Chapter 33

1K 66 46
                                    

Dedicated to tankadtyo  GiftOfTheWind  thanks for reading my story. Marami pa dapat iyan pero next time na lang hehe .

WARNING ⚠️

Pinanood ko si Al na pumasok sa mansion. Hindi man lang niya inayos ang pagkaka-park ng kotse niya.

"Hindi man lang niya ako pinagbuksan o hinintay man lang," nakalabing sabi ko bago sumunod sa kanya.

Kumunot ang noo ko nang makita siyang parang hirap na maglakad.

Pinanood ko muna siya at in-obserbahan.

May mali sa kanya eh.

"Al sandali!" sigaw ko ng nasa kalahati na siya ng hagdan.

Napahinto siya kayat nagmadali akong lumapit sa kanya.

Napahawak siya bigla sa braso niya at dumaing.

"Al okay ka lang?" tanong ko at agad siyang niyakap ng matutumba na siya.

"Ughhh!" daing niya habang nakapikit ng mariin.

Hinawakan ko siya ng mabuti upang hindi kami mahulog sa hagdan. Umupo ako ng dahan dahan habang yakap ang balikat niya.

Dumaing ulit siya ng mahawakan ko ang isang braso niya. Pagkatingin ko sa kamay ko ay nanlaki agad ang mata ko ng makita ang pulang likido dito.

"Al may tama ka!" sigaw ko at di ko alam dahil kusa na lang lumabas ang mga luha ko. Kanina pa mabigat ang pakiramdam ko at ngayon ay mas bumigat dahil sa kalagayan ni Al.

Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang paghikbi. Tinapik ko ang pisngi niya ng unti unti na itong pumipikit.

"Tulong!" sigaw ko at mas lalong niyakap si Al.

Bakit ba hindi ko man lang napansing may tama siya!

"Al gumising ka!Tulong!" sigaw ko ulit.

Nagsidatingan ang mga maids at mga guards. Pinagtutulungan nilang buhatin si Al at dalhin sa kwarto.

Agad silang nagtawag ng doctor.

Makikita na rin ang pag-aalala sa mga mukha nila.

Ang lakas ng tibok ng puso ko na iyon na lang ang tanging naririnig ko.

Kanina pa ako kinakausap ni Aica pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

Dumating naman agad ang doctor at agad na ginamot si Al.

Tahimik akong umiyak sa gilid habang ginagamot si Al. Gusto muna akong pagpahingain ni Aica kanina pero umiling lang ako at binantayan si Al.

Magaling ang doctor ng pamilya ni Al kayat nagamot niya si Al ng maayos.

Pinasalamatan ko iyong doctor pagkatapos niyang gamutin si Al.

Tinitigan ko ang balang natanggal sa braso ni Al kanina. Malinis na ito at walang bahid ng dugo.

Mataas na uri ng baril ang ginamit sa asawa ko dahil napamilyaran ko ang uri ng bala nito.

Gabi na ulit at gising pa rin ako. Hinihintay ko pa ring magising din si Aldrin.

Marami daw nawalang dugo kay Al kayat kailangan niya munang magpahinga.

May binigay din siyang mga gamot upang bumalik daw ang normal na dami ng dugo niya.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang payapa niyang mukha.

Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito. Ngumiti ako ng kaunti ng makita si Angelo.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon