wrist watch ko at 11 palang ng tanghali kaya aabot pa kami kung magaling na designer ang kukunin namin.
"Kailangan nating baguhin ang mga yan." Suhestiyon ko sa kanila kaya biglang tumayo si Anna sa pagkakaupo nya sa kama.
"Bakit?" Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila.
"Mamaya na nating pag-usapan yan basta ang kailangan nating gawin sa mga yan ay yung kaya nating makipaglaban na walang sagabal sa suot natin."
"Ibig mo bang sabihin gugupitin natin ang mga to?" Di makapaniwalang tanong ni Ayeesha.
"Pwede pero kailangan natin ng magaling na designer para sya na ang bahalang mag disinyo ulit nyan." Ani ko.
"P-pero maganda na ang mga to sayang naman kung gugupitin." King ina bakit ba mas inaalala nya ang damit nayan.
"Hindi na kailangang baguhin yan ang kailangang gawin ay gugupitin tapos idudugtong ulit, yung madali nating matanggal kapag may nangyaring hindi maganda sa ball party."
"Okay naiintindihan namin ang gusto mong mangyari pero may masama bang mangyayari sa ball party?" Takhang tanong ni Emma.
Tumango ako rito. "Tawagin nyo sina Degon at pumunta kayo sa office ni mr. Aigus, doon ko nalang kayo hihintayin." Agad na akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa office ni mr. Aigus.
"What are you doing here?" Pormal na tanong nito habang nakatingin lang sa kanyang sinusulat at dumiretso naman ako sa upuan na katapat lang ng table nya.
"Kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa red ball party." Doon na sya napaangat ng tingin.
"Ano ang tungkol don?" Sasagot na sana ako nang bumukas ang pintuan. "Anong ginagawa nyo dito?" Tanong nya nang pumasok na sina Degon, Reco, Jerry, Emma, Anna at Ayeesha.
Tumingin sa akin si mr. Aigus at tinanguan ko nalang to at naintindihan naman nya ang pinapahiwatig ko.
Tumayo si mr. Aigus kaya tumayo narin ako. "Sumunod kayo." Ani nito at pumunta sa isa pang pintuan na nandito. Dito nya dati kinuha ang gamot na hiningi ko sa kanya dati.
Nang makapasok na kami ay bumungad sa amin ang may kalakihang kwarto at may mahabang table na nasa gitna.
Umupo muna kami bago nagsalita si mr. Aigus. "Anong meron Reveca?"
"Hindi natin kakayanin to mag-isa kaya kailangan din natin sila." Paliwanag ko. "Nalaman kong may aatake raw sa oras na magsimula na ang party kaya kailangan nating maghanda." Hindi ko man sabihin kung saan ko nasagap ang balita ay alam kong alam ni mr. Aigus na kay tito nanggaling yun.
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ni Jerry.
Si mr. Aigus ang nakaupo sa gitna at kami naman ni Jerry sa magkabilang gilid nya, at katabi ko sa kanan ay sina Anna, Emma at Ayeesha. Nasa kaliwang bahagi naman ni Jerry sina Reco at Degon.
"Siguro ay massacre ang gagawin nila. Kasi bakit sila aatake kung saan may pagtitipon ang nagaganap."
"Sinong nasa likod?" Kalmadong tanong ni mr. Aigus pero umiling nalang ako dahil alam kong makukuha nya agad ang ibig kong sabihin. "Kung ganon ay patibong ang kailangan nating gawin. Sila ang ihuhulog natin sa patibong at baka doon natin malaman kung sino ang nasa likod nito." Saad nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/249767961-288-k812238.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampirosAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...