Chapter 30

1.1K 51 14
                                    

Hernan's POV

Natawa ako ng dumaing si Vithel. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Shut up Hernan," inis na sabi niya saka hinilot ang braso niya. Kumikirot pa rin kasi ito dahil sa tama ng baril.

Nahanap na namin kung saan nagtatago si Gio. Gustave's brother.

Nagbago na ang plano ni boss. Dahil nagtraydor na din si Gustave sa amin ay gagamitin niya si Gio laban dito.

Nagrereklamo si Vithel dahil hindi siya makakasama dahil sa sugat niya pero mapilit ito.

Tss gagawin na lang kitang pananggga mamaya kung ganun.

Alam kong darating na naman ang mga Montecillo para kunin si Gio.

Paunahan na lang kung sino ang makakakuha sa kanya.

Ang plano ni boss ay haharapin niya ang mga Montecillo habang ang mga tauhan ang kukuha kay Gio.

Alam kong malakas si Gio at malalabanan niya rin ang mga tauhan kayat si Vithel at Coby ang kukuha sa kanya kasama ang mga tauhan.

Si coby ay isa rin sa magagaling na kasamahan ko.

Kami naman na ang bahalang humarang sa mga Montecillo at panahon na rin upang magkaharap sila ni boss.

Napatingin kami sa pintuan ng bumukas ito at pumasok ang nakangising si Cindy. Napakunot ang noo ko ng may kasama din siyang babae.

"Hey guy's, look who's here!" sabi niya saka tinuro ang babaeng nasa tabi niya.

Ngiting ngiti si Cindy habang ang kasama niyang babae ay seryosong nakatingin kay boss.

"Cindy sino siya?" tanong ko ng walang balak magsalita.

"Siya yung sinasabi ko sa inyo na nakausap ko noon. Yung tutulong sa atin!" Pinalapit niya yung babae kay boss pero si boss ay galit na tumingin sa babae.

"What the fuck Cindy! We don't need anyone's help!" sigaw niyang nakatayo na.

Pati ako ay nainsulto sa sinabi ni Cindy. Tsk tingin ba nila ay hindi namin kayang pabagsakin ang Mafia Montecillo!

Napatayo na din ako ng tumawa ng mahina yung babae. Iniinis talaga niya si boss.

"The queen just want to help you Mr. Walton," nakangising sabi niya.

"Ha? I thought you're the queen," naguguluhang sabi ni Cindy. Umiling naman yung babae.

"Who the fuck is that queen!" sigaw ni boss at napatakip pa si Cindy sa tenga niya. Ang babae naman ay hindi man lang natinag.

"Darius you're so loud!" inis na sabi ni Cindy pero di siya pinansin ni boss.

"You'll meet her soon." Nainis ako ng umupo yung babae sa mismong inuupuan ni boss. Lahat kami ay pinapanood lamang siya.

Nagkatinginan kami ni boss at hinintay ko ang utos niyang patayin ko tong babaeng ito.

Kung makaasta kasi ay parang teritoryo niya itong lugar.

"Have a seat ladies and gentlemen. I'll explain everything," umikot ang mga mata niya nang walang sumunod sa amin.

Tss why would we follow this bitch.

"Desidarius Gavista Walton," bigkas niya sa pangalan ni boss.

"The queen likes your ways on handling your businesses," kwento niya habang nakangising nakatitig kay boss.

Umiling si Cindy at naupo na lang. Sumunod na lang din kami. Mas lalo namang lumaki ang ngisi niya ng naupo na kami.

Si boss ay nakaupo sa tapat niyang upuan.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon