Reveca's POV
Habang papalapit na sa gate yung babae ay biglang lumabas ang dalawang bampira na hindi ko kilala at sumunod dito si Reco kaya agad rin akong nag tungo sa kinaruruonan nila.
Nasa magkabilang gilid ang dalawang bampira at sa harap naman ni Reco ang girlfriend nya.
"Reco itakas muna ang girlfriend mo!" Sigaw ko rito habang tumatakbo sa gawi nila pero bigla akong napatigil nang unti unti akong makalapit sa kanila.
B-Bakit?
Napalingon ako kay Reco na naka talikod sa akin at dahan dahan itong humarap sa akin na nakalabas ang mga pangil nito. Binalingan ko rin ng tingin yung babaeng hinihintay namin at ganon rin sya.
"Akala ko ba tao ang girlfriend mo?" Maang maangan ko rito dahil ang totoo ay alam ko na ang ibig sabihin nito.
Isa itong patibong.
Iginala ko ang paningin ko dahil kung kailan kailangan ko si Jaeven ay saka pa sya nawala.
"Rev" napalingon ako sa kararating lang na bampira. Sya ang sinasabi ni Jaeven na Jake.
"Jake" ngising saad ko sa pangalan nya.
Kilala ako ang bampirang to. Isa syang tuso kung makipaglaban. Dati nang bumisita ako rito para sa isang training ko ay nakalaban ko ang lalaking to at dahil sa kayabangan ay natalo ko ito at napahiya sa ibang bampirang naka panood ng laban namin. At kung pumapatay sya ng tao ganon din sa bampira. Marami na akong nakita na napatay nyang bampira dahil tuso sya at maka sarili.
"Ang tagal din nating hindi nagkita." Mayabang na ani nito pero si Reco ang tinignan ko.
"Ang galing mong umakting sa harap ko. Nakuha mo ang loob ko sa isang patak lang ng luha mo." Naikuyom ko nalang ang mga palad ko dahil sa katangahang naging disisyon ko.
"Hindi lang ako ang magaling umakto sa harap mo." Napaisip nalang ako sa naging sagot nito.
"Paano bayan, lima kami at mag-isa kalang" ani ni Jake.
"Sugorin nyo na sya!" Utos nito sa mga kasamahan nya.
Naunang sumugod ay yung dalawang bampira na lumabas kanina kaya naki pag palitan ako rito ng suntok pero sila ay gamit nila ang kanilang matutulis na kuku at parang asong na uulol dahil nakalabas rin ang mga pangil nito. Dahil sa mas maliwanag ang ilaw nila dito kaisa sa Night Academy ay nakikita ko ang pula nilang mga mata.
Nang mawalan ako ng balanse ay nakalmot nila ang aking braso at tyan pero hindi masyadong malalalim kaya ako naman ang nag hanap ng tyempo. Inilabas ko ang shuriken ko at inihagis ko yun sa isa sa kanila kaya natamaan ang kanyang leeg at naging abo ito.
Pasensyahan nalang tayo dahil hindi ko kakayanin kung dagger lang ang gagamitin ko lalo't walang bahid yun ng liquid death. Agad na sumugod rin ang babaeng bampira na nag panggap na girlfriend ni Reco. Sa kanang kamay ko ay shuriken at sa kaliwa naman ay dagger.
Akmang ituturok ko sa babae ang dagger nang may malakas na sipa akong natanggap sa akin sa tagiliran kaya nag pagulong gulong ako sa seminto. Agad akong tumayo pero tumilapon rin ako agad dahil sa bilis nila at nawawalan rin ako ng lakas dahil sa mga sugat na natamo ko sa kanila, nalalasaan ko rin ang dugo sa gilid ng labi ko at naramdaman ko rin ang sakit ng kaliwang braso ko.
"Ang sarap yata ng dugo mo." Saad ng lalaking naka patong sakin habang naka labas ang mga pangil nito.
Masyado ng naubos ang lakas ko.
"F*ck!!!" Sigaw ko ng pisilin nito ang balikat ko siguro ay alam nyang may sugat ako ron. Pilit kong inabot ang shuriken sa paa ko pero hindi ko ito maabot dahil baka maramdaman nya to.
BINABASA MO ANG
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy (Vampires School)
VampiroAng isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. *A Human who was entered the Vampires School....* The book cover is edite...