CHAPTER 8: SUNNY UNIVERSITY

512 31 1
                                    

Reveca's POV

Gabi na at ngayon ang alis namin papuntang Sunny University. Hindi ko alam sa lalaking yun bakit parang nagmamadali. Tsk.

Nang matapos ko ng ihanda ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at nag tungo sa gate nitong school dahil doon ako hihintayin ng mga kasama ko.

Pagkarating ko don ay bumungad sa akin ang sama ng tingin ni Jaeven. "Bakit ba ang tagal mo." Hindi ko nato sinagot pa at binalingan nalang ng tingin si mr. Aigus.

"Kayo na ang bahalang mag plano para sa gagawin nyong mission." Tumango nalang ako. "Ikaw na ang bahala sa mga anak ko dahil matigas ang ulo ng isa dyan." Bulong nito sa akin kaya napailing nalang ako.

Nang makasakay na ako sa kotse ay nakita kong si Jaeven pala ang mag mamaneho at sa tabi ko ay si Ayeesha. Nang makarating na kami sa hotel ay agad kaming nag check-in.

"Sorry ma'am but one room is only available." Sagot nong babae kaya nagkatinginan kaming tatlo.

Wala kaming nagawa kundi ang magsama sama sa iisang kwarto dahil malaki naman daw yun.

"Kailan tayo magsisimula?" Tanong ni Ayeesha habang iginagala nito ang paningin sa kwarto. May dalawang kwarto pa dito at sa tingin ko ay magsasama kami ni Ayeesha sa isang kwarto at sa isa naman ay si Jaeven.

"Bukas na bukas ay magsisimula na tayo pero sa ngayon gagawa tayo ng plano." Sagot ko.

"Paano?" Sabay upo ni Ayeesha sa tapat ko at sa isa pang sofa ay si Jaeven.

"Hindi kayo pwedeng makita ng iba pang bampira na nandon dahil makakahalata sila." Panimula ko. "Normal lang sa kanila ang makaamoy ng bampira dahil marami sila ang nandon pero ang makita kayo.... Hindi normal dahil wala kayong gamot para sa pag-iiba ng kotis nyo."

Kapag nasisikatan sila ng araw ay para silang may sakit dahil sa sobrang kaputian nila. Kung ang mga tao ang makakakita non ay sasabihin nilang may abnormalities sila well maliban sa akin pero ang mga taga SU ay umiinom ng gamot para maging normal ang mga kulay nito pag umaga. Marami ang mga scientist nila sa SU mga pinaghalong bampira at tao, dahil doon nakapagtapos sina tito Greg at Dreg.

"Ako na ang bahala sa gamot na sinasabi mo" ngising saad ni Jaeven kaya nagtaka ako sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako sumusugod sa laban na walang dalang bala. Sempre pinag-aralan ko lahat ng pasiko-sikot sa SU at ang mga nasa position na namamalakad sa school nayan." Ngayon alam kona kung bakit wala sya sa room nang matapos kaming kausapin ni mr. Aigus.

~KINABUKASAN~

At dahil hindi pa kami nakakakuha ng gamot para sa kanilang dalawa ay nag jacket sila na may hood para hindi sila makita nang sino mang tao o ang iba pang bampira na makakasalubong namin. Pero ako ay naka t-shirt lang at jacket pero nag suot rin ako ng cap.

"Yun parin ba ang plano?" Paniniguro ko dito. Pero tumango lang sya.

"Hintayin nyo ko dito." Paalam nito saka bumaba sa sasakyan.

Ilang minuto lang ang paghihintay namin sa kanya nang dumating sya.

Ang bilis nya ah.

"Drink it." Abot nito sa gamot at tubig sa kapatid.

"Magsisimula naba tayo?" Napangisi nalang ako sa tanong ni Ayeesha dahil parang na e-exite ako.

Agad naming kinuha ang mga iba naming gamit para mag panggap na students. Saka kami nag tanguan bago naghiwa-hiwalay.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon