Lilianne's POV
"Gutom na ba kayo?Aica Kain muna tayo,mga kuyang guards ilagay nyo muna sa Van yang mga yan, hihintayin namin kayo sa may Mang Inasal ah,para kain tayong lahat hehe". nakangiting sabi ko saka inabot sa mga kuyang guards mga bitbit ko. Hapon na kasi at sigurado akong nagugutom na din sila.Habang nagpunta sa may parking lot ang mga kuyang guards ay nagpunta kami ni Aica sa Mang Inasal,ayyts palapit pa lang kami naglalaway na ako!!!
Kami na ni Aica ang pumili para sa mga guards,hehe libre na kaya to kayat wag na silang magreklamo noh.
Habang naghihintay kami ng order ay binigyan muna nila kami ng inumin,Nasarapan ako sa inumin na binigay nila kayat kumuha ako ng konti sa inumin ng mga guards, sinenyasan ko naman si Aica na tumahimik kasi gulat sya sa ginawa ko at baka sabihin pa to sa mga guards na binawasan ko yung inumin nila. Naging tigkakalahati na lang ang inumin ng mga guards nung dumating sila.Pinagtabi namin ang dalawang mesa upang kasya kaming lahat. Medyo nahihiya pa yung mga guards,Hala bakit Naman sila mahihiya sakin?crush ba nila ako,haha assuming mo selp. Saktong dumating na yung pagkain pero naramdaman kong parang naiihi ako,ayyts naman bat ngayon pa.
"Ah Aica?mga guards,hehe punta lang ako ng Cr ,huwag nyong bawasan yang pagkain ko ah,tulad ng pagbawas ko sa mga inumin nyo". Nagkatinginan Naman sila.
"Ah ma'am Lilianne samahan na Kita". Sabi ni Aica at tumayo pa ,pero pinigilan ko Sya,Hala di Naman ako Bata para samahan pa sa CR ah.
"Ako na , bantayan mo yang mga kuyang guards baka bawasan nila pagkain ko". Bulong ko pa sa kanya at umalis na upang di na sya makasunod pa.
Ng papunta ako sa Cr ng restaurant ay andaming nakapila.Di ko na matiis ihi ko kayat lumabas ako ng restaurant upang maghanap ng CR,nalibot ko na buong mall at nasa pinaka dulo na ako pero Wala pa rin,Yung ateng sales lady na pinagtanungan ko kanina eh mas lalo pa along iniligaw Kasi di ko maintindihan mga sinasabi nya ayyts.
Habang nasa hindi masyadong matao na parte na ako ng mall ay may nakita akong kuyang Janitor,kinawayan ko eto pero di nya ako pinansin at nagpatuloy sa paglilinis nya sa sahig.Ayyts snob si kuyang Janitor ah haha.
Linapitan ko sya at kinalabit,napatalon sya sa pagkalabit ko sa kanya,Hala!!!palaka!!!haha joke,grave si kuyang Janitor ah,mukha ba kong multo?
"Ah hehe sorry kuyang Janitor kung nagulat Kita, magtatanong lang naman ako eh." Napa peace sign pa ako,magugulatin Kasi si kuyang Janitor ayyts.Umiling lang Naman sya saka napahawak sa dibdib,Hala!!!may sakit ba sya sa puso?!!!"Hala kuyang Janitor okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko.
"Okay lang ako,Nagulat lang ako sa iyo,hayyst ano ba yung tanong mo?"sabi nya saka pinulot ang mop na nahulog kanina dahil sa pagkagulat nya.
"Saan po ba dito yung CR kuyang Janitor?"
" Ayan oh!tsk ". Tinuro nya ang may di kalayuang pinto,ah so dun pala,grabe bat ang layo ng CR."salamat po kuyang Janitor hehe" sabi ko kay kuyang Janitor na tinanguan lang ako,agad naman akong tumakbo papasok sa Cr. Napahinga ako ng maluwag nung matapos ako,ayyts ang bilis ng karma ko,napanguso ako sa harap Ng salamin.
"Sana di ko na lang binawasan yung mga inumin ng mga kuyang guards ayyts". Habang nag aayos ako sa harap Ng salamin ay nagulat ako Kasi nakarinig ako ng magkasunodsunod na putok ng baril sa may kalayuan. "Hala ano kaya iyon?putok ba ng baril iyon?o may pumutok lang na kung ano?". Sabi ko,lalabas na sana ako ng biglang may pumasok at agad nitong isinara ang pinto,napatigil ito ng nakita ako."Hala kuyang Janitor!"nanlaki pa ang mga mata ko ng makitang may dugong umaagos sa may kaliwang kamay nya!
BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
ActionA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...