Chapter 38

812 40 25
                                    

This Chapter is dedicated to all
of you my lovely readers<33

Lilliane's POV

Excited ako ngayong araw dahil special ito. Kaarawan ng bunso namin kaya masaya ako.

Nagbihis muna ako ng puting dress dahil bibisitahin namin ang mommy nila.

Tapos didiretso na kami sa amusement park tulad ng pangako ko kay Angelo. Sa hapon ang handaan sa mansion.

Napangiti ako nang maramdaman ang yakap ni Aldrin galing sa likuran. Siya na mismo ang nagtali sa bestida ko habang nakayakap sa'kin.

"My lovely wife," bulong niya bago ako binigyan ng halik sa pisngi.

Humarap ako sa kanya at inayos ang magulo niyang buhok. Medyo basa pa ito.

Nakasuot siya ng plain black t-shirt at black pants. Napangiti pa nga ako dahil parehas kami ng suot na sapatos.

Naka-dress ako ngunit bagay pa rin sa suot kong puting rubber shoes.

Ang simple lang naming tingnan ngayon pero si Al ay ang lakas pa rin ng dating.

Bumaba na din kami at naabutan ang nakabihis na rin sila. Sasama sila Blaze,Lucas, Kent at Krist sa amin. Si Aica at ang iba pa ay maiiwan upang asikasuhin ang mga handa ni Angelo dito.

At saka para sa surprised na rin na uuwi si lolo pagkauwi namin sa hapon para sa handaan.

"Let's go! Let's go!" Maganang sabi ni Lucas.

"Let it go! Let it go!" Kanta bigla ni Krist kaya natawa kami.

"Happy birthday Angelo!" Nagyakap kami ni Angelo.

"Salamat po ate Lilliane," humalik din siya sa pisngi ko.

"Happy birthday brother," si Al naman ang bumati.

"Thank you kuya." Napangiti ako nang magyakap sila. Nagulat ako nang biglang may nag flash.

Napatingin ako sa apat na bumubungisngis. May hawak na camera si Kent.

"I will be the photographer today," tumango naman ako sa kanya. Ayos nga iyon.

"Let's go na!"

"Sandali wala pa si Ark."

"Tss iwan na natin yun!"

"Bakit ang tagal nun! Kala mo naman siya ang may birthday."

"You guys looking for me?" Napatingin kaming lahat sa hagdan at pinanood ang pababang si Ark.

Lagi naman siyang naka-ayos pero nasobrahan yata ngayon.

"Bakit ka nakaganyan kuya?" Tanong ni Angelo sa kapatid.

"What? We're going out today right? Anong gusto niyong isuot ko pantulog?" Umiling na lang si Al sa kapatid at nauna nang maglakad. Sumunod agad ako sa kanya at kumapit sa braso nito.

"Kuya baka nakakalimutan mong ako ang may birthday," rinig kong bulong ni Angelo sa kapatid. Nakasunod silang lahat sa amin.

Oo nga naman. Ang gara pumorma nitong si Ark ah. Parang siya pa may birthday.

"Ate Lilliane 'kelan pala darating yung mga kaibigan mo?" Tukoy ni Angelo sa kay Kyrill at sa mga kaibigan pa nito.

Nasabi ko na sa kanilang lahat na may mga bago akong kaibigan na dadalo sa party. Inimbitahan ko rin sina Gina.

"Ah sa hapon daw. Family time tayo sa amusement park kaya bawal ang epal hehe."

Narinig ko naman ang pag-ubo ng apat sa likod.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon