CHAPTER 30

460 39 7
                                    

WARNING: You might notice lots of wrong grammars and typographical errors and I'm sorry about that.

~~~~~~~~~~

"R-Reco?!!"

"You fucking bastard!" Agad akong napatingin kay Jaeven dahil sa ginawa nya kay Reco. Tutulongan ko na sana sya para tumayo nang mabilis na lumapit dito si Jaeven at muling inambaan ng suntok kaya bigla ko nalang naikuyom ang mga palad ko.

"Ano ba Jaeven!! Hindi kaba titigil?" Galit na tanong ko rito saka mabilis na hinila para maawat sila ni Reco.

"Ano bang problema mo?" Madidiing tanong ang iginawad dito ni Reco nang makatayo ito.

Sa nakikita ko sa mukha nilang dalawa ay galit pero wala akong magagawa don dahil kahit ako ay galit rin dahil sa ginawa nilang dalawa.

"Tch! She's mine so don't you try to touch her again" Tiim bagang ani ni Jaeven rito kaya matunog na ngumisi si Reco.

"Hindi sya bagay para maging pag mamay-ari mo lang basta basta." Mayabang na sagot rito ni Reco. Magsasalita na sana ako nang muli nyang dugtongan yun. "And you don't deserve her... You wanna know why?" Pareho kaming nakatingin ni Jaeven kay Reco dahil alam naming may idudugtong pa ito.

"You hurt her before you loved her." Napalunok nalang ako sa sinabi ni Reco.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa sinabi nya pero alam ko sa sarili ko na tama sya. Pero bakit ang hirap tanggapin ang katutuhanang iyon, na sinaktan naman talaga ako ni Jaeven bago paman sya umamin sa akin.

"Kung alam ko lang na ganon ang ugali ni Reveca hindi na sana kita tinulongan sa Sunny University noon. Even if you betrayed her she's still saved you and that's why I liked her and you don't deserve HER." Pagdidiin ni Reco sa huling sinabi nya. Anobang nangyayari sa kanilang dalawa?

"Don't try to compete with me dahil hindi mo magugustohan ang gagawin ko sayo." Pagbabanta ni Jaeven.

Bago paman lumala ang alitan sa pagitan nila ay sumingit na ako. "Tumigil na kayo, hindi na kayo bata para mag-away pa ng ganyan."

Pero wala talagang nakikinig sa akin. Parang bingi ang mga to. Tsk. "Paano kung yan din ang sabihin ko sayo?" Panghahamon ni Reco kaya sa hindi inaasahan ay mabilis na nawala sa tabi ko si Jaeven at muling inambaan ng suntok si Reco pero hindi nya na ito inayahan pa at mabilis na iniwasan ang mga kamao ni Jaeven.

Mabilis silang nawawala sa paningin ko pero nakikita ko lang sila ng mabuti pag natamaan na ang isa sa kanila at natutumba sa may mga damo. Nang makabawi si Jaeven sa pagkaka suntok sa kanya ni Reco ay agad syang tumayo at mabilis na sinakal sa leeg si Reco at isinandal ito sa puno.

Wala akong dalang dagger na hindi nababahiran ng liquid death kahit pa yung may bahid na, ay wala rin akong dala non dahil kung meron man ay naihagis ko na sa kanila yun para matigil na sila.

Medyo malayo sila sa akin kaya kinailangan ko pang tumakbo papalapit sa kanila. Habang papalapit na ako ay unti-unti ko naring naririnig ang mga sinasabi ni Jaeven.

"Wag mong subukang ubusin ang pasensya ko Reco dahil kayang kaya kitang patayin ngayon din." Saad ni Jaeven.

"Jaeven!!" Tawag ko rito habang patuloy parin sa pagtakbo papunta sa kanila.

Bakit ba sobrang layo na nila sa akin?

Hindi ko narinig ang isinagot ni Reco dahil sa pagkakasakal dito ni Jaeven at kaya siguro sya nahihirapang magsalita ay dahil don. Kung makapagsalita man ito ay mahina lang. Mas binilisan ko ang pagtakbo nang itaas ni Jaeven ang kamay nito na may matutulis na kuko.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon