Chapter 35- Unknown

1K 57 21
                                    

Dedicated to SoOmIcHieEee

Lilliane's POV

Tahimik kaming kumakain sa lamesa dahil walang may balak na magsalita.

Kompleto kaming lahat maliban kay lolo na hindi pa rin umuuwi.

Ilang araw na rin ang makalipas at wala pa ring paramdam ang mga Walton na iyon kayat hindi rin nagpupupunta sa hideout nila si Aldrin.

Kita ko ang pag-irap ni Ark ng tumikhin si Aldrin.

Medyo nagkainitan silang dalawa kahapon.

Binalak kasing umalis ni Ark dahil may importante daw itong pupuntahan.

Nagalit si Aldrin dito dahil pinagpilitan pa rin ni Ark na lumabas.

Siyempre hindi nagpatalo si Ark at mas nagalit din.

Puro sila english kahapon kaya pinabayaan ko silang magsigawan. Hindi naman sila nagsuntukan eh.

Ano kayang importante ang pupuntahan ni Ark at ganun siya kagalit dahil ayaw ng kuya niya.

"I'll go to the company today. You three will stay here and behave."

Tumango kaming dalawa ni Angelo kay Aldrin pero itong si Ark ay bumubulong bulong pa.

"Tsk ano kami tauhan mo?"

Umiling na lang si Aldrin sa kapatid niya.

Gusto ko rin namang sumama sa company ni Al lalo na't nandoon 'yong ex niya.

Pero baka tumakas daw bigla si Ark at saka magpaplano na rin kami para sa nalalapit na kaarawan ni Angelo.

"I'll go now wife," sabi ni Aldrin bago humalik sa pisngi ko.

Nasanay na rin ako sa mga halik niya. Pero yung pakiramdam.Parang unang halik pa rin namin.

Hinatid ko siya hanggang sa labas ng mansion.

"I'll call you okay?"

"May load ka?" tanong ko na ikinatawa niya.

Ako kasi walang load eh. Kawawa yung cellphone ko. Walang silbi.

"Always. Later wife." Humalik ulit siya sa noo ko bago pumasok na sa kotse niyang iba na naman.

Paiba-iba to ng sasakyan.

Pinanood kong lumayo ang kotse niya hanggang sa sumarado na ulit ang gate sa kalayuan.

Tinanguan ko ang mga bodyguards sa paligid bago pumasok sa mansion.

Dating gawi na naman kami tutal wala namang paramdam na panganib eh.

Tahimik lagi sa buong mansion. Kapag nandito sa mansion si Al ay busy pa rin siya sa company nila.

Andun lang naman ako nagbabasa ng kung ano sa tabi niya.

Pero ngayon ay kailangang pumunta na daw talaga siya sa company.

Baka may problema at ayaw ko namang makaabala pa sa kanya kaya di' muna ako sumama.

Pinuntahan ko muna si Angelo sa may library kung saan siya laging tumatambay.

"Ano ulit iyang binabasa mo?" tanong ko pagkalapit sa kanya.

"I'm learning a new language."

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Bakit?"

"I just want to learn another laguange. I'm bored to death you know."

Naupo muna ako sa tapat niya bago siya lingunin ulit.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon