Reveca's POV
"Mommy pagod na ako." Hingal na ani ni Ayeesha kay ms. Sindy.
Nandito kami ngayon sa isang lugar kung saan mas magandang magsanay si Ayeesha dahil sa lawak nito.
"Shay you can do this." Sagot naman ni ms. Sindy nang binabato nito ang mga dagger sa anak.
Sya ang napili kong magsanay kay Ayeesha.
~FLASHBACK~
Kinabukasan ay lumabas ako ng campus para sana mag jogging pero may nakita akong babae na para bang may hinihintay na lumabas mula sa loob ng school kaya nilapitan ko ito.
"Excuse me? Anong kailangan nyo?" Diritsong tano ko rito.
"Ah may hinihintay lang ako." Nakangiting sagot nito habang sumisilip sa malaking gate nitong school.
"Pwede po bang malaman kung sino?" Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi sya bampira at pwedeng maging dilikado ang buhay nya dito.
"Si Ayeesha, kilala mo ba sya?" Hindi ko nasagot agad ang tanong nya dahil mukhang kilala ko na kung sino ito.
Sindy.
"Kayo si ms. Sindy tama ba?" Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. "Kaibigan ako ni Ayeesha at malapit rin sa akin si mr. Aigus kaya na ikwento ka nila sa akin"
"I see, where is she?"
"Hindi ko alam nasa bahay nila siguro."
"Kumusta na pala sya? Hindi kasi ako nakadalaw nong nakaraang linggo." Tinignan ko muna sya mula ulo hanggang paa dahil may gusto akong siguradohin sa kanya.
"Marunong ka bang makipaglaban sa mga bampira?"
"Yes, w-wait you're not a vampire am I right?" Tumango ako dito. "Paano nangyari na may nakapasok dito na tao?"
"Mahabang kwento. Ang sabi mo ay kaya mong lumaban ng mga bampira, tama ba?" Pagsisiguro ko dito at tumango naman to. "Alamo bang magsasanay si Ayeesha?"
"What do you mean?"
Anak nya pero hindi nya alam na mahina sya, tapos ito namang anak nya ay akala nya ay mahina rin ang kanyang ina.
"Mahina sya kumpara sa mga ibang mga bampira kaya gusto nyang magsanay."
"Hindi ba sya sinasanay ni Aigus?"
"Ayaw magpaturo ni Ayeesha sa mga lalaki kaya gusto ko ay ikaw nalang ang mag sanay dito." Paliwanag ko.
"Alam ba nya?" Tanong nito.
"Ngayon palang kita nakita kaya hindi nya alam at akala nya ay hindi ka marunong lumaban sa mga bampira."
Tumango nalang to. "Kailan?"
"Mamayang ala sais ng gabi, wag mo sana sabihin sa kanya mamaya kung magkikita man kayo."
"Sige, salamat" nakingiting ani nito kaya sininyasan ko itong aalis na ako. "Ano nga palang pangalan mo?" Pahabol na tanong nito nang makatalikod na ako sa kanya.
"Reveca Arabella." Sagot ko kaya nakita ko ang pagkatahimik nya pero hindi ko na to pinansin pa at umalis na.
Nang sumapit ang gabi ay isinaman ko sina Emma at Anna para matulongan nila kami sa pagsasanay ni Ayeesha dahil batid kong malalakas sila at mabibilis kumpara kay Ayeesha.
"Tara na magsimula na tayo." Bagot na saad ni Ayeesha. Nakaupo kami ngayon sa isang kahoy na nakahiga dito sa lupa, tanging liwanag ng bwan ang aming silbing ilaw dito.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampireAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...