Lilliane's POVHinila ko na agad si Aica kasi baka masigawan kami dito ng unggoy na yun ng Get out na yan eh.
Nagugutom na talaga ako kaya bahala na muna Sya dun.
Parang di Naman busy eh. Tsk.
"Miss Liliane baka pagalitan-"
"Sssshhh Aica hayaan mo yun. Kain na muna tayo" hinila ko na lang Sya. "San ba Tayo pwedeng kumain Aica?"
" Ah merong canteen dito miss Liliane." Tumango ako saka masayang sumama kay Aica.
Madaming napapa tingin samin pero diko na sila pinansin.
Ang priority ko ngayon is yung pagkain.
....
Habang kumakain kami ay may mga lumapit samin, diko sila kilala at diko rin sila trip kausapin kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain.
Si Aica na lang kausapin nila no.
"Hi miss." Sabi nung matangkad na lalaki. Misis na ako kaya siguradong hindi ako yung kausap nya. Pero bat kaya Sya sakin nakatingin?
Hindi ko Sya pinansin kayat si Aica na kumausap sa kanya.
"Bakit po?" Si Aica.
"A-ah pwede bang maki upo?"
"Ah Sige Sige lang hehe." Tugon ni Aica sa kanila. Linagay pa nya sa likod ng tenga nya yung ilang takas na buhok nya kaya napataas ako ng kilay.
Hayaan mo sila Liliane. Pagkain mo atupagin mo uyy.
Umupo silang tatlo sa harap namin. Lalaki pala silang lahat.
"So... Dito kayo magt trabaho?" Sa akin nakatingin yung nagsalita pero duhh may pagkain sa harap ko no! Sya lang dapat titigan ko.
Hinihintay nila akong sumagot kaya si Aica na lang ulit sumagot.
" Ah ako, hindi . Pero Sya," turo sakin ni Aica. " Dito Sya mag ta trabaho."
Mas lalong napangiti yung matangkad na lalaki saka tumingin sakin.
"Miss what's your name?" Obvious na ako na Ang kausap nya.
Pero bakit miss? Eh misis na all eh.*/pout*
Hindi ako sumagot kasi puno na bibig ko. Gusto ko lang sana syang I correct na misis na ako eh.
"Ako si Aica, Sya si-"
"Lilliane!" Muntik ko pang mai ubo yung nasa bibig ko dahil may biglang sumigaw .
Biglang napatingin ang lahat sa kanya maliban sakin dahil nakahawak Sa dibdib dahil sa gulat.
Napansin kong gulat ang lahat saka yumuko pa.
"Ngayon lang sya nagawi dito ah? "
"Lunch break naman kaya sure akong di tayo mapapagalitan diba."
"Ang gwapo pero nakakatakot no!"
Yan ang mga rinig kong bulong bulungan sa paligid. Kung bulong mang matatawag iyon tsk. Bubulong na nga Lang dinig na dinig pa. Kaya nga di na ako magtataka kung pano kumalat ang isang tsismis eh tsk tsk tsk.
"Lia!" dinig kong sigaw ulit nya.
0_o
LiA? Ako ba yun? Anyare sa wife?
BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
AcciónA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...