CHAPTER 28

451 44 2
                                    

"P-pwede ba Jaeven? Lumayo layo ka naman" Saad ko rito habang tinutulak ko sya pero hindi talaga nagpatinag ang lalaking to.

"Ayuko." Tipid na sagot nito habang mariin syang nakatitig sa akin kaya napapaiwas nalang ako dahil hindi ko sya kayang titigan.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita uli. "Aalis ka o sisipain ko yang ano mo?" Saad ko saka tumingin sa baba nya para makuha nya ang ipinupunto ko pero mas lalo syang ngumisi.

Tumingin sya sa ano nya bago muling tumingin sa akin. "Baka ma baog ako nyan" wtf!

"Eh paki ko!"

"Ayaw mo ban-"

"Oppppsss! Jaeven tamana, pwede ba?!" Asik ko saka napapikit dahil hindi ko na talaga nagugustohan ang pinagsasabi nya. Alam ko na ang posible nyang sabihin oras na ipagpatuloy nya pa yun. "Ang lalaswa nayang pinagsasabi mo." Dagdag kopa rito.

Agad na napalitan ng pagkakakunot ng kanyang noo ang kaninang naka ngisi nyang mukha. "Anong malaswa don? Eh itatanong ko lang naman kung ayaw mo bang makita ang magiging anak ko?" Tanong nito kaya muling gumuhit sa kanyang labi ang nakakalukong ngisi. "Unless.... Ikaw ang iniisip mong magiging nanay ng future child ko."

Y-yun naman talaga ang akala kong sasabihin nya e. Na tatanongin ako kung ayaw ko bang makita ang futu-basta yun na yun kinginang utak to.

Tumingin ako rito at ganon parin talaga ang posisyon namin. Masyado ng malapit ang mukha nya sakin kaya mas domoble ang kabang nararamdaman ko. Nakatitig lang ito sa mga mata ko hanggang sa bumaba ito sa mga labi ko kaya nakita ko ang paglunok nito.

Wag mo lang talagang gawin yang mga pinaplano mo Jaeven dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na sipain ka.

"Your promise?" Biglang bumalik sa realidad ang diwa ko nang muling magsalita ito. Ngayon ko lang din napansin na nakatingin na pala sya sa akin ng deretso.

Anong pinagsasabi nito?

"Hoy wala ako ipinang-" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang maalala ko yung sinabi nya sa parking lot. Ipinukol ko muli sa kanya ang paningin ko. "Hindi ako nangako Jaeven. Sa sarili mo lang yun ipinangako kaya wag kang hibang!" Pwersahan ko syang itinulak at hindi naman ako nahirapan.

Ang kaninang naka ngisi nyang mukha ay bigla nalang itong sumiryuso.

"Pero napatawad muna naman ako diba?" Tanong nito habang hindi inaalis sa akin ang kanyang paningin kaya ako na ang unang umiwas at muling humarap sa papalubog na araw.

"Hindi ko alam" mahinang sagot ko rito. "Siguro." Naramdaman ko ang paglapit nito at muling tumayo sa gilid ko.

"Kung hindi ka pa sigurado ay kailangan ko pa yatang mag apologize sayo araw-araw." Nagpakawala ito ng mabigat na buntong hininga bago nagpatuloy. "I understand but I will not give up on you." Naramdaman ko ang paglingon nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang dami mong drama." Pambabara ko rito kaya pagtataka ang nabasa ko sa kanyang mukha.

"Eh ano naman sayo?"

"Tsk." Katahimikan ang bumalot sa amin pero nawala lang yun nang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa ng pantalon ko.

["Pumunta kana dito dahil may kailangan tayong pag-usapan."] Bungad ni mr. Aigus nang masagot ko ang tawag nya.

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon