Chapter 14 - Divorced

1K 53 0
                                    


Lilliane's POV

Nagtaka ako sa mga kinikilos ng lalaking yun. Iwan ba naman ako dito sa labas ng mansion eh pano kung magpakita ulit sakin yung multo ng babaeng clown na yun!

Sinundan ko sya ng palihim. Sa ibang kwarto sya matutulog? Buti Naman kung ganun. Ayaw ko kaya syang katabi! May pagka manyakis yan eh.

Pumasok Sya sa isang silid. Ah baka dyan matutulog. Aalis na sana ako pero may mga narinig akong sigaw.

Hindi naman ako tsismosa pero, dagdag kaalaman na rin kung makikinig ako hehe.

Lumapit ako at itinapat ang tenga sa pinto.

"I have an ex. I was trying to get back with her but how come can I get her back if I'm damn married!" ha? Si aldin may Mahal na iba?  Eh ano ngayun tsk.

"No." nanatili lang akong nakikinig dun. Ex? Anong ex? Ex military? Ex kapitan? Example?

"I like Lilliane for you and no one else can beat her-" na tats ako sa sinabi mong walang makakapantay sakin lo! Pero duhh ayaw ko po sa apo nyo! Baklang manyakis yan!

"Irene is smart. Hindi katulad ng Liliane na yun! Tatanga tanga!" Ako? Tanga? Ang sama Naman neto magsalita! Inaamin ko Naman na may mga katangahan na akong nagawa pero nakakasakit lang yung kinokompara ka pa sa iba! Sino ba Kasi yung Irene na yun!

Umalis na ako dun Kasi sa di malamang dahilan ay napaluha na lang ako. Hmmp dun na Sya sa Irene nya. Kainis kang Aldrin ka!

Nagtungo ako sa kwarto ko. Este kwarto pala namin tsk. Subukan nyang dito matulog. Sisipain ko Sya!

Naligo ako bago pumunta sa higaan. Mabango talaga ang kama nya. Kaamoy nya Lang din. Ang sarap matulog dahil ang lambot hehe. Buti na lang dito ako pinapatulog ni lolo.

Pipikit na sana ako pero may narinig akong mga katok.

Si Aldrin ba yun? Dito sya matutulog? Waahh Hindi pwede! Diko Sya bati! Tinawag kaya nya kong tanga!

Ready na ako sa isusumbat sa kanya na di Sya pwedeng matulog sa kwarto pero nagtaka ako Kasi hindi sya ang napagbuksan ko.

"Lo? Ano pong ginagawa nyo dito?"

"Apo pwede ba kitang maka usap?" Nag uusap na po tayo lo -_-

Tumango naman ako saka sya sinundan ng umalis sya.

Pumasok sya sa silid kung saan ko sila narinig kanina ni Aldrin. Sinenyasan nya akong maupo kayat naupo ako. Napatingin ako sa paligid. Opisina nya to?

"Lo ano po iyon?" Napahilot sya sa sintido na para bang ang laki ng problema nya tsk.

"Apo kamusta ang unang araw mo sa kompanya." Ngumiti sya sakin kayat nginitian ko rin sya.

"Ayos lang naman po lolo!pinagbasa ako ni aldrin ng apat na makakapal na folders at hinabol ako ng multong babaeng clown kanina. Yun lang po lo hehe." Mabilis na kwento ko sa kanya . Sya Naman ay di makapaniwalang tumingin sa akin saka biglang natawa.

Sige lo itawa mo lang tsk.

"Haha ang saya pala ng unang araw mo apo." Oo lo ang Saya ko hayyst . Sana kayo na lang hinabol nung babaeng clown na yun tsk.

"Yun lang po ba sasabihin nyo lo?" Bigla naman syang nagseryoso.

"I know Aldin will do anything para lang pumayag ka sa divorced nyo."

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon