CHAPTER 42: THE FINAL (PART TWO)

1K 57 57
                                    

Reveca's POV

"W-wala bang nasabi si Ketchie kung ano ba ang nangyari sa kanila? B-bakit sila nasa ospital?"

"Reveca calm down okay? Hindi yan makakatulong sayo."

"Pano kung dahil sa akin ay—"

"Si tito lang ang may kasalanan nito, okay?" Ibinaling ko nalang sa labas ng bintana ang atensyon ko dahil hindi naman maiintindihan ni Jaeven ang sitwasyon ko ngayon.

Sa kanya na ako sumabay papunta sa sinabi sa amin ni Ketchie na ospital. Simula ng malaman ko na nawawala sina Ayeesha ay hindi na nawala ang kabang nararamdaman ko. Pero hindi lang naman sila ang gumugulo sa isip ko ngayon e....

Yung magulang ko. Kilala ko na kung sino ang mama ko ngayon pero gusto kong sakanya mismo manggaling na anak nya ako.

Hindi ko talaga akalain na sya yun pero bakit hindi sya nagpakilala sa akin? Alam nyang hinahanap ko sila pero b-bakit ganon?

"Hey Reveca, are you okay?" Nagulat nalang ako nang hawakan ni Jaeven ang kamay ko. Nilingon ko sya at palipat lipat lang sya ng tingin sa akin at sa daan.

"Ayos lang ako."

"Then why are you crying? Are you really okay? Tell me what's on your mind." Agad kong hinawakan ang pisngi ko at tama nga sya. Masyado na akong nagiging emosyonal ngayon.

Kababalik ko lang pero bumungad sa akin ang pagkawala nina Ayeesha. Hangga't buhay si Krinton ay mananatiling empyerno ang buhay ko.

"May naalala lang ako." Ngumiti ako sa kanya pero hindi parin nagbabago ang expression ng mukha nya. "Mag focus ka nalang sa pag mamaniho mo." Hindi nalang to sumagot pero ginawa nya naman ang sinabi ko.

Alam kong hindi sya kumbinsido doon pero wala akong balak na sabihin sa kanya ngayon.

Ilang minuto pa ay narating na namin ang ospital kaya agad na akong bumaba ng sasakyan saka mabilis na tinahak ang entrance ng ospital.

"Asan sila?" Balak sana namin ni Jaeven na magtanong sa nurses nila dito pero nakita nalang namin si tito.

"Nandon sila sa taas." Agad kaming sumunod sa kanya pasakay sa elevator pero ramdam ko ang kakaibang awra nya.

Hanggang sa makalabas kami ay hindi na nagsalita si tito. Pumasok nalang to sa isang ward na nandito sa ikatlong palapag.

Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Sana mali ang kutob ko.

THIRD PERSON'S POV

"AIGUS ANG ANAK KO?!" Dahil sa sigaw at hagulgul ni ms. Sindy ay napatigil sa paglalakad sina Jaeven at Reveca kaya ngayon ay kasalukuyan silang nakatayo sa may pintuan. "B-bakit wala sya d-dito?" Nagkatinginan ang dalawa dahil sa naging tanong ni Sindy.

Tuluyan ng pumasok sina Jaeven sa loob kung saan doon ay naghihintay ang mga kaibigan nila.

Ang kwartong ito ay naglalaman ng walong kama, apat sa kanan at ganon din sa kaliwa.

Nang nasa loob na sila ay hindi napigilan ni Reveca na isa-isahing tignan ang mga kasama nya. Si Emma, na nakaupo sa kama habang malalim ang iniisip at hindi mabibilang ang sugat na natamo sa kanyang katawan, galos sa mukha at may binda pa ito sa kanyang ulo.

Vincent, na halos mabali ang ilan sa kanyang mga buto kaya hindi nawala ang arm sling at binda sa kanyang katawan. Simula ng dalhin sila sa ospital na ito ay hindi pa sya nagigising.

Halatang si Emma at Vincent lang ang may malalang sugat hindi tulad ni Monique na kakarampot lang.

Matapos isa-isahin ang mga kaibigan nya ay may napansin na sya agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon