Reveca's POV
"Gusto kong maayos ang pamilya namin pero hindi sang ayon si Jalline, siguro ay nahihirapan syang makipag-ayos o baka ayaw nya lang nakikita sa bahay si Ayeesha." Bumuntong hininga pa ito. "Wala akong magagawa dahil ayaw kong paalisin sa bahay si Ayeesha dahil wala syang lugar sa labas lalo't namana nya sa akin ang pagiging bampira."
Ilang saglit pa bago ito nagsalita. "Ang tanging magagawa ko lang ng mabuti para kay Jalline ay tulongan si Greg tungkol sa paghahanap namin ng formula na ginawa ni Dreg." Napalingon ako dito.
"Bakit?"
Lumingon ito sa akin. "Dahil pangarap nyang maging ganap na tao. Nong highschool palang kami ay palaging may nambu-bully sa amin dahil sa kutis namin. Alamo naman pag may araw at para kaming may sakit dahil sa sobrang puti namin, wala pang gamot na nagawa non para sa amin kaya kung ano-anong natatanggap naming masasakit na salita." Ani nito.
Siguro ay naninibago non ang mga tao dahil sa kulay ng balat nila.
"Eh yung nanay ni Ayeesha nag-uusap paba kayo?" Tanong ko at tumango naman ito.
"We're friends right now and I know my sons still angry to her. Hindi ko naman sila masisi kung yun ang nararamdaman nila."
"Pero alam mo ang nararamdaman ni Ayeesha ngayon hindi ba?"
"Mahal nya ang mga kuya nya pero alam kong nasasaktan sya sa twing may naririnig syang hindi magandang salita na ibinabato nila sa kanyang ina." Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga sinasabi.
"Ano ba ang pangalan ng mommy ni Ayeesha?" Tanong ko.
"Sindy" Sagot nito kaya napatango nalang ako.
Sindy.
"Alam mo bang mahina ang tingin nya sa sarili nya?"
"Oo at sinubukan kong sanayin sya pero ayaw nya, tinanong ko sya kung bakit ayaw nya pero hindi nya sinabi at kalaunan ay nalaman ko na ayaw nya palang magpaturo sa lalaki." Sagot nito habang pinanonood nito ang mga naglalaro ng baseball bat sa field at ginagamit nila ang kanilang mga bilis. "Pwede bang turuan mo sa akin si Ayeesha? Alam kong babae lang ang gusto nyang magturo sa kanya.... At isa yung utos ng isang dean." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Dahil sa nangyari kanina ay hindi ako sigurado kung itutuloy ko payun. Pero muntik na akong matawa sa sinabi nyang 'utos yun ng isang dean'
"Utos talaga?" Sarkastikong tanong ko dito. "Susubokan ko." Hindi ko kayang tanggihan ang offer nya.
Pagkatapos naming mag-usap ni mr. Aigus ay agad akong pumasok sa kwarto ko para mamahinga pero agad din akong nabagot at naisipan ko nalang lumabas ng Academy dahil hindi naman yun ipinagbabawal dito.
Pero saan naman ako pupunta?
Kahit hindi ako sigurado kung saan ako pupunta ay lumabas parin pero kinailangan ko munang dumaan kay mr. Aigus para mag hiram ng motor dahil walang sasakyan na dumadaan dito at kung meron man ay kakaunti lang yun. Nang makahiram ako dito ay agad akong umalis ng Academy pero dahil hindi ko sigurado kung saan ako pupunta ay may nadaanan akong coffee shop at doon nalang tumambay muna pero sa di inaasahang pagkakataon ay nakita ko don si tito Greg.
"Tito?" Pag-aagaw pansin ko dito, nang makita nya ako ay agad syang tumayo at binigyan nya ako ng yakap.
"What are you doing here?" Tanong nito at sininyasan nya akong maupo sa tapat ng kinauupuan nya saka ito umorder ng pagkain.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampireAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...