Kent's POV
Kasalukuyan kaming nasa daan ni Krist . Sya ay inaayos ang kanyang baril ako Naman ay gwapong nagmamaneho lang..
Kailangan pala ng membership card para sa lugar na yun. Buti na lang nagising na yung lalaking may alam sa emblem na yun.
Sinabi nya sa amin kung paano makapasok sa bar kung saan may member na kasapi sa secret mafia na yun tsk.
"Buti naman gising ka na hays. Pano makapasok sa lugar na yun sabihin mo na kung ayaw mong patulugin Kita ng habangbuhay." Pananakot ni krist sa lalaki.
"Anong habangbuhay baka habangpatay." Tawa ko Naman.
"Manahimik ka na nga lang kent. Ang daldal mo. babae ka talaga eh, umamin ka nang hayup ka." Aba! Gago to ah! Sa pogi kong to! Duhh!
"Uy sabihin mo na at pwede ka ng umuwi."
"S-sa ano p-po , kelangan nyo ng membership card para mas mapadali ang pagpasok nyo."
"San kami pwedeng makakuha ng membership card!" Tinutukan pa ni krist yung lalaking parang maiihi na sa kaba. Binatukan ko si Krist kayat sa akin naman sya bumaling.
"Tanga! Syempre sa isang member din ng lugar na yun! Ang tanungin mo ay kung sinong mga member nun na pwedeng hingin sa kanila yung membership card nila!"
Gumanti Naman ng batok ang gago!
"Mas tanga ka! Tingin mo ba ibibigay na lang nila basta basta yung card na yun!"
"Teka lang nga bossing. Sasabihin ko na kung sino yung isang member na madali lang kayo makakakuha ng membership card." Singit nung lalaki.
"Sino?" Sabay pang sabi namin. Tsk kahit kelan talaga gaya gaya to.
"Yung gangster na anak ng mayaman. Ituturo ko ang address bastat pakawalan nyo na ako."
Pinakawalan ko na sya. Kahit naman walang posas to eh madami namang pasa. Imposibleng makatakbo pa. Pagkabigay nya samin ng lugar ay agad na namin itong pinuntahan.
Madali lang namin itong nakuha. Ayy ako lang pala kumuha tsk. Si krist tumayo lang dun.
Mahinang nilalang pala yung gangster na yun eh tsk. Naihi pa nga hays.
Pagkarating namin sa bar ay may humarang agad sa amin. Walang nakakakilala dahil naka mask kami.
Ipinakita namin ang membership card at nakapasok nga kami agad. Hays easy lang nun pre! Di na ba ako pagpapawisan sa misyon na to?
Ilang oras na kami dito pero wala pa rin ang target hays. Nakakasawang panoorin tong mga babaeng nagsasayawan eh. Mukha namang mga bakla. Si krist naman Ewan ko kung saan na nagpunta.
Alam na namin yung mukha nung target namin. Mukhang unggoy.
Habang pa yosi yosi ako sa isang gilid ay biglang may humila sa akin. Sasapakin ko na sana ito pero si Krist lang pala.
Dinala nya ako sa walang katao taong parte ng bar.
"Ano ka ba krist! Wag ka ngang nanghihila dyan. Kung gusto mo ng kiss eh sabihin mo lang wag yung nanghihila ka- aray ko gago!" Bigla ba Naman akong batukan ng gago.

BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
AksiA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...