Nagising ako na nasa kwarto na ako. At sa tabi ko ay walang Al ang naabutan ko kung hindi ay ang stuff toy na si stitch. Ang pwesto nito ay nakahigang nakaharap pa sa akin at sa noo nito ay may sticky notes na nakalagay. Agad ko namang kinuha ito at binasa ang nakasulat.
No cuddles for you as a punishment. Meet me at my office.
– your husband
Kaya pala walang Al na nakayakap sa akin pagkagising ko. Punishment ko pala iyon! Pwede naman na rito na rin kami mag-usap ah. Bakit kailangan sa office niya pa? Ano sa tingin niya itong pag -uusapan namin? Businesses! Aba!aba!
Naligo na rin ako agad para mapuntahan si Aldrin na panigiradong kanina pa naghihintay.
Pero dapat lang! Punishment niya rin iyon kasi walang cuddles pagkagising ko! Nakakatampo yun!
Habang papalapit ako sa opisina niya ay nakakaramdam na ako ng kaba. Seryosong bagay nga pala ang pag-uusapan namin.Kakatok na sana ako nang bumukas ito at bumungad sa akin ang busangot na mukha ng mga kapatid ni Al.
"Anong ginagawa niyo rito?" mahinang tanong ko sa kanila pero inilingan lang ako ni Ark at si Angelo ay ngumuso lamang sa akin.
Bat' may mga bangas sa mukha ang mga iyon?
Tumabi ako para makadaan sila. Papanoorin ko pa sana ang kanilang paglayo pero napatingin ako sa loob ng silid dahil tinawag ako ni Al.
"Wife, come in." Seryosong sabi niya. Seryosong sabi niya!? Mas lalo akong kinabahan!
Ngumiti ako sa kanya pero tinanguan niya lamang ang ngiti ko at itinuro ang sofa. Napatitig ako sa kanya ng matagal at di nakagalaw agad dahil sa kaba.
Pinanliitan ako ni Al ng mga mata, humilig siya sa kanyang swivel chair habang hindi binibitawan ang paninitig sa akin.
"Wanna sit on my lap instead?" tanong niya dahilan upang mamula ako.
Agad akong umiling sa kanya at pekeng tumawa. Itinuro ko ang sofa at doon nagmadaling maupo.
Ano ba naman itong pinagsasabi ni Aldrin! Hindi ba dapat ay seryoso lang kami ngayon? Tapos kung ano ano ang sinasabi niya.
Pero... seryoso ba siya roon? Ayaw ko namang masiyadong seryoso yung pag-uusapan namin tapos nakakandong ako sa kanya.
"Aray!" sigaw ko nang may bigla na lang pumitik sa tenga ko.
Sinimangutan ko si Al na ngayon ay magkasalubong ang mga kilay na nasa gilid ko na pala.
"Bakit mo'ko pinitik-"
"You're spacing out. You're not listening. I'm asking you if you're hungry." Sunod-sunod na sermon niya sa akin. Napanguso na lang ako at napahawak sa sariling tiyan.
Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok sila Aica kasama ang iba pang mga maids. May dala silang mga pagkain. Yumuko sila kay Aldrin bilang pagbati bago nilapag ang mga pagkain sa salaming mesa nasa harapan ko.
Tumabi sa akin si Aldrin habang pinapanood ang paglapag ng pagkain namin. Napansin iyon ng mga maid kaya mas nagmadali sila. Bago sila makaalis ay nagsalita si Al.
"Aica, you can all have your vacation for a week or two." Nagkatinginan silang lahat. Gulat sa narinig. Pati ako ay napalingon kay Aldrin na nilingon din ako. Hinapit niya ako sa bewang, akala ko ngingitian na niya ako pero seryoso pa rin siya. Nilingon niyang muli ang mga maid na gulat at naguguluhan sa sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/251375028-288-k646912.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
AksiA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...