Lilliane's POV
Umirap ako sa mga babaeng kanina pa nakatingin kay Al.
Tss hindi ba nila nakikitang may kasama si Al! At ako iyon! Tinaas ko pa yung kamay kong may singsing at ipinakita sa kanila.
Nginisian ko lang sila ng samaan nila ako ng tingin.
Hmmp! may asawa na tong pinaglalawayan niyo noh!
Napatingin ako kay Aldrin ng palapit na siya sa akin. Binayaran niya kasi yung cellphone na binili niya para sa akin.
"Akin na," excited na sabi ko pero napanguso ako ng itaas niya ito at diko maabot.
"Promise me you'll do anything I'll say first," sabi niya na agad naman akong tumango.
"Oo na!" binigay naman agad niya sa akin iyong paper bag na may lamang cellphone.
"Let's go wife." Napangiti ako sa sinabi niya at ikinawit ang kamay sa braso niya. Nanlumo naman yung mga babaeng nakarinig nun
Hehe blehh!
Habang naglalakad kami sa may mall ay seryoso lang si Al na nakapamulsa pa. Ako naman ay patalon talon pang tumitingin sa paligid. Naghahanap ng ipapabili pa.
Huminto ako ng mapunta ang paningin ko sa Arcade games. Puro bata ang mga nandito pero hinila ko pa rin si Al.
Umangal siya pero nagpahila na lang din."Wife this place are for kids," sabi niya habang tumitingin sa mga batang naglalaro.
"Eh gusto ko dito eh." Hinila ko pa siya papunta dun sa totoong habol ko dito sa arcade games.
"Childish wife."
"Al laruin mo tong Toy machine oh!" sabi ko sa kanya sabay turo dun sa machine.
Tinawanan niya ako kaya hinampas ko siya sa braso.
"Wife it's a Claw vending machine," tawa pa niya kayat napanguso ako.
Malay ko bang yun pala tawag diyan! Basta Toy machine nga yan!
"Basta sige na Al, gusto ko nito oh," nakangusong turo ko dun sa kulay violet na laruan.
Nakita ko ito noon na nakatatak sa damit ni Aica at na cute-an ako dito. Sabi ni Aica Stitch daw pangalan eh.
Tinignan niya lang ako kayat nagpa cute pa ako sa harap niya. Umiling siya sa akin kayat napanguso ako.
Luhh di natamaan ng cuteness ko.
"Stop it wife you're not cute," sabi niya saka lumapit dun sa babaeng nagbabantay dito sa may Arcade games.
Napangiti pa rin ako dahil magpapa barya siya para makapaglaro. Hehe makukuha ko na si Mr. Stitch!
Habang hinihintay si Al na magpabarya ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin.
Linibot ko ang paningin ko pero mga batang naglalaro lang naman ang nakikita ko.
"Weird," nasabi ko na lang.
"Wife are you okay?" tanong sa akin ni Al nung nakabalik na siya. Ngumiti naman agad ako sa kanya.
"Oo naman hehe sige na Al kunin mo na si Mr. Stitch," masayang sabi ko kay Al. Ngumisi siya sa akin saka pumwesto sa harap ng machine.
"Watch wife, I'll get Mr. Stitch for you." Tumawa ako sa sinabi niya.
"Yabang," bulong ko pero di naman niya narinig hehe.
Nag-umpisa na siyang maglaro pero napakunot ang noo niya dahil mahirap nga ito.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
ActionA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...