Chapter 39

745 40 15
                                    

Dedicated to mhicay_27

Lilliane's POV

BAGO lumabas sa horror house na 'yon ay tinapos ko muna iyong mga natitira pang kalaban.

Hindi nila pwedeng sirain ang araw na ito.

Sinuri ko ang katawan nung babae kanina. Napansin ko kasi ang tattoo sa batok nito. Katulad ito sa kay kuyang Janitor?! Iyong si Gustave ba iyon? Kapatid ni Gio.

Kung ganoon ay sa mga Walton ito. Siguro nga ay nanahimik muna sila dahil may binabalak ang mga iyon.

Sasabihin ko ba kay Al? Pero baka masira ang kaarawan ni Angelo. Mabuti pa at saka ko na lang sabihin.

Narinig kong may paparating kaya't umalis na ako dun. Nang makalabas ay sinuri ko ang sarili kung may mantsa ng dugo. Wala naman,medyo nagusot lang ang laylayan dahil sa pagiging magalaw ko. Inayos ko ito at muntik ko nang masapak ang sinumang bigla na lang yumakap sa likod ko.

Manghang nakatingin sa akin si Al habang mariing hawak ang kamao kong muntik nang tumama sa mukha nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko at unti-unting inalis ang kuyom sa kamao ko. Marahan niya ring ibinaba ang kamay ko.

"Aldrin nagulat ako sa'yo!" Ngumiti siya at bumuntong hininga.

"It's okay wife. You almost punch me. In the face."

Nagkamot ako ng batok at napahagikhik.

"Sa susunod kasi 'wag ka manggugulat! Sana nagsalita ka muna bago ako yakapin."

"Do I need to ask permission if I want to hug my wife?" Nagtaas siya ng kilay.

"Hindi hehe."

Ngumiti ito sa akin at idinipa ang dalawang kamay. Mabilis akong lumapit ay yumakap sa kanya. Ibinaon ko ang mukha sa kanyang dibdib.

Ang bango naman ng asawa ko! Akin lang to hehe.

"Wife?" tawag niya sa akin. Tumingala naman ako habang nakayakap pa rin sa kanya. Nakayuko naman ito ay pinagmamasdan ako.

"Hmm?"

"If ever your memories will come back... " Huminga ito ng malalim. "Promise me you'll stay with me."

Tumango ako at ngumisi sa kanya. Pumungay ang mga mata niya at mabilis akong hinalikan sa noo.

"Kaarawan ko pero bakit parang mas nag-e-enjoy kayo?"

Sabay kaming napatingin ni Aldrin sa nagsalita. Si Angelo na nakanguso sa amin, sa likod nito ay si Ark na nakangisi, At ang apat na nag-aasaran.

"Ganda nung white lady kanina! Nakahalik ako!" Halakhak ni Lucas.

"Kadiri ka talaga." Nakangiwing si Blaze.

Iniwas ko na lang ang tingin sa apat at napatingin ulit kay Angelo.

"Ano next na gusto mong puntahan?"

"There's a lot of games here. And prizes too! I wanna play them all!" Excited na sabi nito.

"Sige paramihan ng prize!" Si Ark.

"G din ako! Tara na guys!" Si Lucas na ikinawit pa ang braso kay Angelo.

"Gago 'di ka kasali uy!" Tawa ni Krist kaya ngumuso si Lucas.

"Let's go?" Inakbayan ako ni Al at nauna na kaya mapasama ako sa kanya. Sumunod naman agad sila.

Naglaro kaming lahat. Kami ni Al nagsasaya habang ang iba ay nagkaroon ng kumpetisyon. Paramihan pa talaga sila ng maiuwing prize eh kadalasan sa premyo laruan. Lalo na mga teddy bears.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon